Umaga na, pero pakiramdam ni Thisa, wala siyang sapat na tulog. Nakahiga pa rin siya sa kama, nakatitig sa kisame, hawak-hawak ang cellphone na ilang ulit nang nagri-ring dahil sa sunod-sunod na notifications mula sa team niya.
Pinikit niya ang mga mata. Kalma lang, Thisa. It was just a dinner. Business dinner. Hindi na 'yon masusundan. Wala namang nangyari pero bakit ganito ang nararamdaman niya?
She couldn't shake off the feeling, his touch and his words. Tumatak na sa kanya ang nangyari kagabi. Kahit hindi niya nakikita si Rozen, lumilitaw na lang kusa ang mukha nito.
Napapikit siya ng mariin. "Bwisit na buhay 'to! Bakit ba ayaw niya akong tantanan? Kung pwede lang bawiin ang collab, g-ginawa ko na!" But she hesitated. "Paano ba iwasan ang lalaking 'yon?"
Kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili, hindi niya maalis sa isip ang mga titig ni Rozen kagabi. ‘Yong boses, ‘yong paraan ng pagkakabigkas ng pangalan niya, parang hindi nagbago. Mas lalong nakakainis kasi alam niyang kaya nitong magpanggap na parang walang nangyari, samantalang siya, heto, hindi mapakali.
Bumangon siya, diretsong naglakad papunta sa bintana at hinawi ang kurtina. The city was alive, cars, people, sunlight. Everything looked normal. Pero sa mundo niya, magulo. Sobrang gulo!
“Hindi puwedeng ganito,” mahina niyang sabi. “Hindi na pwedeng maulit pa 'yong nakaraan."
Tinapik niya ang sarili na parang bata. “Focus sa trabaho, Thisa. Walang personalan. Professional ka na ngayon.”
Pagdating sa kumpanya, abala na ang buong team. They had an investor event coming up that afternoon, where they would present a preview of the designs for the upcoming collaboration project, and of course, the RV Group would be part of it.
“Ma'am Thisa!” tawag ni Alen, isa sa mga junior designers niya. “The final mock-ups are ready. Gusto mo bang makita bago i-send sa presentation team?”
“Yes, please,” sagot niya, pilit na ngumiti.
Inisa-isa niya ang mga sketch boards, sinusuri bawat detalye. Ang mga modelo ng damit— mixture ng classic silhouettes at modern drape. ‘Yong signature niya, simple lang pero may karakter. Na kahit hindi sabihin, alam mong gawa niya.
Habang abala siya, naramdaman niyang kumalam ang phone niya. Pagtingin niya sa screen, isang text.
Rozen: Don’t be late for the event. You’ll stand beside me.
Napasinghap siya. “Beside him? Seriously?”
“Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ni Alen, napansin ang pagkairita niya.
“Ah, yes. I’m fine,” mabilis niyang tugon. “Let’s just finish the lineup.”
Pero sa loob-loob niya, gusto na niyang sàkalin si Rozen. Beside him daw. Gusto pa yatang torture-in ako nito.
Pagsapit ng hapon, marami nang tao sa pagdarausan ng event. The hotel ballroom was filled with lights, camera flashes, and people dressed in formal attire. At the front of the stage stood a large screen displaying the logo of the RV Group x THDesign Studio Collaboration Launch.
Thisa wore a black backless dress that showed off her smooth skin and elegant posture. Pinili niyang magpaka-neutral kahit siya pa ang designer. Paglapit niya sa backstage, halos mapahinto siya.
Naroon si Rozen. Suot ang dark gray suit, walang tie, bukas ng kaunti ang unang butones ng polo, just enough para magmukhang effortless pero nakakapanghina ng tuhod dahil sa taglay nitong kagwapuhan. He was effortlessly hot, sexy, and, well—handsome. That part was a given.
Pagkakita nito sa kanya, bahagya itong ngumiti. “Right on time.”
“I don’t need your approval,” balik ni Thisa, mabilis na naglakad habang inaayos ang papel sa kamay niya. “Let’s just finish this asap.”
Nakaramdam siya ng pagkailang nang mapansin niyang pinasadahan siya ng tingin ni Rozen.
“Sure,” sagot ni Rozen na may ngiti sa labi. “You always look better when you’re pretending not to care.”
“Stop it,” sabay iwas niya ng tingin.
“Stop what?” he grinned, teasing her.
“Being you.”
Napangisi lang ito. “Impossible.”
Hindi na siya sumagot. Ayaw na niyang patulan. Pero nang magsimula ang event, at tinawag na ang pangalan nilang dalawa para sa presentation, napilitan siyang tumayo at humawak sa braso ni Rozen.
Habang nakaharap sila sa audience, si Rozen ang unang nagsalita. “Good afternoon, everyone. We’re honored to present this collaboration, a fusion of classic design and modern artistry, led by Ms. Thisa Navarro.”
Ramdam niya ang tingin ng mga tao, pero higit sa lahat, ramdam niya ang bawat sulyap ni Rozen habang nagsasalita siya.
“Thank you,” panimula niya, pilit na kinalma ang tono. “This project aims to bring timeless fashion into a contemporary space… to remind people that elegance never goes out of style.”
Napuno ng palakpakan ang loob. Perfect delivery. Pero sa loob niya, hindi siya makahinga ng maayos. It's not like hindi siya sanay, kasama lang niya si Rozen kaya nap-pressure siya.
Every time they were together and presenting, there were eyes watching them from all around, yet it felt like they were the only ones there. As if all the lights were focused solely on them.
Nang matapos na ang presentation, sabay silang lumabas ng stage, parehong nakangiti sa mga tao, pero pagkalampas sa kurtina, agad nagbago ang ihip ng hangin.
“Good speech,” sabi ni Rozen at inaabot sa kanya ang tubig.
“Thanks,” malamig niyang sagot. “And thank you for the fake smile. Napaka-convincing," sarkastikong wika niya. "Hindi halata. Such a good pretender. Muntik na akong maniwala."
Tumawa lang ito. “Do you really despise me that much to the point that you don’t believe in me anymore?”
Bago pa siya makasagot, tinawag sila ng isa sa mga staff para sa group photo. She quickly stepped back, forcing herself to regain her professional facade. But no matter how hard she tried to smile for the camera, she could feel her heartbeat quickening.
Pagkatapos ng photo, sabay silang naglakad palabas ng venue. Tahimik. Pero sa labas ng hall, habang naghihintay ng elevator, bigla ulit nagsalita si Rozen.
“You did great today.”
“Salamat. Ikaw din," tipid niyang sagot at inayos ang damit.
Nang makasakay ng elevator at makalabas ng hotel, niyakap ni Thisa ang sarili nang biglang humangin ng malakas.
She was about to call Rica to let her know she was already outside when she suddenly felt warmth envelop her, only to realize it was Rozen's coat.
"R-Rozen..."
Rozen looked at her. "Good night, Thisa."
Time seemed to slow when she felt his lips brush against her cheek, a kiss that felt both sudden and inevitable.
"See you tomorrow, my Thisababy."
And by the time she realized what just happened, nakalayo na si Rozen.
"Rozen, you!"