Pagkalabas nina Thisa at Dredon ng restaurant, sinalubong sila ng malamig na hangin, pero hindi iyon sapat para pagaanin ang bigat sa dibdib niya. Habang nasa entrance sila ng resto, kitang-kita ang pag-alala sa mukha ni Dred habang nakatingin kay Thisa na ngayon ay nanginginig ang mga kamay, hawak ang clutch bag, pinipilit pakalmahin ang sarili. Kung hindi pa sila umalis doon, baka mas lalong magkagulo. Rozen tried to talk her pero hindi niya hinayaan. It was so disrespectful knowing na nandoon ang fianceé nito, bukod doon, tapos na ang working hours para mag-usap pa. Alam ni Rozen na excuse lang 'yon ni Thisa pero pinilit pa rin niya to the point na muntik na silang magkasagutan, buti na lang at sumabat si Dredon. Kung hindi pa ito pumagitna, baka nauwi na talaga sa away. At mas lalal

