Chapter 1
“…and by the power vested in me, I now pronounced you husband and wife. You may now kissed the bride.” Ang wika ng paring nagkasal kina Candice at Sebastian.
Umugong ang malakas na sigawan sa paligid at kasabay noon ay ang malakas na palakpakan matapos halikan ni Sebastian si Candice.
Masayang-masaya ang lahat ng nakidalo sa kasalang iyon na ginanap mismo sa napakalawak na hardin ng Casa Monte Bello. Hindi matatawaran ang mga ngiti sa mga labi ng mga bisita, at mas lalong higit ang dalawang bagong kasal.
Pero taliwas naman doon ang nadarama ni Antonio. He was now mourning his broken heart.
Yes, he fell in love with Candice noon pa mang makilala niya ito sa ospital. Kaya ganoon na lang ang galit niya sa kapatid ng malamang ito ang dahilan ng pagluha ng dalaga noon. But he knew from the very beginning, that Candice doesn’t feel the same way for him.
Ang bawat pintig ng puso nito at matatamis na mga ngiti ay nakalaan lamang para sa kanyang kapatid na si Sebastian. And he couldn’t blame her for that, ‘cause his brother also loves her so much.
Nakikita niya iyon sa mga mata ng kapatid at wala siya sa lugar para hadlangan ang pagmamahalan ng dalawa. Marami ng isinakripisyo ang kuya niya para sa pamilya nila, ano ba naman kung isuko niya ang sariling kaligayahan para dito?
Tumayo si Antonio at nakangiting nilapitan ang dalawa. Pilit na itinatago ang tunay na nararamdaman sa likod ng mga ngiting iyon.
“Congratulations! I am very happy for both of you!” malakas na wika niya leveling his voice with the noise circling around.
Tinapik niya sa balikat ang kapatid then gave Candice a very tight hugged.
“Thank you, Antonio.” Nakangiting sabi ni Candice sa kanya bago ito kumawala sa yakap niya.
Ito na yata ang pinakamagandang bride na nakilala niya. Very simple yet she was oozing with so much grace and beauty.
Para itong isang dyosa.
“I hope you’ll follow soon.” Ang pahabol na biro ni Sebastian.
Natawa naman siya sa tinuran ng kapatid. “If I could find a girl like Candice, then I might try.” Biro din niya na ikinatawa naman ng dalawa.
Masakit man ang kalooban niya sa nakikitang kasiyahan ng mga ito, pero masaya pa rin siya dahil alam niyang magiging mabuting asawa ang kuya niya kay Candice.
“Hi, Uncle Handsome!” anang matinis na tinig na iyon mula sa kanilang likuran na ikinalingon nilang tatlo.
Bella was all smiling to them habang karga-karga ito ng kapatid nilang si Andrea.
“Hello my dear Bella,” aniya at gumanti ng ngiti dito sabay pisil sa mamula-mulang pisngi nito. Bigla namang nagusot ang mukha ni Bella na ikinatawa nilang apat.
“Don’t touch my face like that!” reklamo nito kay Antonio. “You see… I am wearing my make-up now,” nakalabing dagdag pa nito.
Mas lalo naman silang nagtawanan dahil sa sinabi nito.
At last, Bella was now speaking with so much courage. She overcome her own trauma at nakatulong din siguro dito ang pagbabalik ni Andrea.
Nasa ganoon silang tagpo ng lapitan sila ng kanilang mama, si Donya Consuelo. Nakangiti ito sa kanila.
“Sebastian… Candice… maraming naghahanap na bisita sa inyo. Go to them,” pagtataboy nito sa mag-asawa. She was now using a crane while her sister Aurora was holding her.
Everybody was here at walang pagsidlan ang kasiyahan ng kanilang ina. At last, their family was now complete. At hindi mangyayari iyon kung hindi pa nagpakasal si Sebastian. He did everything to get everyone’s back on the casa, including their sister Aurora na mahigit pitong taon ng hindi bumabalik doon.
There were so many reasons why they should be celebrating more today. But, as much as he wanted to stay with them for a long time, hindi pa kaya ng puso niyang makisaya ng lubusan sa mga ito. Kaya nilapitan niya ang ina at nagpaalam na babalik na ng Maynila. Nagdahilan na lang siya dito upang hindi na rin ito magtanong pa. Hindi na siya nagpaalam pa sa mag-asawa, dahil alam niyang pipigilan lang siya ng mga ito.
Before he left, isa munang sulyap ang ginawa niya sa mga nagkakasiyahan, and then drove his car as fast as he can makalayo lamang sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon.
**
“Letty, please… don’t do this. Tito Augusto will kill me kapag nalaman niya ito,” pakiusap ni Victoria sa kanya. Ito ang best friend/ partner-in-crime ni Letizia.
Nasa bar sila na pag-aari nina Victoria and she asked her a favor na gawin siyang isang waitress ng mga ito doon just for fun.
She’s a kind of woman that’s up to any kind of adventure. She always wanted to do extraordinary things at lagi niyang kasama doon ang kaibigang si Victoria.
At hindi naman iyon nakakapagtaka, because she is the only daughter of Augusto Alvarez, a business tycoon who owns the biggest oil company in the country. Pinalaki siya ng kanyang amang nakukuha ang lahat ng gusto at alam ni Victoria na hindi na siya nito mapipigilan pa.
“Are you going to tell him?” she asked while looking at her in the eyes.
Napairap naman sa kanya ang kaibigan kasabay ng isang buntong-hininga. “As if naman na kaya ko? We both know kung ano ang mangyayari sa ating pareho kapag ginawa ko iyon?” iiling-iling na sabi nito.
Lumuwang ang pagkakangiti ni Letizia. “It’s settled then,” aniya at nagpalit ng damit na pang-waitress.
It was a pair white blouse and a black mini-skirt paired with a black leather boots, which shows off her silky-smooth skin na kasing puti yata ng gatas.
Hinayaan niya lang na nakalugay ang itim na itim na mahabang buhok. She will attract many eyes with that looked at iyon ang labis na ikinababahala ni Victoria.
Nag-aalangan pa rin ang kaibigan habang tinitingnan siya. “I really cannot stop you, right?”
She smirked. “You want to try?”
“No… because I know you already set your mind on this,” sagot nito kasabay ng pag-iling. “Just be careful, okay? This may be a decent bar, but there were still rude customers out there.” Paalala nito sa kanya.
“I know… I know…” tumatango-tangong wika niya. “Don’t worry, I’ll be very careful.” Aniya at sabay na silang lumabas sa opisina ng bar upang ipakilala siya nito sa mga tauhan nina Victoria.
Kinausap siya ng manager doon at ipinaliwanag nito ang kaniyang mga gagawin. Madali lang naman niya iyong naintindihan. Maglilinis ng table at kukuha ng orders ng mga customers. Ganoon lang kasimple. Pero binilinan pa din ni Victoria ang mga tauhan nila na alalayan siya dahil hindi naman talaga siya sanay sa ganoong gawain.
“I’ll be sitting on the counter to watch over you,” sabi pa ni Victoria sa kanya. Nginitian niya lang ito.
Malakas at maharot ang tugtog na sumalubong sa kanya pagpasok sa mismong bar. She was holding a tray on her right hand. Lumapit siya sa isang empty table na kakaalis lang ng mga customer and cleaned everything on top of it.
Hindi karamihan ang customers ng gabing iyon, because it was weekdays at may palagay siyang ipinagpapasalamat iyon ng kanyang kaibigan na kasalukuyang hindi pa rin siya hinihiwalayan ng tingin habang nasa counter ito.
Maingat na dinala niya ang lahat ng mga ginamit ng mga umalis na customer and bring them to the bar counter. Napansin niyang may isang lalaki doon na mag-isang umiinom. May kadiliman sa kinauupuan nito kaya hindi niya maaninaw ng husto ang mukha nito. But the man was very tall and have a very big built. Kung hindi siya nagkakamali ay kasingtangkad nito ang favorite niyang NBA player na si Michael Jordan.
“Am I that handsome para pakatitigan mo ng ganyan?” ang walang kaabog-abog na tanong nito ng hindi siya nililingon habang patuloy sa pag-simsim ng alak.
Napaawang naman ang mga labi ni Letizia sa gulat. Hindi niya alam na napansin pala nito ang ginagawa niya.
Kaagad niyang ipinilig ang ulo. “Excuse me?” patay-malisyang sabi niya dito para maitago ang pagkapahiya.
The man looked at her. At mula sa malamlam na liwanag na nagmumula sa bar counter ay kitang-kita niya ang pagsilay ng isang pilyong ngiti sa mga labi nito. Hantaran nitong pinasadahan ang anyo niya na para bang hinuhubaran siya nito.
Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ito.
“Bastos!” aniya at isang nakamamatay na tingin ang ibinigay niya dito, bago padabog na muling dinampot ang tray at iniwan ito roon.
Napailing naman si Antonio habang sinusundan ng tingin ang waitress. He couldn’t help himself but to admire her beautiful body.
Tawag pansin naman talaga ang itsura nito dahil bukod sa matangkad ay napakaganda din nito. Bilugan ang mga mata nito with thick eyelashes na kasing itim yata ng uwak. She has a diamond shape face, matangos na ilong at mapupulang mga labi.
At kahit malamlam ang liwanag sa bar, kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito kanina which intrigued him. May palagay siyang ilang gabi hindi patutulugin noon.
Napailing siya sa sarili.
Sa halip na sa kanyang bahay tumuloy pagkagaling sa Puerto del Cielo, naisipan niyang dumaan sa bar na iyon sa Timog. He wanted to clear some thoughts on his head. Alam niyang matatagalan bago maghilom ang sugat ng kanyang puso, but he needs to try his best because Candice is now her sister-in-law.
He won’t let himself linger his feelings for her for so long. Nakakahiya dito lalo na sa kapatid niya. Hindi niya hahayaang makaapekto iyon sa samahan nila.