Mabilis na tumakbo ang mga oras at araw. Sumunod na linggo ay nagyaya si Zoe na mag bar at shopping dahil sa sobrang stress niya sa work. Pumayag ako dahil pakiramdam ko, ito na ang pagkakataon para masabi ko sa kanya ang lahat.
"You think this is nice?" Tumango ako sa tanong niya nang makita ang dress.
Dapat ko pa bang sabihin sa kanya? Isang linggo na rin naman kaming hindi nagkikita ni Yno. Ang huling kita namin ay noon sa bar. Hindi ko na nirereplyan at sinasagot ang mga tawag niya.
"Ma'am Herrera, wala na pong stock nitong dress na napili niyo," sabi nung sales lady. Ngumiti ako at tumango na lang.
"Okay, so, what is up? It's shopping day, pero tahimik ka at hindi ka rin masyadong nagtitingin ng damit, which is very unusual." Bumuntong hininga ako at pinilit na ngumiti kay Zoe.
Tama siya. It's shopping day! Matapos ang ilang araw na stress kaming dalawa, dapat hindi ko na iniisip si Yno.
"You're right, I'm sorry. It's just that... work is stressing me out. Dagdag pa si Daddy na madalas nasa opisina ko dahil hanggang ngayon ay mainit pa rin ang issue tungkol sa kasal ni Cecille at Yno." I accompanied her with paying for her clothes. Sinubukan pa naming mag ikot ikot at nang mag gabi na ay nag desisyon na kaming mag bar ulit.
"Cheers to our twisted lives!" We drank our shots. Hindi na kami nag book ng private room dahil hindi naman namin expected na maraming tao.
"Let's dance," yaya ko sa kanya. Tumayo naman siya at nagsayaw na sa gitna habang hinihintay ako. I chuckled and let myself live for a moment.
This whole situation has been draining me lately, it made me forget how to live.
"Erisse! It's nice to see you here!" Agad kong pinagsisihan na hindi kami sa malayo nag bar at wala kaming private room. Kalaunan ay marami na ring nakakilala sa akin at nakipag interact kaya naman naging busy din ako at hindi na napansin si Zoe.
"Yes! I've been planning to build something, but it's still a plan. Wala pa akong concrete schedule about it." Tumango tango naman ang kausap ko nang magtanong siya tungkol sa kumakalat na balita sa pagpapatayo ko ng iba pang business.
"Goodluck with that, I'm pretty sure you'll be great about it." I chuckled and thanked him. Maya-maya naman ay umalis na rin ako para hanapin si Zoe, but to my surprise, my eyes caught someone else.
Umiling ako at nakita ang waiter na nag iikot para sa drinks. Kinuha ko ang isang baso doon at ininom nang straight.
Bakit pa nga ba ako nagpapaka-stress sa kanilang dalawa eh mukhang gustong gusto naman na nilang nakikita sila sa public?
"Erisse!" Lumingon ako at nakita ko si Justin. Huling nagkausap kami ay noong birthday pa ni Tito Rey.
"Justin! Nice to see you here!" He started dancing with me kaya naman natawa ako at sinabayan din siya.
"Ikaw ang hindi ko na nakikita rito! Every week kaming nandito, tapos ikaw ngayon ko na lang ulit nakita mag bar!" Ngumiti ako. Talagang sinasadya ko na hindi pumunta rito dahil ayoko ng atensyon.
"Masyado na akong busy para rito, buti nga at binigyan ako ng pagkakataon na makapagbar!" He did some dirty dance moves which I immediately enjoyed. Ganito naman talaga kami noon pa. Not until the world became cruel and I needed to hide from everyone.
"Erisse." Natigilan kaming dalawa ni Justin nang biglang sumulpot sa harapan ko si Eros.
"Oh, my dear brother is here!" Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. Umaalon na ang paningin ko at medyo may tama na rin. Dagdag pa ang sama ng loob sa nakita.
"You are f*****g drunk!" Ngumisi ako sa kanya at sinubukang magsayaw. Nahagip ng mga mata ko si Zoe na may kasayaw din na ibang lalaki.
"Eros, have you seen your dear ex-girlfriend? Kaya ka ba nandito?" Kita ko ang galit sa mga mata niya kaya mas lalo akong natawa.
"This is part of her plans." Pakiramdam ko, mababaliw na talaga ako sa mga tao sa paligid ko. Halos lahat sila ay nabubulag pagdating sa pag-ibig.
"Bullshit. Then why are you here alone? Hindi ka ba invited sa table nila?" Humalakhak ako bago siya iniwan mag-isa. I need him to think this through. Matalino siya, mas matalino siya sa akin. Dapat ma-figure out niya na ginagago siya ng ex niya.
"Erisse, let's go!" Galit na ekspresyon ni Zoe ang nadatnan ko. Hinanap ko sa likuran niya ang lalaking kasayaw niya kanina, pero wala na ito.
"Nasan na kasama mo? Bakit tayo aalis?" Nagtataka kong tanong dahil nahihilo na rin ako at mas lalong gusto ko pang sumayaw.
"Iniwan ko! May asungot dito kaya umalis na tayo!" Natawa ako sa sinabi niya.
Tama. May mga asungot dito.
"Sino? Si Yno ba?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"What? Hindi si Lowis. Nandito siya?" Napapikit ako at dinama ang alak sa sistema. Nang dumilat ako ay saktong may dumaan ulit na waiter.
Hinila ko si Zoe kung saan maaaninag ko si Yno. I watched Yno drinking comfortably with Cecille. Silang dalawa lang ang nasa table at magkatabi silang pinapanood ang mga taong nasa gitna ng dance floor.
Ilang sandali lang ay may isang babae ang lumapit sa kanilang dalawa. Napakurap kurap ako para tignan kung sino ‘yon dahil pamilyar sa akin ang dress na suot ng babae. Bigla namang sumulpot si Alexander na kasama noong babae.
Ah, si Alexander ang asungot.
"Hindi tayo aalis, Zoe. Hindi nila pag ma-may ari ang bar na ito. Isa pa, nandito tayo para makalimot, hindi ba? Bakit ka magpapaapekto?" Ngumisi ako at nag walk out para maghanap ng pagkakaabalahan.
I can buy this bar tonight and make them leave if I want to.
I am looking out for the family kaya ayokong matuloy ang kasal. But right now, while thinking about it, I realized na wala naman silang mapapala sa kompanya namin kung matutuloy ang kasal nila. Hindi naman naka-direkta sa pamilya ko ang merging.
Hindi ko alam kung nakailang shot ako sa gitna ng dance floor at hindi ko rin alam kung ilang lalaki na ba ang nakasayaw ko. Hindi ko na rin alam kung nasaan na si Zoe at mas lalong hindi ko na rin alam kung ilang oras na ba ang lumipas. I’m just dancing and drinking. I don’t want to stop because I don’t understand myself. Bakit ba ako nagkakaganito?
"You're so damn hot, Erisse," bulong nung kasayaw ko. Dumilat ako at nilingon ang lugar kung nasaan sila Yno. Nandoon pa rin sila, at mukhang hindi pa rin niya ako napapansin. O baka napansin na niya ako, pero wala lang siyang pakialam.
"Oh, look! It's my cousin!" Sigaw ko at hinila ang kasayaw ko papunta sa table nila.
Kung hindi mo ako napansin, magpapapansin ako para makita mo ko.
"Erisse!" Sigaw ni Cecille na mukhang nagulat nang makita ako sa harapan niya. I smiled at her and waved. Tinignan ko nang sandali si Yno at nakita ko rin ang gulat sa kanya.
"Cecille! I didn't know you were here. And... with your fiancee! That's so nice and sweet!" Nilagay ko ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko na para bang touched na touched ako.
"Erisse...---" I didn't let her talk. Ako ang magsasalita, wala kang karapatang mag sabi nang kung ano-anong bullshit, Cecille.
"You know? I saw Eros earlier. Hinahanap ko nga siya, eh. Nakita mo ba siya?" Dahan-dahan siyang umiling at mukhang hinanap din si Eros sa dance floor.
"I've heard about the merging of your companies, congratulations," singit naman nitong lalaking kasama ko na nakalimutan kong nandito pa rin pala.
"Thank you," sagot naman ni Cecille na ikinatawa ko.
"Aren't they a good couple?" Tanong ko pa doon sa lalaking kasama ko.
"Yeah, I just... thought that a Herrera couldn't marry an Alaster because of family issues. But, yeah, you guys are a good couple!" Hinawakan ng lalaki ang bewang ko kaya naman napahawak ako sa balikat niya.
"Erisse!" Nilingon ko si Zoe na lumalapit sa akin. Napalingon naman kay Zoe si Alexander at ang kasama nitong babae.
"Zo! Sorry, I've been catching up with my cousin who's comfortably drinking with Yno Lowis Alaster. You know? Baka nakakaabala na kami. Have a great night!" I scoffed.
Hinila ko na si Zoe at ang lalaki na kasama ko paalis doon.
Uminom ako ng isang basong whiskey bago bumalik sa dance floor.
"Are you okay?" Ngumisi ako at tinignan ang lalaking kasama ko.
I know this guy. Nakikita ko na siya sa social gatherings, pero hindi ko maalala ang pangalan niya.
"Yes, let's go!" Hinila ko siya papunta sa gilid ng comfort room. I started kissing him to remove the image of Cecille and Yno together.
Bakit ba ako nagkakaganito?
“Hmm…” He was moaning while kissing me. Hinayaan ko lang siya dahil wala na rin ako sa sarili ko para pigilan siya. Umaalon ang paningin ko at halos mabingi na rin ako sa paligid sa sobrang kalasingan. Nagpadala ako sa mga halik niya kahit wala akong maramdaman.
I’m just not as aroused as I am when Yno’s kissing me. I wanted to focus more on what was happening in front of me, but I just couldn’t!
“Stay away from her.” Nakapikit pa rin ako nang marinig ang boses na ‘yon. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o talagang narinig ko ang boses ni Yno. Tumigil ang lalaki sa paghalik sa akin at bigla na lang akong binalot ng lamig.
Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko ang umaapoy sa galit na mga mata ni Yno. Napaawang ang labi ko nang makita ko siya sa harapan ko at pakiramdam ko, ito ang unang beses na dumilat ako nang hindi ako nahihilo. I have never been so focused on something tonight, ngayon lang.