Tahimik na sumama sina Heath at Razel sa opisina nila. "Agents Meriths, sino ba ang mga ito?" Taas kilay na tanong ng Kumander ni Shanine. "Mrs. Pandak Tampuki—" Hindi na natuloy ni Heath ang sasabihin dahil biglang tumaas ang boses ng babaeng kumander ni Shanine. "Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na puwede naman siguro ma'am o miss lang ang itawag niyo sa akin. Miss pa po ako." Pa-cute na saad nito. Biglang kinilabutan si Heath sa naging asal ni Miss Pandak Tampuki. " Ah ganun ho ba. Ako ho kasi may asawa na po. Married na ako pero itong kasama kong guwagpo ay binata pa ho." Biglang nanlaki ang mata ni Razel habang si Shanine ay tumaas ang kilay. "Hanep, Geller. Sino ang asawa mo? Ang gago mo talaga, papalusot ka pa. Mrs. Pandak Tampuki pareho pa po kaming single." Pangbibisto

