"Masaya ako para sayo, bro." Nag-aalangang saad ni Razel.
Biglang napahinto at nawala ang ngiti sa labi ni Heath. " Kahit masaya ako kay Shanine hindi ibigsabihin nakalimutan ko na siya."
"I'm sorry hindi ko sinasadya." Paghingi ng paumanhin ni Razel.
"Gago ka talaga bro. ang seryoso mo. Basta gusto ko Shanine. Pero alam mo kamukha siya ng nobya ni Hunter."
"Paano kaya kung magkapatid sila? Hanep sana mayroon silang kapatid pang-isa para sa akin naman." Pabirong saad nito.
"Gago, sinabi ko lang kamukha kapatid agad. At saka pangit kung magkakapatid ang mga nobya natin dahil sigurado walang lusot tayo sa kanila."
"Oo nga no. Sigurado giyera lagi kung kalahi ni Nene." Hirit pa ni Razel ulit.
Pagdating nila sa factory ng armas ni Heath nagtaka sila sa babaeng lumabas sa silid ng dating kasintahan.
"S-Sino ka?" Kunot-noo na tanong ni Heath.
"Jackie?" Gulat na gulat na tanong ni Razel.
"No. I'm Tackie kapatid ni Ate Jackie. Nandito ako para kunin ang ibang gamit niya."
Tinititigan siya ni Heath ng mabuti na parang sinusuri. " Huwag mo akong pinagloloko. Walang kamag-anak si Jackie kaya nga siya dito tumira."
"Mayroon. Paano niya maalala kung may amnesia siya. Gamit niya lang ang kukunin ko hindi ikaw." Nakangising saad nito sa kanya.
"f**k. Lumayas ka dito bago kita barilin."
"I need her things. Kahit ang kunting gamit niya nalang. Kung tutuusin ikaw ang dahilan bakit lumayas siya sa bahay."
"Bro, ibigay mo na. Gusto mo ikaw din kunin niya" Tukso ni Razel sa kaibigan.
"Tarantado ka talaga, Montreal. Bigyan mo ako ng katibayan na magkapatid kayo?"
Agad naman inabot ni Tackie ang larawan nilang magkakasama at isang baptismal certificate. Wala ng nagawa si Heath kundi ibigay. Hindi naman sila kasal ng dating kasintahan kaya may karapatan ito.
Palakad-lakad lang si Heath mula sa kabilang silid habang hinihintay lumabas si Tackie.
"Aalis na ako. Hindi ka puwede sumaya dahil ako mismo ang maniningil sayo. " Mahiwagang saad nito na kinakunot ng noo ni Heath.
"f**k. Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo. Kahit kapatid ka pa ni Jackie hindi kita sasantuhin oras humarang ka sa kaligayahan ko. Wala akong kasalanan at aksidente ang nangyari."
"Mark may word, Heath Geller " saad nito sabay talikod.
"Bro, ibang klase. May kapatid pala si Jackie? Hindi kaya si Jackie talaga iyon at pinaglalaruan ka lang niya?"
Napahinto si Heath at biglang naalala ang dating kasintahan. "Tawagin niyo si Bullet. Sabihin niyo sa kanya may i-utos ako."
"Boss, gusto niyo ba ng kape?" Kinakabahang tanong ng tauhan ni Heath.
"Yes. Bigyan mo kami ng dalawang tasang kape. " Biglang tumamlay ang mukha ni Heath nang makita si Tackie. Bumalik ang sakit sa puso niya na dulot nang paghiwalay nila ni Jackie.
"Bro, nasa television daw si Shanine. Sumama daw siya sa operasyon ng mga pulis. Biglang bumalik ang sigla ng mukha ni Heath nang binanggit ni Razel ang pangalan ni Shanine.
"Akin na ang remote." Agad binuksan ni Heath ang TV at tamang-tama na naka-focus sa camera ang sasakyan ng dalaga.
"f**k. Malapit iyan dito ah. Ang gago parang gustong pang gasgasan ang love ko."
"Heath ano ang ginagawa mo?"
"Tulungan mo akong dagdagan ang bendahe sa kamay ko. Gusto ko siya tulungan."
"Bro, naghahabulan at mga pulis iyan. Ikaw ay kalaban din. Paano kung mamukhaan ka ng mga pulis diyan."
"Bro, walong taon na ang nakalipas at sigurado hindi na sila babalik dito."
"Heath, hindi pa magaling ang sugat mo. Kung pupunta ka sasama ako."
"Ikaw ang bahala basta hindi kita pinilit " Seryosong saad nito. Bigla siyang nag-alala nang makitang nakikipaghabulan sa mga armadong lalaki si Shanine. Pina-imbestigahan niya ang dalaga at nalaman niya bukod sa pagiging high paid agent nito ay sumailalim din ito sa traing ng military. At miyembro din ito ng isang grupo ngunit hindi na nakasaad kung anong group.
"Bro, si Shanine ay magaling kaya huwag na tayo makisawsaw.*
"Para kang bakla, Montreal. Ang sabi ko maiwan ka kung ayaw mo madamay. Look at her car, sira na. Alam mo naman na ayaw kong magasgasan kahit kunti ang balat niya. I need to save her."
"Bro, maybe you forgot. She's a goverment public servant kaya asahan mo na may gasgas lagi ang balat niya. Saan ka nakakita ng nakipagbakbakan o nakipagbarilan na walang gasgas at maganda parin?"
"Sa pelikula. Ah basta. I need to go there to save her."
"Yawa. Ang kulit mo, bro. Kainis ka talaga. Bakit kayong mga Geller pagna-inlove parang baliw? Samantala ang daming babae naman diyan naghahabol sa inyo kaya bakit kayo natatakot?" Reklamo ni Razel ngunit patuloy parin ito sa pagsunod kay Heath.
"Puwede ba Montreal kung ayaw mo sumama magpaiwan ka nalang. Ang dami mo pa sinasabi."
"Sasama na nga, oh! Inaalala ko lang kasi na baka madamay tayo."
"Natatakot ka na madamay ka o natatakot ka lang na magasgasan ang balat mo. Iwan ko ba sayo bakit kailangan mo magturok ng Glutathione
maganda naman ang balat mo."
"Puwede ba huwag mo pakialaman ang balat ko." Inis na saad nito. Nagulat nalang sila ni Hunter bakit biglang naging kulay papel si Razel ng dumating galing ibang bansa. Ang paalam nito ay magbakasyon lang ngunit pagbalik nito ay para na itong multo. Lately lang nila nalaman na nagpapaturok ito ng Glutathione dahil na-insecure ito sa balat niya na kulay kayumanggi.
"Huwag mo ako tingnan ng ganyan. Mag-drive ka nalang." Inis na saad ni Razel.
Pagdating nila sa lugar kung saan naghahabulan ang mga pulis at kalaban bigla silang umeksena. Inabangan nila ito sa kanto at binangga. Sapol agad.
Tuwang-tuwa ang mga pulis ganun na din si Shanine. Agad pinosasan ng mga kasamahan ni Shanine ang lalaki habang ang dalaga ay kinatok ang bintana nina Heath at Razel.
Knock.. Knock... Dahan-dahan bumaba ang bintana ng sasakyan. Napamura si Shanine nang bumungad sa kanya ang mukha ni Heath na nakangisi.
"f**k. Alam niyo ba ang ginagawa niyo? Sagabal kayo sa operasyon namin. Umalis na kayo dito." Mariin na saad ni Shanine habang tinataboy silang dalawa.
"Ang sungit mo naman, love. Wala bang thank you?"
"Thank you. Umalis na kayo."
" Agent Meriths. Ang mga kasamahan nila daw ay nasa palengke malapit sa Mall at kasalukuyan nanghohostage," saad ng kasamahan ni Shanine.
"Damn. Mauna na kayo dahil sira na ang sasakyan ko."
"Sige. We need you kaya bilisan mo."
"Sakay na. Emergency iyan bakit nag-iinarte ka pa. Tinutulungan kana nga ang arte mo pa." Panghahamon ni Heath sa kanya.
"Fine. Sa isang kondisyon ako ang magdadrive."
"No. This is my car kaya ako ang magmamaneho."
Sinipa ni Shanine ang sasakyan ni Heath sa inis. Kung hindi niya lang kailangan rumesponde hindi siya papayag sa kagustuhan ng binata.
Nagpakitang gilas sa pagmaneho si Heath. Halos ng madaanan nila ay kayang niyang lampasan ng walang aksidenteng nangyayari.
"Yabang. Bilisan mo pa dahil hindi tayo aabot kung ganito ka bagal." Paghahamon sa kanya ng dalaga.
"Fuck... Kung magpapakamatay kayong dalawa huwag niyo akong idamay." Kinakabahan saad ni Razel.
"It's too late bro dahil biyaheng impyerno na tayo." dalawang kamay na ni Razel ang nakakapit kahit naka-seatbelt pa ito.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Shanine kaya biglang hininto ni Heath. Napamura si Shanine dahil muntikan niya mabitawan ang kanyang cellphone. Habang si Razel ay nakapighalikan sa salamin ng pintuan ng sasakyan.
"Agent Meriths, nasaan kana?"
"On the way na, boss."
"B-Bakit hindi ko makita ang sasakyan mo?" saad ng head nila. Habang nakikipaghabulan sila sa kalsada ay abala din ang ibang kasamahan nila. Nakaabang din ang mga ito sa CCTV ng bawat kasalda.
"I'm sorry na sira ang sasakyan ko. Nakasakay ako ngayon sa gray na sasakyan."
"Meriths ang daming gray na sasakyan."
"Akin na ang plate #. Sha 696 ang plate # . Lalabas na rin ako para makita niyo." Agad lumabas si Shanine at kumaway.
"Okay, nakita ka na namin. Pababain mo ang mga kasama mo dahil baka madamay sila. Ayaw ko na may madamay tayo na civilian."
"Noted, boss."
"Narinig niyo nanan siguro ang sinabi ng boss ko. Baba na kayo."
"Love, sabihin mo sa boss mo na ako ang may-ari nito."
"Okay fine. But make sure na hindi sila sasagabal sa. operasyon natin. At isa pa huwag mo patayin ang cellphone mo."
Agad sumakay si Shanine sasakyan at agad naman pinahaharot ni Heath. " Meriths, masasalubong niyo ang isang itim na sasakyan."
Bago paman sila makaliko ay nilagpasan na sila nang kalaban at sobrang bilis ito. Wala itong pakialam na kahit marami ang mabangga. Mabilis naman naka-preno si Heath at paatras na minaniho ang sasakyan. Halos maihi na si Razel sa ikuran dahil sa bilis at palitan na putukan.
"Heath, ano ang ginagawa mo? Palengke iyan at maraming street vendors."
"Hindi na puwede iikot dahil masusukol na nila tayo."
"Meriths itigil mo ang saksakyan. f**k marami kayong masisira at ako ang magbabayad. Hayaan mo na ang kalaban."
Ngunit ngumisi lang si Heath at tuloy-tuloy na sinagasaan ang mga paninda sa kalsada.
"Heath, mall iyan. At marami tao diyan."
Para silang nasa pelikulang naghahabulan habang nagpapalitan ng putok.
"Razel, ikaw na ang bahala sa sasakyan. Let's go Shanine." Hindi alam ni Shanine kung mapagkakatiwalaan si Heath pero nakita niya kung paano ito magmaneho.
"Give me your gun." Agad tinutukan ni Heath ang magnobya na nakasakay sa mountain bike.
"Hey, ano ang gagawin mo?"
"Sakay, wala silang ibang madadaanan dito kundi ang kabilang eskinita. Bike at tao kllang puwede pumasok doon."
Napailing si Shanine ngunit may punto ang binata kaya sumakay na rin siya. Sobrang bilis ang pagpadyak ni Heath habang si Shanine ay medyo naiilang.
"Heath, may humps." Ngunit huli na nang makita ni Heath. Dahil muntikan na mabasag ang itlog niya nang mabangga sa upuan ng bike.
"s**t. Pisat na yata ang balls ko."
"Ang tanga mo kasi."
"Ayon sila." Wala ng sinayang na pagkakataon si Shanine dahil agad niya binaril sa paa ang dalawang lalaki. Hindi na ito nakatakas dahil dimating narin ang back-up nila.
"Agent Meriths, congratulations. Another case na naman ang naresulba. Ngunit ang mga tindahan sa labas ay ibabawas ko sa sahod mo. Wala sa utos ko na banggain mo lahat."
Bigla napaiwas ng tingin si Heath. "Boss hindi ako ang driver Ang lalaking ito ang bumangga."
"Agent Meriths wala ka talagang puso. Dapat magpasalamat ka dahil siya ang tumulong sa atin. By the way Mr?"
"Geller, ho ma'am Pandak tampuki."
Biglang nagtawanan ang mga agent at mga pulis na naroon.
"May problema ba kayo sa apilyedo ko?"
"W-Wala ho, ma'am Pandak tampuki."
"Talagang uulitin pa?" Inis na saad ng boss nila.