Pumasok kami sa isang malaking kwarto na hula ko ay kanila Mommy at Daddy. We tried calming Daddy down after he walked out after the announcement. Walang nakapagsalita sa pamilya namin dahil hindi namin pwedeng harangin ang engagement na 'yon lalo pa't merong approval ng parehong panig.
“Punyeta!” Sigaw ni Daddy. Napapikit naman ako sa sobrang lakas non. Halatang hindi siya natutuwa sa nangyayari.
“Dad, I’m sure hindi ginusto ni Cecille ang desisyon ng Ama niya,” si Eros ang nagsalita. Tinignan ni Daddy si Eros at umiling iling pa.
“Sinasabi ko na nga ba! Kaya wala akong tiwala kay Reynaldo dahil alam kong pagtataksilan niya ang mga Herrera!” Ang daming gumugulo sa isip ko kaya hindi ko na rin masyado naiintindihan si Daddy. Hindi ko alam kung kaya ko bang bumaba at bumalik sa party!
“Magagawan pa naman ng paraan ‘yan, Ares. Tulad ng sabi ni Eros, hindi sigurado gusto ni Cecille ang nangyayari. I’m sure, sooner or later she’ll do something about it,” mahinahong sabi ni Mommy. Nakatulala lang ako at nakatingin sa lapag.
“Ikaw, Aenna Erisse? Bakit kasayaw mo ang lalaking ‘yon?!” Bumilis ang t***k ng puso ko. Nag uunahan ang mga salita at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
“I…— I didn’t know it was him, Dad!” Hindi ako nagsinungaling dahil hindi ko naman talaga alam na siya ang kasayaw ko! Nalaman ko na lang nung humarap ako sa kanya. If I knew, I wouldn’t even give him a glimpse!
“Dad, I’m sure Erisse doesn’t know. This is the first time he met Lowis.” Nilingon ko si Eros na pinagtanggol ako kay Daddy. I sighed when Daddy let it go. Alam kong hindi rito nagtatapos ‘yan dahil siguradong babantayan na niya simula ngayon ang galaw ko!
It took us for about an hour to finally calm down with what happened. Daddy decided to stay in the room, but he ordered me and Eros to go back to the party dahil marami pang tao at baka may mga investors pang gustong kumausap sa amin.
Kahit na ayaw ko, napilitan ako dahil iyon ang gusto ni Daddy. When we went back to the party, it’s still the same. Masaya pa rin sila at parang wala lang nangyari. I saw Zoe and she immediately saw me, too. She excused herself from who she was talking to and went to me.
“Are you okay?” Tumango ako sa kanya. Tinignan ko si Eros na mukhang may hinahanap. Nakita ko si Cecille na nasa may bar counter at umiinom.
“She’s over there,” I coldly told Eros. Napalingon siya sa akin at sinundan ang tingin ko kay Cecille. He licked his lower lip and went back to me.
“Sige na, Eros, puntahan mo na siya,” si Zoe ang nagsalita dahil alam niyang kahit na tinuro ko si Cecille ay labag pa rin sa loob ko ang pagdidikit na naman nilang dalawa.
“I need to talk to Tito Rey.” Nilingon ko si Zoe. Dahan dahan siyang tumango na para bang ayaw niya pa akong payagan.
Iniwan ko siya at nagsimulang hanapin na si Tito. Nakita ko naman siya kaagad, pero kausap niya si Ino Alaster. Lalapitan ko na sana siya nang biglang may humila sa akin at dinala ako sa isang madilim na sulok kung saan hindi napapansin ng mga tao.
I was about to shout when he covered my mouth. Nang maaninag ko kung sino ang walang hiyang ito ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nakapagsalita at napansin niya ‘yon kaya unti-unti niyang binaba ang kamay niya.
Sobrang lapit namin sa isa’t isa dahil masikip ang sulok na ito. Almost as if we’re inside a small locker. Ipit na ipit ang dibdib ko sa kanya at ramdam na ramdam ko rin ang umbok sa gitna niya.
“Damn.” Napapikit siya habang sinasabi ‘yon. He rested his forehead into mine. Pakiramdam ko ay ramdam na ramdam niya na ngayon ang t***k ng puso ko dahil sa sobrang lapit naming dalawa.
“Anong ginagawa mo? Bakit mo ako dinala rito?” I acted mad because I should be mad, right? At times like these, dapat hindi ko na iniisip pa ang distansya naming dalawa. Dapat iniisip ko nang mag walk-out!
"Now I understand why you were so mad after what happened." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
“Hindi tayo pwedeng magtagal dito! Baka hanapin ka ng fiancée mo!” Napapikit ako lalo dahil sa sinabi ko. Talaga bang sumasakay ako sa kagaguhan na ito?
“Fiancée my ass. I don’t care about her.” Kumunot ang noo ko at sinubukan na lumayo nang kaunti sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin dahil sa sinabukan kong gawin. Kitang kita kong nagsisi siya sa sinabi niya.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alaster siya at wala siyang pakialam sa mga Herrera kaya hindi ko alam kung ano pang ginagawa niya rito sa harapan ko!
“Kung ikaw, walang pakialam, ako meron! She’s my cousin, and you’re her fiancé! This is cheating!” Umiling ako at sinubukan siyang itulak pa, pero hindi siya nagpatinag. Mas dinikit niya ako sa pader na nasa likuran ko at mas lalo pang nilapit ang mukha niya sa akin.
Hindi ko alam na hindi na pala ako humihinga dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.
“We don’t like what’s happening, Erisse. I’m sure you know that. Of all people, ikaw ang mas nakakaalam na may ibang mahal ang pinsan mo.” Hindi agad ako nakapagsalita sa sobrang pagkabigla sa sinabi niya sa akin. Sinilip niya ako para makita ang mga mata ko. Ngumisi siya sa akin siguro nang napansin na nagulat ako!
“You know me! I knew it! Imposibleng hindi mo ako kilala nung una nating pagkikita! Planado mo lahat!” He chuckled and shook his head before leaning closer to me.
“Hindi kita kilala. Don’t be so full of yourself, Erisse. Talagang hindi ko alam na isa kang Herrera nung gabing ‘yon. You’re just so… damn… hot…” Dahan-dahan akong napapikit nang lumapit ang mukha niya sa leeg ko. Tinaas niya ang kamay niya at iginilid ang buhok kong nakaharang sa leeg ko.
He held my nape and tilted my head so he could have more access to my neck. Kahit na alam kong mali ang ginagawa naming dalawa, hindi ko maiwasan na hayaan siyang gawin ‘yon dahil mukhang iniwan na rin ako ng sarili kong utak.
I just don’t understand how he can give me this kind of pleasure. Isang gabi lang ‘yon kapalit ng maraming lalaki? Ito na ba ang parusa sa akin ng mundo?
“Yno…” I’m not sure if I was calling him to stop him, or I was actually moaning his name. f**k, I should stop! Hindi ko na nako-kontrol ang sarili kong emosyon!
“I didn't know I'll see you here in that very beautiful dress. I didn't know you were a Herrera.” Ramdam na ramdam ko ang labi at dila niya sa leeg ko. He’s sucking and kissing me there. I pushed him slightly, and that made him stop. Tumingin siya sa akin. My eyes are now sleepy, not sure why. Nakita kong napatingin siya sa labi ko na nakaawang na rin ngayon.
“I should go.” Kahit na iyon ang mga salitang sinabi ko ay hindi ko pa rin magawang umalis. Para akong nahi-hipnotismo sa mga titig niya sa akin.
He licked his lower lip while looking at me and my lips. I tried moving my legs, but I felt weak. The next thing I knew, he was kissing me torridly and I was responding to his kisses. Tuluyan na nga akong iniwan ng utak ko!
“Let’s go.” Hingal na hingal ako matapos ang halikan naming dalawa. Hinawakan niya ang braso ko at inalis ako sa sulok na ‘yon. Iniwasan namin ang mga tao at nagtagumpay naman kaming makalabas ng venue nang walang nakakapansin sa aming dalawa.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinabayaan ko siyang hilahin ako. Hindi ko alam, pero sa loob ng ilang linggo ay parang nangungulila rin ako sa kanya. Sa loob ng ilang linggo ay wala akong maisip kung hindi siya lang at ang ligaya na kaya niyang ibigay sa akin.
It felt wrong... and right, both at the same time.