Chapter 4

1685 Words
I felt like I did something as bad as what my Brother did. Hindi ako mapakali at kanina ko pa tinatawag si Zoe pero mukhang nag e-enjoy pa rin ang bruha kong kaibigan dahil kahit kanina ko pa tinatawagan ay hindi magawang sagutin ang telepono. That night, I wasn't able to sleep kaya hindi na rin ako nagtaka na hindi ako makausap nang maayos ng mga staff namin. I requested for Zoe immediately at tinawagan naman ito ng sekretarya ko. “You what?!” Sigaw niya matapos kong sabihin ang nangyari kagabi. “Hindi ko alam, Zo! Hindi mo nga rin alam, ‘di ba? Let me remind you na ikaw ang nag iwan sa aming dalawa doon sa counter! Isa pa, hindi mo man lang sinabi sa akin na nakaalis ka na kagabi! Kasalanan mo talaga lahat ‘to, eh!” Tinawanan niya naman ako dahil sa sinabi ko. Sinamaan ko siya nang tingin dahil naf-frustrate na ako, tapos tinatawanan niya pa ako! “Well, first thing first, Erisse… masarap ba?” “Zoe!” Muli siyang tumawa dahil sa naging reaksyon ko. I tried forgetting about what happened last night, but it was etched in my soul. Akala ko dahil lang sa hindi ako makapaniwala na siya si Yno o baka dahil sa guilt, pero hindi. Tuwing naiisip ko siya, ang ginawa niya, ang ginawa namin, para akong nababaliw. “Oh my gosh, natutulala ka! Ibig sabihin, masarap! Nasarapan ka?!” Hindi na ako makatingin sa kanya dahil tama naman siya. No matter how much I try to deny everything, mas lalo lang pinapamukha ng sarili ko na talaga ngang nagtaksil na ako sa katawan ko. It was magical. What we shared… It was beyond pleasurable. And I couldn’t deny it. I couldn’t stop thinking about it. I couldn’t stop thinking about him. "Stop that, Erisse! Bakit ka natatahimik?!" Umiling ako at parang natigil ang hipnotismo sa akin dahil sa sigaw na 'yon. "I think I need a day off." Tumango si Zoe sa sinabi ko at mukhang nag-aalala siya sa akin. Kahit ako ay nag-aalala sa sarili ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. I tried to do everything I can to forget about him. Hindi nakatulong ang day off dahil buong araw ko rin siyang inisip. Kahit na ilang araw na ang lumipas ay para pa rin akong hina-haunting ng nangyari ng gabing iyon. Ni-hindi ko na nga maisip ang problema ko kay Eros dahil kay Alaster. “Well, then… It’s a deal.” Malaki ang ngisi ko nang sabihin niya ‘yon sa akin kahit na alam kong partly ay dahil nagagandahan siya sa akin kaya pumayag siya sa offer ko. “Thank you, Mister Castillon, I promise you won’t regret choosing us.” I offered him a handshake and he immediately accepted it. Iginiya ko na siya palabas ng meeting room at hinatid hanggang sa elevator. Days passed by, hindi ko na tuluyang alam ang gagawin ko. Parang unti-unti na nga akong nababaliw sa kakaisip sa kanya, sa nangyari nung gabing 'yon, sa pakiramdam na binigay niya sa akin. I tried everything. I tried bar hopping and hooking up with other men, pero iba pa rin ang pakiramdam na binigay niya sa akin. “Hmm…” He moaned when he started kissing my neck. Ako dapat ang umuungol, pero hindi ko magawa. I don’t feel anything at all! Manhid ba ako dahil sa pagkakalasing ko? Sinubukan ko pang magtagal hanggang sa mahawakan niya na ang dibdib ko. It doesn’t feel pleasurable at all kaya tinulak ko siya nang bahagya. “I’m sorry, I can’t do this.” Umiling ako at inayos na ang damit ko. Nakita kong nakakunot ang noo niya sa akin, pero wala na akong pakialam. Kinagat ko ang labi ko habang inaayos ang sarili ko bago siya iniwan doon mag-isa. Hinanap ko si Zoe sa may dancefloor at laking pasasalamat ko na nandoon siya! “Hey, Erisse!” Hinawakan ko na ang braso niya at hinila na siya papunta sa private room para kunin ang gamit naming dalawa at umalis na. “Anong nangyari?” Nang nakarating kami sa loob ng sasakyan ko, tsaka ko sinapo ang noo ko. “f**k, f**k, f**k!” I continuously said. Nananahimik lang si Zoe sa tabi ko at pinapanood ako. I started driving home because I thought I needed to rest. I need to think straight! Hindi ako ganon. Hindi ko kailanman tinakbuhan ang one night stand, but a while ago felt wrong. It felt… nothing. Hindi ko alam kung dahil ba sa kahalikan ko o dahil nag set na ng standards ang katawan ko at hindi ko na alam kung paano ko ‘yon papantayan! f**k! "Dadalo tayo sa kaarawan ng Uncle niyo sa isang linggo. Isang private island sa Mindanao ang napili niyang venue kaya mag c-chopper tayo papunta roon. Mauuna na kaming tatlo, Erisse. Ikaw naman ay sumabay na lang kay Zoe." Tumango ako at hindi na nagsalita. Ano pa bang itatanong ko eh mukhang na-plano naman na ni Daddy lahat. "I heard that Tito Rey invited lots of investors?" Tumango si Daddy kaya naman napatuwid ako ng upo. Akala ko pa naman ay mag e-enjoy ako sa private island na 'yon. Mukhang kahit doon ay trabaho pa rin. "Kaya kailangan maging handa ni Erisse," matigas na sabi ni Daddy. I only smiled at him. Lumipas ang isang linggo nang ganon ganon lang. I hired an artist for hair and make-up para sa aming dalawa ni Zoe. Kaya naman sana naming dalawa na kami na lang kaya lang ay kailangan na rin naming mag madali dahil pabalik na ang chopper para sunduin kami. "Ganda mo talaga!" Zoe complimented when I was done preparing myself. Ngumisi ako sa kanya dahil alam naman niyang hindi ako magpapatalo kapag may mga ganitong event. “Erisse? Naka-landing na ang chopper sa Herrera Holdings sabi ng Daddy mo.” Tumingin ako sa saradong pintuan kung saan nagsalita at kumatok si Manang. Agad ko naman na kinuha ang purse ko at hinila na si Zoe palabas. Hinatid kami ng driver papunta sa opisina. Mabilis lang ang naging byahe namin at tama naman ang naging calculation ko sa oras dahil pagdating namin, nagkakainan na at after party na ang nangyayari. Mabuti na lang at hindi ko na kailangan pang makinig sa kung ano-anong speeches at seremonyas. “Papasok na ako, ha? Hanapin ko na sila Daddy.” Tumango ako kay Zoe. Nauna kasi siyang bumaba sa akin ng chopper at alam niyang mabagal akong kumilos kaya mas pinili niyang mauna na. Hindi naman malayo ang naging agwat namin at nakikita ko pa rin naman ang likuran niya, pero naunang bumaba ang elevator na pinasukan niya bago ko pa siya mahabol. The bodyguard pressed the other elevator of the venue. Matagal bago ‘yon nakarating sa helipad at nasisigurado kong nandoon na sa palapag ng venue si Zoe. Tahimik lang ako habang nakatingin sa sumasaradong pintuan ng elevator. When it closed, I saw myself in the reflection in front of me. Nakita ko ang half body ko kanina, pero hindi ang kabuuan kong ayos. “You look beautiful,” Erickson, my bodyguard, commented. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. Bodyguard ko na si Erickson matagal na. Fifteen years old pa lang ako non at eighteen naman siya, siya na ang kasama ko. Kaya lang, kinailangan niyang magtrabaho para kanila Tito Rey at hindi ko na rin naman kailangan ng bodyguard nang mag bente uno ako. Ngayon na lang kami ulit nagkita matapos ng dalawang taon. Erickson was my best friend of all aside from Zoe because he knew everything. Sa kanya ako umiiyak non kapag hindi ko kayang puntahan o tawagan si Zoe, kaya naging magkaibigan na rin kaming dalawa. And this compliment of his is normal for me. Palagi naman siyang ganito. “You know what? I’m actually eyeing for the Valmoria Securiteam. Gusto kong mag offer ng partnership sa kanila.” Ngumuso ako sa kanya. Tumawa naman siya sa akin at tumango na para bang alam na niya ang balita na ‘yon. “You should! Sigurado naman ako na papayag ang kompanya na makipag partner sa inyo lalo pa’t maganda ang background ng mga Herrera. Too bad, I’ll be leaving the company soon.” Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin. “Saan ka na pala?” Kumunot ang noo ko dahil hindi ko expected na aalis siya sa Valmoria! Ang alam ko, isa siya sa pinaka-iingatan na agent nila doon dahil magaling talaga siya. “Well, I am trying to build my own. Hindi naman mahirap dahil suportado ako ng pinsan mo.” Tinitigan ko siya lalo dahil sa sinabi niya. “Cecille?” Umiling siya kaya naman mas lalo akong nagtaka. “Si Seline.” Umiwas siya nang tingin sa akin na para bang iyon na ang gusto niyang huling pag-uusap namin tungkol sa topic na ‘yon. Sakto naman na bumukas na ang elevator kaya hindi ko na rin siya natanong pa, pero sigurado akong makakausap ko naman siya mamaya ulit! Iginiya na niya ako palabas. Naglakad na ako at hinintay siyang makalabas at sumunod lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam ang lugar. Tsaka ko na lang napansin ang isang mahabang red carpet nang malapit na kami. “Si Miss Herrera!” Sigaw ng mga press na nandoon. Napairap ako dahil meron pa rin palang natira sa kanila! Wala na akong nagawa kung hindi ang magpa-picture na lang sa kanila at sagutin ang konting tanong nila tungkol sa trabaho. Ilang sandali lang ay kinailangan ko nang pumasok sa loob. Tama nga ako na wala masyadong makakapansin sa akin dahil halos lahat, nagsasaya na. Nakatayo na ang lahat at nag-uusap na tungkol sa business. May ilan na pumansin sa akin pagkapasok ko, pero ‘yun lang ‘yung mga taong nandoon sa may bandang entrance kaya napansin nila ako kaagad. Gusto ko na lang matapos ang araw. Gusto ko na lang magpahinga at humiga sa kama, o kaya naman ay pumunta sa tabing dagat at magpa-anod na lang sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD