When everyone started noticing my arrival, marami na ring nakipag-usap kaagad. Gusto ko na sanang sumigaw na hayaan na muna nila akong makarating sa table ng pamilya ko dahil kailangan kong ipaalam sa kanila na nandito na ako, pero ayoko rin namang maging bastos.
“Late ka, ah?” Justin went to me. I smirked at him.
“Better late than never?” Nagtawanan naman kaming dalawa at nag-usap nang kaunti. I excused myself because I needed to find my family.
“Nakita ko si Eros sa may gilid banda. Kausap ‘yung pinsan niyo.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Justin, but I immediately nodded and smiled at him. Hindi dapat ako umakto na para bang weird ang pag-uusap nilang dalawa dahil para sa ibang tao, normal lang ‘yon.
Ilang sandali pa akong naglakad. Nakita ko si Zoe na may kausap na lalaki kaya hindi ko na siya nilapitan pa para guluhin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi tuluyang makita ang pamilya dahil sa iilang mga taong kumakausap sa akin.
“I am actually looking forward to working with you, Erisse.” Ngumiti ako sa isang matandang lalaki na kumausap din sa akin para mag discuss tungkol sa business. Marami pa akong nakausap sa halos isang oras na nandoon ako. Nang namataan ko na si Mommy ay agad na akong kumawala.
“Ma…” Nilingon ako ni Mommy at binati ako. She kissed me on my cheek and looked at my dress.
“You’re stunning, anak!” I smiled at her, pero sandali lang ‘yon dahil nakita ko na rin si Daddy kaya nilampasan ko siya para lapitan ang ama.
“Daddy!” Lumingon siya sa akin at tumango. I tried walking towards him, but he raised his index finger and that made me stop. That means he doesn’t want me to disturb him kaya naman umatras na lang ako.
“Erisse!” Nilingon ko ang tumawag sa akin at kitang kita ko ang kagandahan ng suot ni Seline. I smiled at her and gave her a kiss on the cheek.
“Where’s Tito? I need to give him my gift!” Tumango siya at hinila na ako papunta sa kung nasaan si Tito. Nakita kong may kausap siyang isang lalaki at nakatalikod ‘yon sa akin.
“Daddy, Erisse is here!” Nilingon ako ni Tito Rey ay malaking ngiti ang binigay niya sa akin. Sinuklian ko naman ang ngiti niya at agad siyang niyakap.
“As always, my niece is stunning as ever!” Natawa ako at inabot sa kanya ang regalo na ikinatuwa naman niya.
“And as always, pabata ka nang pabata, Tito!” He chuckled, too.
“Oh, bolera ka talaga! Kaya paborito kita, eh. Huwag mo lang sasabihin kay Eros.” Ngumisi ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Gusto kong sabihin kay Eros para alam niya na kapag nagkanda-letche letche ang sikreto nilang dalawa ni Cecille, sa akin kakampi si Tito Rey!
“Oo nga! Siya rin ang paborito kong pinsan. Si Ate Cecille lang naman ang may paborito kay Kuya Eros!” Umirap si Seline sa kawalan. I looked at her and checked if she knew something, pero baka paranoid lang ako?
I heard the man behind me cough which caught Tito Rey’s attention.
“Ah! I’m sorry. Where were my manners? Erisse, I hope you don’t mind me inviting them. Ino Alaster. I’m sure you heard the name.” Ngumiti sa akin si Tito Rey.
Parang gumuho ang buong mundo ko nang sabihin iyon ni Tito Rey sa akin. I looked at the man behind me and smiled at him. Hindi ito ang unang beses kong nakita si Ino Alaster dahil nga kapag may mga party akong dinadaluhan, nandoon naman siya, pero hindi ko alam kung bakit grabe na lang ang t***k ng puso ko.
“Buti ka pa talaga. Kanina, nang magkita sila ng Daddy mo ay halos umusok ang ilong niya sa sobrang galit!” Ngumingiti lang ako para hindi mahalata nang kahit sino ang kaba sa puso ko, pero kanina pa ako parang hinahabol sa sobrang bilis nito.
“I’m sure we’ve met before, Miss Herrera, but I’m not sure if you’ve met my son?” Pakiramdam ko, mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko na para bang aatakihin na ako sa sobrang kaba. Daig ko pa ang nag palpitate sa kape sa sobrang bilis niya!
“Nako! Halika, sasamahan kita sa kanya!” Hinila ako ni Seline at hindi na ako nakapalag dahil kahit mabagal lang ang lakad naming dalawa ay para na akong nahihilo kahit wala pa naman akong naiinom.
Nakasunod sa amin si Tito Rey ay si Ino Alaster. My vision is now blurred and I feel like my world is spinning. Para akong nasusuka sa sobrang kaba ko!
“Erisse!” Nilingon ko ang tumawag sa akin at natigilan silang lahat kaya naman laking pasasalamat ko na dumating si Celine.
“Cecille, hello!” Niyakap ko siya bilang pagbati. Tinignan ko ang likuran niya para tignan kung nandyan ba si Eros, at hindi nga ako nagkamali!
“Dumating ka na pala,” he coldly said. Hindi ako makangiti sa kanya dahil naiirita na naman akong magkasama silang dalawa. Akala ko ba, wala na?!
"Eros, can we talk?" We excused ourselves from our cousins.
"Nag-uusap lang kami, Erisse. Masyadong halata kung hindi kami magpapansinan." Umiling ako dahil sobrang guilty naman niya, wala pa nga akong sinasabi.
"I didn't know that the Alasters were coming, Eros!" Tumitig siya nang mariin sa akin at tinignan ang kung sino sa likod ko kaya napatingin ako doon at tinignan ang level of eye vision niya. Nakita ko si Ino Alaster na masayang nakikipag-usap kung kani-kanino.
"Galit na galit si Daddy kanina nang dumating ang mga Alaster. Hindi rin niya alam ang tungkol dito." I bit my lower lip.
"Anong sabi?" Umiling siya at muling tumingin sa akin.
"Wala na tayong magagawa." Hindi ako makailing, hindi rin ako makatango.
Hinayaan ko na lang dahil mukhang tama naman si Eros. Wala na kaming magagawa dahil hindi naman namin pwedeng ipatalsik na lang ang mga Alaster sa party na 'to.
I saw Zoe dancing with the man he was talking to a while ago. Si Seline naman ay hindi ko na makita ngayon. Some people with familiar faces were coming into me and talking to me about business. Mabuti na lang at nakabawi na rin ako sa kabang naramdaman kanina kaya maayos ko silang nasasagot.
“Of course, Mister Corazon, there’s always a room for you.” Humalakhak siya sa sinabi ko at nakisabay naman ako sa ligayang nararamdaman niya.
Ilang business owners na rin ang nakausap ko ngayong gabi at halos lahat sila, sinasabi sa akin na may balak silang mag invest sa amin. Funny that the majority of the people here want us, and yet, the Alasters are here. Sana hindi na lang sila pumunta!
“You seemed occupied, Erisse.” Nilingon ko si Daddy at tinignan naman niya si Mister Corazon. Silang dalawa na ang nag-usap kaya naman umalis na ako doon para kahit papaano, i-enjoy ang party.
“Nandito ka pala, Erisse,” Isang malamig na boses ang nagsalita sa gilid ko. I saw Niel Fabia standing beside me. Ngumiwi ako dahil hindi ko rin alam na nandito pala siya.
“Niel, long time…” Tumango siya at tuluyan na ngang pumunta sa harapan ko. We danced, but it was so awkward and quiet.
“I still hate you for rejecting me, you know?” Mas lalo akong na-awkward dahil talagang sinabi niya pa ‘yon!
“I know, but can’t we just set it aside?” Ngumisi siya sa akin. Hindi siya tumango, hindi rin siya umiling. The next thing I knew, he was just standing in front of me and looking at what’s behind me. Ilang sandali lang ay umalis na rin siya sa harapan ko.
Hinayaan ko lang at sinubukan na makipag-usap sa ibang tao. Nakita kong napatingin din sa akin si Zoe at nanlaki pa ang mga mata niya. Gusto ko sanang itanong kung bakit, pero agad din siyang nawala sa paningin ko.
I felt someone touch my waist. Agad akong nakaramdam nang milyong milyong boltahe sa katawan ko. I continued dancing and ignored the feeling. Naramdaman kong nilapit niya pa ako sa kanya at ramdam na ramdam ko ang ambok sa gitna niya kahit na hindi naman ganon ka-wild ang pagsayaw namin.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko at para na naman akong nahihilo sa sobrang kaba. Kahit wala pa akong naiinom na kahit ano, pakiramdam ko ay nalalasing na ako kaagad sa simpleng hawak lang sa bewang.
I felt his breathing on my neck. Nasa kalagitnaan kami ng dance floor at halos walang nakakapansin dahil busy ang lahat sa pagsayaw at pagsasaya.
“Aenna Erisse!” Napatalon ako sa gulat nang narinig ko ang nakakabinging tawag sa akin ni Daddy. Nilingon ko siya at agad niya akong hinila papalayo. Hindi ako makapalag kaya nilingon ko ang lalaking kasayaw ko kanina at halos manliit ako.
"Good, nagkita na kayong dalawa!" Tito Rey came out of nowhere. Titig na titig sa akin si Yno Lowis Alaster habang lumalapit si Tito kasama si Ino Alaster.
"Erisse," mahinang tawag sa akin ni Eros kaya nilingon ko siya.
"This is my most beautiful niece, Aenna Erisse. I'm pretty sure you heard the name?" Tanong ni Tito Rey kay Yno na nakakunot ang noo at titig na titig lang sa akin.
"Stop with your bullshit, Reynaldo!" Napatalon ako sa muling sigaw ni Daddy.
Natawa naman si Tito Rey sa naging reaksyon ni Daddy.
"Kuya, kalma! Pinapakilala ko lang naman ang paborito kong pamangkin kay Yno Lowis Alaster." Nagsimula nang kumunot ang noo ko.
"Oo nga naman, Ares. Wala namang masama kung magkakakilala sila lalo pa't hindi magtatagal ay magiging isang pamilya na rin naman tayo." Nanlaki ang mga mata ko sa biglang sinabi ni Ino Alaster.
Muling tumawa si Tito Rey sa sinabi ni Ino Alaster at tinapik pa ang balikat nito.
“Everyone! I would like to make an important announcement!” Natigil ang lahat dahil sa biglang pagsalita ni Tito Rey. Lahat ng atensyon ay nasa kanya na. Ako naman ay titig na titig kay Yno habang siya ay pinapantayan ang intensidad ng mga tingin ko.
“Ano na naman ang kalokohan na ‘to?” Tanong ni Daddy.
“I would like to announce an upcoming merge of two companies! Alaster and Herrera! My daughter, Cecille Herrera is now engaged to Ino Alaster’s only son, Yno Lowis Alaster!” Isang bagay na tuluyang nagpatigil sa mundo naming dalawa ng kapatid ko.
Isang bagay na alam kong sinadyang gawin ngayong araw na 'to, sa harapan ng maraming tao, sa harapan naming lahat.
Isang bagay... na hindi ko alam... na hahantong sa napakaraming susunod na pangyayari.