Madaling-araw na nang mapatingin si Thisa sa relo. 2:47 a.m. Napahawak siya sa sentido habang nakatingin sa sketchbook sa harap niya, pero imbes na mga linya ng disenyo ang nasa isip niya, ang halik pa rin ni Rozen ang paulit-ulit na bumabalik sa utak niya.
Sandali siyang pumikit para iwaglit sa isip ang mukha ng lalaki ngunit kahit anong pilit niya, nandoon pa rin na tila nakaukit na.
She busied herself to forget pero bakit parang ang hirap? Sa tuwing naiisip niya kung paano lumapat ang labi ni Rozen sa labi niya, mas lalo lang siyang naiinis—hindi lang sa lalaki kundi sa sarili na bakit niya hinayaan!
“Damn it…” mahinang murà niya, pinipilit ibalik ang focus sa ginagawa.
Bawat guhit niya ng lapis, mukha ni Rozen ang lumilitaw sa isip niya—‘yung paraan ng paglapit nito, ng paghawak sa pisngi niya, ng init at lambot ng labi nito na parang hindi nawala kahit ilang taon na silang hiwalay.
Walang nagbago, ganun pa rin. At hindi niya maamin sa sarili na nagustuhan niya, namiss niya, kahit hindi na dapat.
Napabuntong-hininga siya bago iminulat ang mga mata. “It’s just a kiss, Thisa. Forget it,” bulong niya sa sarili.
Marahàs siyang umiling, ramdam ang bilis ng tibók ng puso niya. At dahil sa pagod at puyat, tuluyan na siyang napahiga sa sofa ng office niya, hindi na nag-abalang umuwi pa.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog, pero nang maramdaman niyang may liwanag na sa paligid at may naririnig na mga banayad na yabag, marahan niyang iminulat ang mga mata.
At muntik na siyang mapatalon nang makita kung sino ang nasa harapan niya.
“Good morning,” bungad ni Rozen, nakaupo sa upuang kaharap ng sofa habang may isang tasa ng kape sa kamay, at nakangiti ng pilyo.
“ROZEN?!” halos pasigaw niyang bulalas at agad na umayos ng upo. “What the hell are you doing here?!”
“Relax,” kalmado lang nitong sagot. “I didn’t do anything.”
“Why are you here?” inis na tanong ni Thisa, habang pinipilit ayusin ang magulong buhok at nakalaylay na blazer. “Hindi mo ba alam ang salitang privacy ha? Are you a stalker now? I didn't know na may CEO palang hindi alam ang salitang 'yon and maybe, a stalker?” she accused.
Ngumisi si Rozen na ngayon ay nakasandal sa upuan. “You wish. I came early for work. May kailangan akong ayusin sa office namin. Nadaanan ko lang ang studio mo… nakita kong bukas, so I checked. And guess what—”
“Guess what, what?” masungit niyang putol.
“—you were sleeping like a cat on the sofa. With your sketchbook on your chest. Cute, actually.”
She rolled her eyes. “Cute?!” halos mapataas ang boses niya. "Naririnig mo ba ang sarili mo? You can’t just walk in here and—”
“Technically,” sabat ni Rozen, “we're partners. So yes, I can. Want coffee? Pwede kitang timplahan."
Napasinghap si Thisa, hindi makapaniwala sa kapal ng mukha ng lalaki. “You’re unbelievable. And timplahan? Ako mismo?!"
Rozen let out a soft chuckle. "Oh, my bad. Let me correct that, ipagtimpla ng kape pero kung gusto mo—"
"Rozen!" singhal niya bago pa nito matapos ang sasabihin. "God! Nakakainis ka! Alam mo ba 'yon ha?!"
“I get that a lot,” sagot niya, sabay lagok ng kape.
Nagsalubong ang kilay ni Thisa, sabay tayo para lumapit sa mesa at kunin ang mga papel. “Kung wala ka rin namang gagawin dito, pwede bang lumabas ka na? I have work to finish.”
“Same here,” sagot ni Rozen, hindi man lang natinag sa pagsusungit niya. “I’m working.”
“Working? Sa office ko?”
Ugh! Umagang-umaga, sirang-sira na agad ang araw niya dahil sa lalaking 'to! At dito pa yata nito balak magtrabaho, bwisit!
“Mm-hmm,” tumingin siya sa paligid na parang supervisor na nag-iinspeksyon. “Nice lighting, tahimik, at may coffee machine. Perfect spot for concentration.”
Napahawak si Thisa sa bewang at napahilot ng sentido. “You’re impossible.”
Ngumiti lang si Rozen. “You already said that once... or twice?”
Natahimik sila sandali, at kahit gusto ni Thisa na isnabin siya, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano karelaksado si Rozen na parang wala lang sa kanya ang nangyari kagabi, na hindi sila naghalikan.
“Hindi ba't may opisina na kayo?” tanong niya, trying to sound casual despite the irritation.
“Meron,” sagot ni Rozen, sabay tingin sa kanya. “Pero mas gusto ko dito.”
“Why?”
“Maybe because of the view.”
Napakunot-noo si Thisa. “View? Are you blind? Pare-pareho lang," sikmat niya. "There no such thing as view here!"
“There is,” sagot ni Rozen, sabay kindat. “You.”
“Rozen!” sigaw ni Thisa, pero agad na tumalikod nang maramdaman niya ang pag-init ng pisngi. “Can you not?”
Narinig niya ang mahina nitong tawa. “Okay, fine. I’ll stop. For now.”
Huminga siya nang malalim, sinubukang ibalik ang focus sa sketches, pero naririnig niya ang tunog ng keyboard ni Rozen sa kabilang mesa. Oo, nilabas nito ang laptop at totoong nagtatrabaho na.
Napailing na lang si Thisa. “Hindi ko alam kung anong mas nakakainis, kapag tahimik o kapag nagsasalita.”
“Depends on the mood,” sagot nito, hindi tumitingin. “But if you want, I can be both. Tahimik… and distracting.”
“Rozen, please. Hindi ako nakikipaglaro.”
Ngumiti ito, saka tumingin sa kanya. “Neither am I.”
Nagtagpo ulit ang mga mata nila pero si Thisa agad ang nagbawi ng tingin nang maalala na naman 'yong halik.
Bumalik siya sa pagkakahawak sa lapis, pero nang maramdaman niyang nanginginig ang kamay niya, ibinaba niya ito.
“Kung tapos ka na diyan, please leave,” sabi niya sa matigas na boses.
Kahit tahimik lang ito, distracted pa rin siya. Hindi siya makapagfocus dahil sa lakas ng presensya nito.
“Not yet,” sagot ni Rozen, sabay tayo at lakad palapit. “But don’t worry, I won’t bother you… much.”
Tinapik nito ang mesa niya, saka yumuko ng bahagya para bumulong. “Next time, kung mag-o-overtime ka ulit, at least lock the door. Baka may makakita sa’yo na natutulog… na nakanganga. Buti sana kung ako palagi." He teased with a smile.
Nanlaki ang mga mata niya. “You—”
Ngumiti lang siya, sabay lakad paalis. “See you later, partner.”
Pagkaalis ni Rozen, napahawak si Thisa sa dibdib niya, ramdam ang bilis ng tibók ng puso niya, at kung gaano niya gustong murahîn ang sarili dahil hindi niya maipaliwanag kung bakit.
“Damn it,” bulong niya. “Bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin?"