Chapter 8

1522 Words
Nagsimula na akong uminom, siguro ay dala na rin ng frustrations ko sa nangyari. Ramdam na ramdam ko pa rin sa ibaba ko ang pruweba ng mga desisyon ko ngayong gabi. Walang tigil ako sa sunod-sunod na inom ng alak kaya nung pang pito ko na ay kinuha na sa akin ni Eros ang baso ko. “Come on, Ate Cecille, give Lowis a chance.” Napalingon kami pareho nang nagsalita si Seline. Kasama niya na ngayon si Eros, Erickson, at si Zoe. “Nahihibang ka na ba, Seline? Pinanganak tayo bilang isang Herrera! Nasa dugo natin na hindi dapat basta-basta nagtitiwala sa mga Alaster. Nakalimutan mo na ba kung paano sinusubukang agawin ng mga Alaster ang investors at ari-arian ng mga Herrera?!” Kinuha ko ang isa pang basong whiskey sa harapan ni Cecille at inubos ‘yon. I’m not even sure who owns that drink, but I know I needed it Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako nagpapakalasing. Kung dahil ba sa nangyari sa amin ni Yno o dahil sa nangyayari ngayon sa dalawang pamilya. “Kapag nagsimula nang umalyansa ang mga Alaster sa mga Herrera, hindi na ‘yan matitigil pa, Seline. Pati ang mga ari-arian nila Erisse, damay,” Erickson told her as if she didn’t know that. Alam kong alam niya ang mangyayari kung sakali na talagang matuloy ang kasal nila Cecille. Alam kong alam niya, pero wala siyang pakialam doon! May dumaan na waiter at agad akong nag order ng isang bote ng whiskey. Mabilis niya rin ‘yon binigay sa akin kaya nagsalin ako sa baso na kanina’y ininuman ko. “Eh ano naman ngayon? Hindi ba mas maganda kasi mas lalago ang kung ano man ang meron tayo?” Kumunot ang noo ko kay Seline. Para siyang isang estupida na hindi maintindihan ang consequences ng mga mangyayari! “Hindi tayo ang may kailangan sa kanila, Seline. We’re the best without them. Hindi tayo ang makikinabang sa kung anong meron sila, sila ang makikinabang sa kung anong meron tayo. Sila ang may makukuha. Sila ang lalago, and we can’t do anything about it because sooner or later, your sister will carry their surname, and the next thing we’ll know, all the properties of the Herrera family will be named after the Alaster.” si Eros. Hindi ako makapagsalita dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang iniisip ni Seline. Ganon na ba ka-desperada ang pamilya nila para sa kapangyarihan? Alam kong nagdamot si Daddy sa mga ari-arian, pero hindi naman lahat, inari niya! May mga binigay pa rin naman si Daddy kahit na lahat ay nakapangalan sa kanya! “Bakit naman sila Zoe? Nakapangasawa ang Lolo ng Lolo ng Lolo niya ng isang Herrera kahit na hindi naman masyadong sikat ang mga Garcia noon. Ayan, kahit na konti lang ang dugong Herrera na dumadaloy sa kanya, pangatlo pa rin naman sila sa pinakamayaman. Hindi rin naman nakinabang ang mga Herrera sa Garcia noon, pero nagpakasal pa rin sila!” Nakita ko ang iritasyon sa mata ni Zoe dahil damay din siya sa usapan na ito. Nakatulala ako habang nagpapatuloy si Seline sa mga sinasabi niyang walang katuturan. Hindi ko kailanman naisip na balang araw ay mangyayari ang bagay na ‘yon. Nakatatak na sa utak ko na sila ang unang unang pamilya na dapat iwasan ng mga Herrera. They’re dangerous players. Hindi maganda ang hangarin nila! But then, am I a hypocrite, too? My sore pearl is a big proof that I am indeed a hypocrite. Ayaw ko sa mga Alaster, pero kanina lang ay halos magmakaawa ako kay Yno para ibigay niya sa akin ang pakiramdam na matagal ko nang hinahanap. “Pwede rin naman mag sign ng prenup silang dalawa. Ang pera ni Ate ay kanya, ang pera ni Yno ay kanya, but when they start to work together, that money will be theirs! Hindi na magagalaw ang kung ano man ang meron sila bago pa sila ikasal, ‘di ba?” Tinignan ko si Cecille na natatawa habang sinasalinan ang baso niya. She drank the whole glass again and shook his head. “Kung makasalita ka, Seline, parang alam na alam mo ang tama. Mas mahalaga ba sa ‘yo ang pera at kapangyarihan kaysa sa tunay na pag-ibig? Kaya mo talagang ipagkanulo ako sa taong hindi ko kilala para lang sa pera?!” Umirap naman si Seline sa sinabi ni Cecille sa kanya. “Pag-ibig, Ate? Wala ka namang boyfriend, hindi ba? Sabi mo sa akin na ‘yong long-term boyfriend mo ay hiniwalayan mo na dahil hindi na pwedeng maging kayo! Hindi ka naman na nakakulong sa relasyon! You’re free to go! Unless, you’re still in love with your ex? Come on, Ate! Hindi ako naniniwala na hindi na pwede maging kayo. Maybe, hindi ka na lang talaga niya mahal.” Ngumisi ako dahil sa sinabi ni Seline na halata mong walang alam na kahit ano. I licked my lower lip and drank another round of whiskey. Ramdam ko na ang pag alon ng paningin ko dahil sa sunod sunod na pag-inom ko. “Stop that, Seline. Don’t even go there.” Of course, Eros would defend her because he knows that he loves her. Alam niyang hindi totoo ang sinasabi ni Seline dahil siya nag lalaking binabanggit ni Seline. “Oh bakit, Kuya Eros? May alam ka ba sa naka-relasyon ni Ate? Pinagtatanggol mo eh alam mo ba kung bakit nakipaghiwalay? Hindi siya kayang panindigan ng lalaking iyon! She should find someone who will fight for her!” I cursed and slapped her. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Napansin kong napatigil ang ibang tao sa paligid namin dahil sa ginawa ko sa kanya. “At sa tingin mo, kaya siyang panindigan ni Yno Alaster?! Sa tingin mo ba gusto rin ni Yno Alaster ang nangyayaring ito sa kanilang dalawa, Seline?! Gaano ka kasigurado na aalagaan ni Yno Alaster ang kapatid mo, ha?! Are you even thinking about your words, Seline?! Are you even thinking about your sister?!” Hindi pa rin makabawi si Seline sa pagsampal ko sa kanya. She’s still holding her cheek. Nilapitan ako ni Erickson at sinubukan na pigilan ako sa galit ko. Kahit si Eros ay nilayo na muli sa akin ang bote ng whiskey na kanina ko pa iniinom. “Let’s go, Erisse.” Hinawakan ni Zoe ang braso ko pero agad akong pumalag. Tinutulak na ako palayo ni Erickson doon, pero hindi ako pumayag. “Kung masyado kang desperada para sa kayamanan, bakit hindi mo sabihin sa Daddy mo na ikaw na lang ang magpakasal kay Yno Alaster? Tutal naman ay parang gustong gusto mo siyang maging parte ng pamilya niyo! Ikaw na lang! Huwag mo nang idamay ang kapatid mo at kung ano man ang pinagdaanan niya sa huli niyang ka-relasyon! Be selfish all you want, Seline! Do it! You piece of…—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinila na ako ni Zoe paalis doon. "Erisse!" Sigaw ni Eros sa akin. Tinignan ko silang lahat nang nangingilid ang luha dahil sa gigil ko. Tinalikuran ko sila at tumakbo sa labas. I bumped into a firm body which made me look. Nakita ko ang mga mata ni Yno at sa sandaling pagkakataon ay nakaramdam ako ng pag-aalala mula sa kanya. "Are you okay?" Tanong niya habang hawak-hawak ang pisngi ko. "f**k you, Yno." Ngumisi sa akin si Yno. Isang marahas ng halik ang binigay niya sa akin bago ako binitawan. "I'd like that, Baby, but I bet you're still sore." Umigting ang panga ko sa sinabi niya at pilit na lumalayo, pero nahawakan niya ang kamay ko. "Tigilan mo ako, Yno! You're engaged with my cousin! This is wrong! Everything is wrong! Kahit hindi ka engaged, mali pa rin!" Sigaw ko sa kanya. Kitang kita ko ang pag seryoso ng ekspresyon niya dahil sa sinabi ko. Ang mahigpit na hawak nya sa mga kamay ko ay unti-unting lumuluwag. Tinaas niya ang kamay niya sa pisngi ko habang ang isang kamay ay nanatili sa kamay ko. "I don't care about the engagement, Erisse. I'll do everything to break that f*****g thing if that's your concern. I don't want my baby crying." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kasabay non ang pagpahid ng luha na hindi ko alam na tumutulo na pala. Why the hell am I crying? Sobra-sobra na yata talaga ang emosyon na dumadaloy sa katawan ko at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. He pulled me and hugged me. For the first time tonight, I felt calm and safe. "Aenna Erisse!" Napabitaw ako sa yakap nang marinig ang sigaw ni Eros sa likuran ko. Kasunod niya si Zoe na mukhang nagulat din sa nangyari. "Erisse," tawag sa akin ni Zoe bago lumapit. "Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Sigaw ni Eros at kinwelyuhan si Yno. "Stop, Eros! Tumigil ka!" Hinila ko na si Eros at nilayo sa kanya. Pumasok kami ng elevator para makaalis na sa party dahil nahihilo na ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari o dahil sa mga alak na sunod-sunod kong ininom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD