Kinagabihan. Tahimik na ang buong kumpanya, tanging ilaw sa studio ni Thisa ang bukas pa. Nakayuko siya sa sketchpad, hawak ang lapis, habang patuloy na hinahagod ang linya ng bagong disenyo. Sa sobrang tahimik, naririnig pa niya ang tunog ng bawat igpaw ng lapis sa papel.
Halos wala siyang pahinga mula pa kanina. Gusto niyang ibuhos lahat ng atensyon sa bago nilang line pati na rin ang collab. Kailangan niyang makasiguro na maganda ang kalalabasan ng lahat.
One of her goals this year is to go to Paris and hold a fashion show so that, somehow, the world can see how unique her designs are. She wants to represent how beautiful Filipino clothing is—whether traditional or modern.
Napatingin siya sa relo. 9:47 p.m.
“Ang tagal ko na pala dito,” mahina niyang bulong, sabay pahid ng pawis sa sentido.
Nakatambak pa ang mga tela at pattern sa gilid ng mesa. Kahit pagod, hindi siya mapakali. Pakiramdam niya kailangan niyang ubusin lahat ng idea na naiisip niya bago matapos ang gabi. Baka kasi bukas, mawala na naman ang inspirasyon.
Ngunit sa kalagitnaan ng pagguhit niya, biglang tumunog ang cellphone sa tabi niya.
Unknown Number.
Nagsalubong ang kilay niya. “Sino naman ‘to?”
Sinagot niya iyon, medyo nag-aalangan. “Hello?”
Tahimik sandali sa kabilang linya. Pagkatapos ay isang pamilyar na tinig ang nagsalita, mababa, kalmado, pero kilalang-kilala niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilala niya ang boses na 'yon.
“Thisa.”
Natigilan siya, nanigas ang kamay.
“Rozen…”
For a second, naisip niyang ibaba ang tawag pero hindi niya ginawa dahil baka tungkol sa collab ang itinawag nito.
It would be rude kung ibababa niya ang tawag.
Tumikhim siya. “Napatawag ka? Bakit alam mo ang personal number ko?” she asked, trying to sound annoyed even though her heart was clearly racing.
“I have my ways,” malamig na sagot nito. “There’s a problem with the contract. May clause na kailangan nating pag-usapan, personally.”
“Ipagpabukas natin 'yan sa office, Mr. Villaluz. Tapos na ang trabaho,” sagot niya, halos singhalan pa. “Late na. I’m busy.”
“Busy?” he chuckled on the other line, his voice low and teasing. “It’s almost ten, Thisa. I doubt you’re doing anything right now except doodling on your sketchpad.”
Napangiwi siya. Nakakaasar pa rin talaga ‘tong lalaking ‘to. Dapat pala hindi na lang niya sinagot ang tawag.
“At least I’m working,” balik niya. “Hindi katulad ng iba dyan, tumatawag lang kung kailan gusto. Look, kung may concern ka sa kontrata o anuman, bukas na lang. May tinatapos akong design. You're disturbing me.”
“I’m not just calling,” he said, calm but firm. “I’m inviting you to dinner. Let’s talk about the contract properly.”
“Dinner?” halos mapataas ang boses niya. “At this hour? Rozen, kung gusto mong pag-usapan ‘yong kontrata, send me an email or—”
“Stop being stubborn, Thisa. It’s business. Don’t overthink.”
Sandaling natahimik si Thisa. Hindi siya nakasagot agad. Totoo naman, business lang ‘to. Pero bakit kailangan may pa-dinner pa?
“Fine,” she muttered, napapikit sa inis. “Just text the address.”
“Already sent.”
At bago pa siya makasagot ulit, pinutol na ni Rozen ang tawag.
Dalawang oras pa lang ang lumipas pero parang ang bigat na agad ng dibdib ni Thisa. Nakatayo siya ngayon sa labas ng isang eleganteng restaurant sa downtown. The night air was cold, but the presence of the man inside was even colder. He was already seated, looking calm as he waited for her.
Huminga siya nang malalim bago pumasok.
As she approached the table, she was immediately met by a familiar gaze, sharp, yet carrying a warmth she tried so hard to avoid.
“You’re late,” sabi ni Rozen, walang ekspresyon. Suot nito ang dark blue suit na mas lalo lang nagpalutang sa kakisigan niya.
“I wasn’t planning to come,” sagot niya, diretsahan. Umupo siya, iniiwasang tumingin nang diretso sa lalaki. “So, ano bang problema sa kontrata?”
Lumapit nang bahagya si Rozen, inilapag sa mesa ang isang folder. “Clause number 9. You’ll see here that the creative rights are split. Your team suggested na mas magandang ikaw ang may full control sa design, ganun din sa team ko. Akala ko ito iyong tinutukoy ng assistant mo. Mukhang hindi niya napansin. Kailangan ulit natin pumirma sa revision."
Natahimik si Thisa. "Are you sure? Na sa akin lahat?"
“Yes. You deserve it,” sagot niya. “You’ve always been good with ideas. And like I said, titingnan ko rin naman 'yan. I'll just suggest. Paninindigan ko naman ang collaboration natin."
Thisa remained silent. Hindi niya maiwasang mapatitig kay Rozen habang nagsasalita. Puno ng papuri ang lumalabas sa bibig nito kaya nakakagulat.
"May problema ba?"
“Let’s not pretend you suddenly appreciate me, Rozen,” malamig niyang tugon. “Ginagawa mo lang ‘to for the company.”
He leaned back, slightly smiling. “You really think everything I do is about business?”
“Of course.” Itinuwid niya ang upo. “Wala nang rason para isipin kong may iba.”
Sandaling natahimik si Rozen, tinitigan lang siya, na parang may gustong sabihin pero pinipigilan.
“You changed,” he finally said. “But some things… haven’t.”
“What do you mean?”
Tumango lang siya. “You still frown the same way when you’re defensive.”
Napairap si Thisa. “Hindi ako defensive.”
“See? Exactly that.”
“God, you’re insufferable.”
“Still calling me names, too.”
Bumuntong-hininga si Thisa, nagkunwaring abala sa pagbuklat ng dokumento. “Pwede ba, Rozen, let’s keep this professional? Ayokong haluan ng kung ano man ‘to.”
“Fine,” sagot niya, pero bakas sa mukha ang mapang-asar na ngiti. “Let’s be professional.”
Habang binabasa ni Thisa ang kontrata, napansin niyang tahimik lang si Rozen, pero ramdam niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Gustong-gusto na niya itong sawayin pero hinayaan niya at baka mauwi pa sa away.
“Stop staring,” sabi niya, hindi na nag-angat ng tingin.
“I’m not,” sagot nito agad.
“Liar.”
“Alright, fine,” Rozen admitted, leaning closer. “You look different when you’re focused. I forgot how that looked.”
Napatigil si Thisa. Marahang nag-angat ng tingin. If only she could snap at him, but they were in a fine dining restaurant.
“Huwag mo 'kong simulan ulit, Rozen,” she whispered, halos hindi marinig. “Don’t say things like that.”
“Why not? It’s true.”
“Because it’s not your place anymore.”
Ngumiti lang si Rozen. “You think saying that makes it true?”
Hindi na siya nakasagot. Masyado na silang malapit. Nang maramdaman niya ang init ng hininga nito sa pagitan ng mga salita, agad siyang tumayo.
“Thanks for dinner,” mabilis niyang sabi kahit hindi pa nakakakain. “I’ll check the revision and have my team send the signed copy tomorrow.”
Pero bago siya tuluyang makaalis, marahang hinawakan ni Rozen ang pulso niya, hindi mahigpit, pero sapat na para mapahinto siya.
“Thisa.”
Napalingon siya, kita sa mga mata niya ang bahagyang pagkabalisa.
“You can pretend you’ve moved on all you want,” he said quietly, “but we both know, some things don’t just end.”
Sandali silang nagkatitigan. Tahimik. Walang ibang ingay kundi ang marahang tugtog ng jazz sa restaurant.
And in that night, no matter how much Thisa tried to deny it, she felt what she had long been trying to avoid, the heartbeat that had always belonged to Rozen.
“Good night,” bulong niya, saka tuluyang tumalikod.
Habang naglalakad palabas, narinig niya pa ang sinabi nito, mahina, pero malinaw na malinaw sa kanya.
“This isn’t over, Thisa. Not yet.”