Halos isang linggo na ang lumipas mula nang madiskubre ang pagnanakaw ng design, pero wala pa ring nagbabago sa routine ni Thisa. Masipag pa rin at kung minsan tinutulungan niya ang mga intern sa trabaho. Gusto niyang maging busy para hindi siya mag-isip ng kung anu-ano. And Charlene? Iyong kasabwat ni Coreen? Tinanggal na sa trabaho. Hindi kasi pumasok no'ng araw na 'yon kaya hindi naipakulong, and Thisa being so kind, mas nanaig na huwag na lang ito sampahan ng kaso at gagawa na lang siya ng bagong design. And Coreen? Who knows kung nasaan ang babaeng 'yon. Hindi mahagilap. Nagfocus na lang si Thisa sa trabaho niya kesa hanapin ang babaeng 'yon. Walang araw na hindi siya nakakulong sa studio, nag-i-sketch, nagpuputol ng tela, nag-aayos ng mga pattern. Maging sa gabi, gising pa rin ang

