bc

FALL IN LOVE AGAIN

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
possessive
arrogant
drama
comedy
mystery
affair
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Halos pitong taong gulang pa lang si Elizabeth ng mahiwalay siya sa kaniyang kapatid na si Abegail Garcia at masira ang kaniyang pamilya. Isang secret agent ang kaniyang ina samantalang negosyante naman ang kaniyang ama. Nang mag divorce ang kaniyang magulang ay napunta siya sa kaniyang ina samantalang ang kaniyang kapatid naman ay sa kaniyang ama.

Walong taong gulang pa lang si Eli ng makita niya ang kaniyang inang mamatay. Bata pa lamang siya noon pero tandang tanda niya ang mukha ng pumatay sa kaniyang ina. Dahil doon itinatak niya na sa utak niya na kailangan niya na mabuhay para maipaghiganti ang ina niya. Noong una hindi siya makapaniwala na isa sa ang kapatid ng ama niya ang pumatay sa kaniyang ina at isa naman ay mayroong tattoo na dragon sa kamay niya. Buong akala niya totoong may malasakit ang tito niya sa kanila kaya siya bumibisita madalas sa bahay. Pero isang gabi natuklasan niyang nag-aaway sila at nagtatalo tungkol sa mga bad doings ng tito niya at saktong nagfifilming siya noon. Kaya mula noon ay sa kaniyang lola na siya nanirahan, inilayo siya ng kaniyang lola sa kaniyang ama at binilinan ang kaniyang apo na huwag ipagsasabi sa kahit kanino ang mga nakita niya nung gabing iyon. Hindi naging madali ang buhay nila ng kaniyang lola dahil sa niya pero sa kasamaang palad inatake ang lola niya dahil kay Stacey-ang anak ng pumatay sa nanay niya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Halos pitong taong gulang pa lang si Elizabeth ng mahiwalay siya sa kaniyang kapatid na si Abegail Garcia at masira ang kaniyang pamilya. Isang secret agent ang kaniyang ina samantalang negosyante naman ang kaniyang ama. Nang mag divorce ang kaniyang magulang ay napunta siya sa kaniyang ina samantalang ang kaniyang kapatid naman ay sa kaniyang ama. Walong taong gulang pa lang si Eli ng makita niya ang kaniyang inang mamatay. Bata pa lamang siya noon pero tandang tanda niya ang mukha ng pumatay sa kaniyang ina. Dahil doon itinatak niya na sa utak niya na kailangan niya na mabuhay para maipaghiganti ang ina niya. Noong una hindi siya makapaniwala na isa sa ang kapatid ng ama niya ang pumatay sa kaniyang ina at isa naman ay mayroong tattoo na dragon sa kamay niya. Buong akala niya totoong may malasakit ang tito niya sa kanila kaya siya bumibisita madalas sa bahay. Pero isang gabi natuklasan niyang nag-aaway sila at nagtatalo tungkol sa mga bad doings ng tito niya at saktong nagfifilming siya noon. Kaya mula noon ay sa kaniyang lola na siya nanirahan, inilayo siya ng kaniyang lola sa kaniyang ama at binilinan ang kaniyang apo na huwag ipagsasabi sa kahit kanino ang mga nakita niya nung gabing iyon. Hindi naging madali ang buhay nila ng kaniyang lola dahil sa hirap ng buhay kaya naman nagsikap siya upang makapagtapos. Dahil na rin yun sa pagkahilig niya sa pagsusugal at kung minsan sumasali siya sa mga contest sa taekwondo kaya nagkakaroon siya ng malaking halaga ng pera. Nakapagpatayo din siya ng restaurant para sa lola niya pero sa kasamaang palad inatake ang lola niya dahil kay Stacey-ang anak ng pumatay sa nanay niya. -_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_- Ngayon naman ang unang araw niya sa trabaho. Kaya naman masaya itong nag aasikaso sa isang hotel. "Ahmm... Sino ba iyong V.I.P na darating ngayon?" Kunwaring tanong ni Eli sa kaniyang kasamahan habang nag aasikaso ng sarili. "Balita ko C.E.O siya ng Star Entertainment company, si Max Richard Miller kaya dapat umayos ka. Balita ko rin sila ang nagmamay-ari ng luxury hotel na ito." Biglang natigilan si Elizabeth sa pag aayos sa buhok niya. Bigla na lang siyang ngumiti sa salamin na parang may masamang binabalak. "Ganon ba? Sige, balikan ko lang iyong gamit na naiwan ko doon sa kwartong iyon." Inosenteng ngiti nito. "What are you doing here?" "Ahm... Kanina po kasi habang nag aasikaso ako ng kwarto. Eh naiwan ko po yung kwintas ko." Malaki ang ngiti sa mga labi ni Elizabeth sapagkat sa unang tingin pa lang niya dito ay may crush na ito kay Max. Hindi man siya artista pero gustong magpapicture sa kaniya ni Elizabeth. "Scram." Walang ganang mahinang sabi nito kay Eli. "Ah, eh. Okay po. Pero pwede po bang pag nakita niyo po iyong kwintas na susi at may heart pakibalik po sa akin." Parang familiar ang dinedescribed ni Eli kay Max kaya..... "Wait." Nabigla si Eli ng hinawakan siya nito sa braso. "Yes? Sir. What can I do for you?" "Nevermind. Get out." Nararamdaman ni Eli na malungkot ang lalaki pero wala na siya doon kaya umalis na lang siya. Akala ni Max na nag i-illusion lang siya at para bang nakikita niya ang first love niya sa babaeng iyon. Pero nang makita niya ang kwintas ng babae ay agad niya itong pina-background check sa Personal Assistant niya na si Mr. Kim. Mabilis si Max na nakatulog. Nang sumunod na gabi ay pumunta siya sa night club ng hotel at uminom dumating ang kaibigan niya pero wala siyang maggawa kundi panoorin si Max na desperadong magpakalasing. Nandoon din si Elizabeth. Sa unang pagkakataon ngayon lang siya nakatungtong ng Night Club madalas kasi sa mga Casino siya pumupunta kapag gabi. "Okay ba dito? Alam mo libre tayo sa entrance dito pero sa drinks hindi. Kaya stay ka muna diyan may pupuntahan lang ako. Maghahanap ako ng sugar daddy." Sabi nito habang nagsasayaw. "Baliw ka HAHAHA" Pagka-alis ni Alice ay hinanap na ni Eli ang totoong pakay niya dito. Hindi naman talaga sana siya sasama papunta dito kung wala siyang plano. Nang makita niya na iyong target ay nilapitan niya ito. Elizabeth POV Sakto umalis ang lalaking kasama ni Max. Ngayon ang magagawa ko lang eh maghintay ng oras na mamatay ang electricity pero bago iyon eh kinuhaan ko muna siya ng litrato na kasama ako. Hindi ko alam kung anong meron sila ng nakakatanda kong kapatid pero aalamin ko kung paano namatay ang kapatid ko. Balita ko bago sila ikasal ni ate saka siya namatay kaya nalipat ang engagement agreement sa pinsan kong si Stacey. Well, kasalanan mo ito Stacey hihiramin ko lang ang fiance mo sandali. Kung hindi mo lang ininis hindi ko ito gagawin. "Abegail." Tawag niya sa akin. "Abegail." Naiiyak na tawag ulit nito sa akin. Nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot kahit na nakangiti siya sa akin. Nakalimutan kong medyo hawig kami ng mata ni Abegail ang sabi nila. "Abegail. Please, don't leave me. I love you isama mo na lang ako sa iyo. Huwag mo akong iwan. Dito ka lang sa tabi ko." Haysttt naawa ako sa kaniya pero hindi pwede. Magiging kagamitan lang kita sa paghihiganti ko. Kung hindi lang dinamay ni Stacey ang lola ko wala naman akong balak guluhin sila kahit alam kong napaka nakakapagtaka ang pagkamatay ng kapatid ko. Nabigla ako nung bigla niyang hinawakan ang pisnge ko. Parang balak niyang halikan ako pero tumingin ako sa ibang direksyon at niyakap ko na lang siya. Kapag namatay na ang kuryente may limang minuto ako para makapunta sa kwarto. Sinuot ko ang salamin ko para makakita sa gabi. *Namatay ang ilaw.* Sinimulan ko na ang mission ko binaba ko na siya sa likod ko papunta sa kwarto at pagkatapos non tinagkal ko ang pang itaas na damit niya. Hingal na hingal ako ang bigat at likot niya kasi pagang banggit niya si Abegail-yung nakatatanda kong kapatid. Tuloy sa likot niya nauntog siya sa pinto kanina. Kinakabahan ako sa nangyari, napaparetreat na ata ako. Hayst hindi pwede ituloy ko na ito. Bahala na. Inalis ko ang mga natitira niyang kasuotan maliban sa underwear niya. Tapos ako inalis ko na rin iyong mga kasuotan ko. Ewan ko ba pagtingin ko sa orasan mga alastres na hindi pa ako nakakatulog. Baka kasi kung anong gawin ng lalaking ito. Mahirap na. --------- Mabigat ang katawan ni Max ng magising siya. Ang totoo ay binugbog talaga siya ni Eli sa inis dahil nalilikutan siya matulog kay Max. Sumasakit din ang ulo niya. Naalala niya kagabing napanaginipan niya si Abegail at inalagaan siya. Malungkot siyang nakatingin sa kisame at inaalala ang masasayang malungkot na alaala. Maya maya ay lumabas na ng C.R. si Elizabeth na naka tapis ng kumot at naka mask. "Oh, gising ka na pala. Sorry hindi agad ako naka-alis." Sabi nito habang nagsusuot ng damit. "Sino ka?" Maya maya saka lang narealize ni Max na wala siyang damit at para bang may kulang sa kaniya kaya naman sinilip niya ang kumot. "Anong ginawa mo sa akin?" Sabay takip nito sa kaniyang katawan. "Dapat bang sabihin ko sa iyo ang pangalan ko? Nevermind. Hindi na rin naman tayo magkikita eh para saan pa?" Tumalikod lang si Elizabeth paglingon niya nasa harap niya na si Max. Bigla siyang tiniik nito at inamoy. Dahil sa pagtiik nito kay Eli ay hindi na maabot ng paa niya ang sahig. ".(cough, cough)" "Sino ka at anong nangyari sa atin? Paanong kamukha mo si Abby?" Nanlilisik ang mga mata nito kay Eli habang si Eli nakangiti lang sa kaniya. "Bitawan mo muna ako. (Cough, cough)" Hindi niya binibitawan si Eli kaya tinuhod siya ni Eli pero hindi ito gumana. "Sino ka ba talaga?." Nanggigigil si Max sa kaniya pero binitawan na rin niya ito. *Knock, knock, knock* "Max, buksan mo ang pinto!" "Si Stacey iyon ah. Bakit hindi mo na buksan ang pinto." Sabi nito habang papunta sa balcon. "San ka pupunta?" Hawak nito sa braso ko. "Aalis na ako. Pwede bang bang bitawan mo na ako? Sister in law mo ako." Sabay kindat at flying kiss nito bago tumawid ng kabilang room. ------- "Oh, Stacey. What are you doing here, shouting around?" She smirked. "Elizabeth? Wow, kailan mo pa na-afford ang ganitong hotel." She crossed arm. Sakto namang lumabas si Max ng naka-ayos na ng damit. "Hi, Max. What a coincidence! Nandito ka rin pala. Ang malas mo naman sa dami ng babaeng pwede kang i-arrange marriage dito pa sa nevermind." Malaki ang ngiti ni Eli kay Max na ikinairita ni Stacey. "What did you say?" Sasapakin niya sana si Eli pero nagpigil ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
2.0M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
60.5K
bc

The Ex-wife

read
241.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
82.0K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Governor Hidden Mistress

read
59.8K
bc

Lara's Seduction

read
182.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook