Chapter 9

1639 Words
After we went home, Daddy ordered Eros to call for an immediate meeting regarding the recent announcement of Tito Rey. Marami ang hindi nag agree sa nangyari, pero may ilan din na nag agree na magandang plano 'yon para sa dalawang pamilya. Pagkatapos ng meeting ay naiwan kaming tatlo nila Eros at Zoe. Kalaunan ay nakarating din si Cecille kaya ngayon ay nag-uusap kaming apat tungkol sa pwedeng gawin. “Runaway bride!” Napatingin ako kay Zoe na sumigaw pa sa loob ng meeting room. “Scandalous,” Eros commented and I seconded. Hindi na namin pwedeng hintayin na maayos nila ang lahat para sa kasal bago siya mag desisyon na umalis. “Can’t we just try to investigate if there are any red flags? Baka meron naman! Iyon ang gamitin natin para siraan siya sa media!” Isa pang suggestion ni Zoe. “Did you two talked already?” Tanong ni Eros kay Cecille na naging dahilan kung bakit ako napatingin sa kanila. It still feels weird seeing them here together, talking casually as if nothing’s happening or happened between them. “Oo at katulad ko, ayaw din niya sa nangyayari. He’s doing something on his own to stop the wedding. I’m not questioning him dahil wala naman akong pakialam, isa pa, ayoko na rin malaman kung anong plano niya,” Cecille said. “Baka may girlfriend?” Nilingon ko si Eros at nakita kong napatingin siya sa akin. Kumalabog ang puso ko, pero hindi ko ‘yon pinahalata sa kanya. I acted as if the conversation didn't interest me that much. “Kung meron man, iyon na ang magiging sabit niya. If he has a girlfriend, we need to know! Kung hindi man girlfriend, baka pinopormahan? Baka may ibang gusto! Iyon na ang magiging key natin!” Titig na titig ko sa malayo at nag-isip. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. “Alam niyo? The best way to discuss this is together. Dapat isama na natin si Yno sa usapan na ito kasi hindi maganda na hindi kayo nagtutulungan. Both of you should sabotage the wedding together kasi paano kung sinabi lang niya sa ‘yo na may ginagawa siya, pero wala rin naman pala? We should talk to him.” Napaawang ang labi ko at napatingin kay Zoe na wala ring pakialam sa akin. Nakalimutan na rin ba niya?! “I agree with Zoe. Even though Alasters are our biggest rival, we should actually invite him over dahil kung talagang hindi niya gusto ang nangyayari, may paraan din siyang maiisip tungkol dito.” I took the glass of water in front of me and immediately drank it. “Well… okay lang ba kung dito? Hindi ba malalaman ni Tito ‘yon?” Kahit kakainom ko lang ng tubig ay pakiramdam ko, natutuyuan ako ng laway dahil sa usapan na ‘to. Hindi ako makapagsalita at hindi ko rin alam ang gagawin ko. “Kung malaman man ni Daddy, sigurado akong tatanungin niya kami tungkol doon. If that happens, we’ll tell him that we’re doing our best to stop the merge. Maiintindihan naman niya.” Ngumisi ako at umirap. Of course Daddy would understand if it was him who'd explain. Actually, Daddy won’t understand, but will try to understand because it was him. “Well then, it is settled? Kailan?” Tumingin sila lahat sa akin na para bang ako ang pinakabusy sa kwarto na ito at sa akin sila dapat mag adjust. “I’m… free anytime.” Nilingon ko si Eros, pero tumingin naman siya kay Cecille. “Try to contact him. Arrange a meeting tomorrow. Dito sa Herrera Holdings,” utos ni Eros kay Cecille na agad na tinanguan naman ni Cecille. Wala ako sa sarili hanggang matapos ang araw. Pakiramdam ko, pagod na pagod na ako para sa buong linggo at wala na akong energy. Mula nung umuwi kami galing sa birthday ni Tito Rey, wala nang ibang napagusapan ang pamilya na ‘to kung hindi ang tungkol sa papalapit na kasal. “Miss Herrera, may meeting po kayo ngayon kay Mister Sanchez?” Tumango ako sa secretary ko. Hinanda ko na ang sarili ko nang bigla namang nag text si Eros na malapit na sila. “Genie, ‘pag dumating sila Zoe, sabihin mo na mal-late lang ako sandali dahil may meeting ako with Mister Sanchez. Papasukin mo sila doon sa meeting room two. Paki-ayos na rin ang lahat doon sa room na ‘yon, aircons, foods, and all.” Tumango naman ang sekretarya ko at sinulat doon sa clipboard niya ang mga utos ko. “Noted, Miss. Ilan po ang expected attendees?” Kinuha ko ang laptop ko at inayos ang sarili ko. “Five.” Ngumiti ako at umalis na ng opisina para sa meeting ko. Pumasok ako sa meeting room one at nakitang nandoon na si Mister Sanchez. “Kumain na sila?” Tanong ko kay Genie nang nakasalubong ko siya habang papunta ako sa meeting room two. “Yes, Miss. Ikaw po ba? Papadala ko na po ba ang food mo?” Umiling ako at tinignan ang meeting room. “Hindi na. Mamaya na lang pagtapos nitong meeting ko. Sa office na lang.” Tumango naman si Genie, pero kitang kita ko sa mga mata niya na bothered siya kaya tinitigan ko siya. I waited for her to talk, and she did. “Miss, nandyan po… si Mister Alaster?” Tumango ako at hindi na siya pinansin pa dahil alam kong maraming tanong sa ngayon ang nasa utak niya dahil hindi biro na makita nilang nandito ang isa sa mga Alaster. Pumasok na ako sa meeting room at agad naman akong kinabahan nang makita ko ang lalaking nakatalikod ngayon sa akin. “I’m so sorry about being late!” Napatingin silang lahat sa akin, pati na rin si Yno. Nagkatinginan kaming dalawa at agad na bumilis ang t***k ng puso ko kaya umiwas na rin ako kaagad nang tingin sa kanya. “Did you close the deal?” Bungad na tanong sa akin ni Eros. Ngumisi ako at hindi siya sinagot. It’s unprofessional to talk about it knowing that our rival is in front of us. “Of course, she did! Hindi naman ako kahit kailan nagduda kay Erisse, Eros!” Zoe laughed as if it’s not awkward for us to be here. “Anyway, what did I miss?” Umupo na ako sa gitna kung saan nasa kanan ko si Eros at si Yno naman ang nasa kaliwa. Nakatayo si Zoe at si Cecille naman ay nasa tabi ni Eros. “Absolutely nothing! Hindi nag-uusap itong tatlo dahil hinihintay ka naming lahat.” Umirap ako kay Zoe dahil mukhang pinapamukha pa yata sa akin ng babaeng ito na kasalanan ko kung bakit wala pa ring nangyayari hanggang ngayon. “Enough of that. We would like to know if you really don’t want the merge to happen.” Ngumisi naman kaagad si Yno kay Eros. Tinignan niya si Cecille na ngayon ay hindi makatingin sa kanya. Nakita kong umigting ang panga ni Eros dahil sa ginawang pag tingin ni Yno kay Cecille. “I don’t want to be married to her, but for the merge? I can’t say I don’t want that to happen.” Napaawang ang labi ko dahil sa sinagot niya. He’s really straightforward. Kahit saang bagay! “A merge can’t happen if you won’t marry someone from our clan, especially with the status of our families’ relationship. If you want the merge, you want the marriage, too.” Nararamdaman kong naiirita na si Eros dahil sa sagot ni Yno. Too much for asking him to be here. I should’ve known that he thinks a lot like his father! “Hmm… I’m sure there are other options to marry. Right, Erisse?” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumingon sa akin. He smirked at me maybe because of how I reacted with his sudden comment. Napatayo si Eros kaya napabaling ako sa kanya. “You wanted my sister instead.” Umiwas ako nang tingin. Hindi iyon tanong. Isa iyong statement na parang siguradong sigurado si Eros na ako ang gusto ni Yno. “Yes. But I don’t force something on someone who doesn’t want it. I always wait for them to beg for it.” Muli siyang tumingin sa akin. I gulped because I knew exactly what he was talking about. And then, it hits me. The reason why he doesn’t want this marriage to happen is not because he has a girlfriend, he likes someone else, nor he’s courting anyone. He doesn’t want this marriage because he wants to win me over. I am his red flag. Ako ang magiging susi para hindi matuloy ang kasal ni Cecille at Yno. But then, revealing what happened between us will only lead to bigger problems. “Yno, you told me that you’re going to help us with what’s happening. Sabi mo sa akin na tutulong ka para hindi na matuloy ang kasal.” Muling lumingon si Yno kay Cecille at kay Eros. Tinignan ko si Zoe na ngayon ay mariin ang titig sa akin at kay Yno. “Don’t worry, I will. May kailangan lang akong asikasuhin muna. I told you already, Miss Cecille Herrera, I am making plans on my own. Hindi ko nga alam kung bakit pinatawag niyo pa ako rito. I am not going to share with you my plans because it’s a little bit… private.” I sighed and looked at him only to see him staring at me, too. Pakiramdam ko, konti na lang ay mahahalata na ni Cecille at ni Eros na may nangyayari sa aming dalawa dahil sa sobrang laswa ng mga tingin ni Yno sa akin. We got interrupted by a call. It was our cue to stop the meeting dahil kinailangan na umalis ni Zoe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD