Tatlong araw na halos walang pahinga si Thisa. Laging una sa opisina, laging huli umuwi. Sa bawat araw na lumilipas, tila dumadami ang design revisions, meetings, at mga deadlines na kailangan niyang habulin. Madalas, paglingon niya sa salamin sa studio, hindi na niya halos makilala ang sarili, maputla, may eyebags, pero maganda pa rin. “You can do this, Thisa,” sabi niya sa sarili tuwing umaga bago siya nagtatrabaho. Buti na lang talaga at hindi na nang-iistorbo si Rozen at mukhang abala rin sa ibang bagay. At kung anuman 'yon, wala siyang pakialam. Sa sunod-sunod na meeting, lagi siyang kalmado kahit ramdam niyang ino-obserbahan siya ng tingin ni Rozen. It felt like he was always waiting for her to make a mistake. As if he was constantly testing how much she could endure. “Ms. Navarr

