Maaga pa lang, abala na sa studio ang buong team ni Thisa. May paparating kasing espesyal na bisita mula sa kumpanyang naka-collab nila. Wala pang opisyal na sinasabi kung sino, pero sa nabasang email na natanggap ni Rica, posibleng siya mismo, ang CEO ng RV Group, ang darating.
“Ma’am, baka siya po talaga ang pumunta,” wika ni Rica habang nag-aayos ng mga sketch boards sa mesa.
“Wala namang sinabi,” sagot ni Thisa, pero halata sa itsura niyang kabado. “Pero kung siya nga, then fine. Wala na tayong magagawa ro'n. Business is business. Remember, this a collaboration.”
Hindi man lang niya pinakitang kinakabahan, pero sa loob niya, parang may kung anong bagyong nagbabantang sumabog. She’s been through worse, sabi niya sa sarili. She faced failure, poverty, heartbreak and humiliation from his family. Ano pa bang kayang gawin ni Rozen Villaluz sa kanya ngayon?
“Relax, ma’am,” ngiti ni Rica. “You look great and maybe, ready to fight?" Humagikhik ito.
“Hindi naman ako makikipaglaban,” sagot niya, inaayos ang collar ng blouse niya sa salamin. “Makikipagtrabaho lang.”
Pero kahit anong pilit niyang gawing normal ang araw, hindi maikakailang may kakaibang alon ng nerbiyos sa paligid. Every detail of her studio suddenly felt too personal, the color palette, the fabrics, even the sketches on the wall. Lahat iyon, bahagi ng mundong siya mismo ang bumuo, at ngayon, papasok dito ang lalaking minsan niyang naging mundo.
Ilang minuto pa lang ang lumipas nang bumukas ang pinto. Tahimik na tumigil ang lahat.
When the tall man in a suit appeared, with his sharp, confident presence and natural authority, there was no doubt.
Si Rozen Villaluz nga.
“Good morning," he said, in a deep and firm voice. Tumama agad ang tingin niya kay Thisa na parang wala nang ibang tao sa paligid kundi siya. “I hope I’m not too early.”
Biglang lumamig ang paligid at bumigat ang tensyon. Kahit ang mga staff ni Thisa, wala ni isang balak gumalaw o magsalita. Tahimik lahat.
“N-No,” sagot ni Thisa, pinilit na ngumiti. “Right on time. Please, come in.”
Habang naglalakad ito papasok, mas bumigat ang tensyon at kapansin-pansin ang tinginan ng mga empleyado. Hindi araw-araw may ganitong klase ng bisita, lalong hindi ganito ka-gwapo at ka-charming na CEO.
He looked fresh. Magaan ang awra, halos ngumiti na nga nang makita si Thisa pero pinigilan.
“Beautiful place,” sabi ni Rozen, sinusulyapan ang paligid. “I can see your touch everywhere.”
“Of course,” sagot ni Thisa, diretso pero may bahid ng lamig. “This is my second home.”
“Still perfectionist,” biro ni Rozen pero hindi siya pinansin ni Thisa at palihim na umismid.
“Let’s start,” putol niya, kunwaring kalmado. “Rica, could you bring the presentation boards?”
"Yes, ma'am!" Agad na kinuha ni Rica ang presentation boards.
Habang ipinapakita ng staff ang mga sketches, nakatutok si Rozen sa bawat disenyo nang may seryosong mukha. The mix of modern cuts and vintage textures was exactly her signature.
“Impressive,” sabi ni Rozen, hawak-hawak ang isang tela. “You still have that balance of elegance and risk.”
“Thank you,” sagot ni Thisa. “That’s the goal.”
“Do you remember?” tanong nito bigla, medyo mahina pero sapat na para marinig niya. “You once said—”
“I don’t recall. Keep looking,” sansala niya dito. "Marami pang titingnan. Nagtatrabaho tayo, Mr. Villaluz." Pinagdiinan niya ang sinabi.
“Hmm." Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi nito, tila tuwang-tuwa sa nakukuhang reaksyon mula kay Thisa. "Sungit."
Mahigpit siyang napakapit sa mesa, pilit pinipigilan ang sarili. Trabaho lang ito, Thisa. Huwag mong hayaang lamunin ka ng inis. Talo ka kapag nagpadala ka!
Ilang sandali pa, inilabas ni Rica ang mga dokumento. “Sir, ito po ‘yung kontrata for review and signing.”
“Thanks,” sabi ni Rozen, umupo sa mesa at nagbukas ng folder.
Tahimik ang buong kwarto habang binabasa nito ang bawat pahina. Minsan ay nagtataas siya ng tingin, at sa tuwing magtatagpo ang mata nila ni Thisa, sumisikip ang paligid.
"May problema?" Napataas ang kilay niya, halos magtunog masungit na.
“Everything seems fair,” sabi niya pagkatapos. “Except this clause, about creative liberty. I’d like to add that final designs must still go through joint approval.”
“Thisa prefers full control,” sabat ni Rica. “As per original agreement.”
“I know,” sagot ni Rozen, nakatingin pa rin kay Thisa. “But this is collaboration, not independence. I just want balance.”
"Then you'll have balance," Thisa stated with a direct and bold voice. "As long as creative integrity is respected."
Ngumiti si Rozen, bahagyang tumango. “Of course. I trust you.”
Tumigil siya sandali. I trust you. The same words he once said pero ngayon, wala na. Divorced.
As Rozen signed, she noticed his skilled and steady hand, the line of his arm, and the simple movements that she used to constantly observe. Maganda pa rin ang kamay nito. Masarap iyon hawakan dati—Thisa immediately shook her head. Focus!
Pagkatapos nitong pumirma, iniabot ni Rozen ang pen. “Your turn.”
Kinuha ni Thisa ang ballpen, pero habang pumipirma siya, naramdaman niyang bahagyang sumayad ang daliri ni Rozen sa kamay niya. Sandali lang iyon, pero parang may kung anong dumaan na kuryente sa buong katawan niya. Napasinghap siya at agad na inilapag ang pen.
Tahimik na kinuha ni Rozen ang folder, nilagay sa briefcase, at tumayo. “Congratulations, Ms. Navarro,” aniya. “We’re officially partners again.” Naglahad ito ng kamay.
“Professionally,” dagdag ni Thisa at tinanggap ang kamay nito.
“Of course.” Bahagyang ngumiti si Rozen, pinisil ang kamay niya, na tila may pahiwatig. “Paano ba 'yan, palagi na tayong magkikita?"
Napasinghap si Rica, agad na nagpaalam para iwan silang dalawa sa loob.
Pagkalabas ng assistant, mabilis binawi ni Thisa ang kamay.
"Kung wala ka namang concern, hindi kailangan palaging magkita."
“I'll make sure na lagi akong may concern. Besides, kailangan mong ipakita sa akin lahat ng designs mo. We're partners, Ms. Navarro," ngising sabi nito.
"Alam ko. We can do video call or what. Hindi kailangan magkita araw-araw," diin niya.
"Hm, ayoko. Physical touch ang love language ko."
"Rozen!"
Rozen let out a soft chuckle. "Kidding. But anyway, you’ve built something incredible,” sabi ni Rozen, lumapit sa display rack kung saan nakasabit ang ilang sample dress. “You should be proud.”
“I am,” sagot ni Thisa, bahagyang nakasandal sa mesa. “Because I did it alone.”
“Alone?” Tumalikod ito, dahan-dahang naglakad pabalik sa kanya. "So, no boyfriend? Husband?"
Napaatras siya nang halos bumundol na ito sa kanya, nanunuot ang pabango sa kanyang ilong.
"Anong klaseng tanong niya? Kung wala ka nang gagawin o sasabihin, pwede ka ng umalis. May trabaho pa ako." Pagtataboy niya.
"I want to stay, Thisa."
"And I don't want you here. Don’t make this complicated, Rozen.”
He tilted his head, that familiar smirk returning. “It already is.”
At bago pa siya makapagsalita, tumalikod na si Rozen, kinuha ang coat, at lumakad na papunta sa pinto.
“See you at the next meeting,” sabi nito. “Oh, and Thisa…”
Tumingin siya, halos hindi makahinga.
“You still have the same fire,” pahabol pa ni Rozen, sabay alis.
Pagkasara ng pinto, napahawak si Thisa sa mesa, sinusubukang pigilan ang kaba sa dibdib niya.
You’re fine. You’re okay.
Pero sa loob niya, alam niyang nagsisimula na namang gisingin ni Rozen ang mga damdaming akala niya’y matagal nang pátay.
At sa labas ng gusali, habang papasok si Rozen sa sasakyan, nakangiti lang siya.
“Let’s see how long you can pretend, my Thisababy,” mahina niyang sabi, sabay silip sa folder na may pirma nilang dalawa.
The contract was done. But the real game had just begun.
A game to win her back.