Parang iisang taong bumaling sa kanya ang tatlo. Shocked was understatement on their faces. Narinig pa niyang napasinghap ng malakas si Candice na katabi ng kanilang ina.
“What!? Are you insane!?” ani Sebastian na unang nakabawi ng pagkagulat sa mga ito.
He sighed deeply. “Maybe I already am Kuya,” mahina niyang sabi.
“You should know her first bago mo sana ginawa iyon. Don’t you think your being unfair to her?”
Marahas na nilingon niya ang kapatid pagkarinig sa sinabi nito. “So, ako pa ngayon ang unfair? Sino bang nag-umapisa nito, ha?” aniya sa mga kaharap.
Wala namang nakaimik sa mga ito.
“I already did everything for our company para mapalago pa itong lalo, pero anong naging kapalit? Ito?! Ang kapirasong papel na ito!” aniya at galit na galit na nilamukos ang agreement na hawak-hawak. “Now tell me Kuya, dapat ba akong matuwa sa nalaman ko ngayon?” tanong niya sa kapatid na hindi niya alam kung naaawa ba o nagagalit sa kanya.
Umiling naman ito. “I didn’t mean it like that,” mahinahong sagot ni Sebastian. “Ang sa akin lang, sana kinilala niyo muna ang isa’t isa because this is a lifetime commitment. Wala namang clause na nagsasabi na kinakailangan mo agad siyang pakasalan. You see… Papa died six years ago at ngayon lang sinabi ito sa iyo ni Tito Augusto.” Mahabang paliwanag nito sa kanya.
Siya naman ang umiling. “Kahit ano pang sabihin mo, hindi na magbabago ang nakalagay dito… that I won’t get anything kapag hindi ko pinakasalan ang anak ni Tito Augusto. So bakit ko pa papatagalin? Doon din naman mauuwi ang lahat dahil hindi ko hahayaang mapunta lang sa iba ang mga pinaghirapan ko,” nanggalaiting wika niya.
Hindi na umimik pa ang kanyang kapatid. Alam nitong kahit anong paliwanag ang gawin nila ay hindi na magbabago ang isip niya.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang apat bago siya nagdesisyong umalis doon. Pero bago siya tuluyang makalabas ng pintuan ay narinig niyang nagsalita ang kanyang ina.
“Antonio, you’re a Monte Bello and a Monte Bello doesn’t back out on his or her words,” umpisa nito sa napakahinang tinig pero dinig na dinig niya. “Ngayong may asawa ka na at sumumpa sa harap niya, I hope you will do your best to be a good husband to Letizia. Kilala ko ang batang iyon at alam kong mabait at mapagmahal itong anak. So, please… be good to her. Alam kong sa mga oras na ito, siya man ay naguguluhan rin sa mga nangyayari. If I know, ngayon niya lang din nalaman ang tungkol sa pagpapakasal ninyo at hindi noon makukuhang tumanggi dahil kay Augusto.” Mahabang saad ng kanyang ina.
Huminga siya ng malalim. “I don’t know, Mama.” Sagot niya dito ng hindi ito nililingon at pagkatapos ay tuloy-tuloy ng dumeretso sa kanyang sasakyan at nagmaneho papalayo sa lugar na iyon.
**
Hindi malaman ni Letizia ang gagawin. She already unpacked her clothes pero hindi niya alam kung saan iyon ilalagay. Wala namang sinabi si Antonio sa kanya. Tatawagan sana niya ito ngunit hindi niya alam ang numero nito, kaya nakuha na lang niyang ilagay ang mga gamit sa isang espasyo sa loob ng dressing room ng lalaki.
Pagkatapos noon ay hinayaan niya ang sariling libutin ang buong bahay nito. Sa itaas noon ay may apat na kwarto including his office, sa ibaba naman ay may dalawang silid which she thinks was the guest room. Wala iyong maid’s quarter kaya nahinuha niyang wala siyang makakasama doon mula ngayon kundi si Antonio.
Malawak din ang bakuran nito. He has a very beautiful garden na hindi niya alam kung paano namimintina gayong wala namang katulong doon. May iba’t-ibang klase ng halaman doon na namumulaklak. May rose na iba’t ibang variety, ganoon din ang daisy, sunflower, dahlia at kung ano-ano pa. May nakita din siyang isang di-kalakihang swimming pool sa gilid noon.
Napansin niyang may pagka-minimalist si Antonio. His things was only intended for him alone. But kudos to the interior décor of his house, because she really likes it. Lahat ng mga gamit doon ay nasa tamang lugar na parang mula ng tirahan nito iyon ay hindi na nabago.
Maya-maya nakaramdam siya ng gutom. She went to the kitchen at naghalikwat sa ref, pero puro tubig lang ang laman noon.
Napabuntong-hininga na lang siya. Tiningnan niya ang oras sa relong nasa bisig, alas-tres na.
Hindi siya nakapag-almusal kanina dahil pagkauwi sa kanila ay natulog siyang muli. Pagbaba naman niya ay ikinasal nga sila ni Antonio at nagmamadali din naman silang umalis pagkatapos.
Umakyat siyang muli sa itaas at nagbihis. Pagkatapos ay kinuha niya ang bag at muling bumaba.
Isang pasya ang nabuo sa kanyang isip, maggo-grocery siya. Ngayong may asawa na siya, tungkulin na niyang gawin ang bagay na iyon.
Kinuha niya ang susi ng bahay na nakita niya kanina at dali-daling lumabas at tumawag ng taxi. Hindi naman niya alam kung anong oras darating si Antonio at kung hihintayin niya ito, baka naman magkasakit na siya ng dahil sa gutom.
**
Hindi pa man nakakapasok sa loob ng kanyang bahay si Antonio ay dinig na dinig na niya mula sa kinatatayuan ang malakas na tugtog na nanggagaling sa loob. Salubong ang mga kilay na pumasok siya doon.
Naabutan niya sa kusina si Letizia, dancing and banging her head while holding the ladle on her right hand. Para itong rockstar na hindi niya mawari.
Hindi niya alam kung matatawa o magagalit ng mga sandaling iyon dito. Pero sa nakikita niya, biglang humupa ang matinding emosyong kanyang nararamdaman mula pa kaninang umaga and he didn’t expect na ito lang pala ang makakagawa noon.
Sumandal siya sa pintuang nakapagitan sa kitchen at dining. Pinagmasdan niya ito habang abala sa ginagawa nito. Hindi niya alam na ang kagaya nitong laki sa karangyaan ay may alam din pala sa kusina.
He could smell the tasty aroma of adobo that she was cooking. Nakakapaglaway iyon. At dahil doon biglang kumulo ang t’yan niya na wala pa ring laman hanggang ngayon.
Letizia continued dancing na sinabayan pa nito ng malakas na pagkanta ng bigla itong mapalingon sa kinatatayuan niya.
“Holy sh*t!” gulat na gulat na wika nito kasabay ng pagkakabitaw sa sandok na hawak.
Napatigil ito sa pagsasayaw at hindi malaman kung ano ang gagawin. Wala sa sariling natabig nito ang basong nasa tabi at bumagsak iyon sa sahig.
Dali-dali itong yumukod at dinampot ang pira-pirasong baso nang biglang mapasigaw.
“Ouch!”
Inilang hakbang naman ni Antonio ang pagitan nila. Nakita niyang dumudugo ang daliri nito, kaya’t agad niya iyong kinuha at walang sabi-sabing isinubo sa bibig.
Natigalgal naman si Letizia sa ginawang iyon ni Antonio. Hindi niya alam kung alin ang bumibingi sa kanya ng mga sandaling iyon, ang tunog ba na nanggagaling sa speaker o ang malakas na t***k ng kanyang puso?
Awang ang mga labing napatitig na lang siya dito. Pakiramdam niya ay biglang uminit ang paligid at bigla siyang pinagpawisan. Nasasamyo niya mula dito ang pinaghalong pawis at pabango na nagpapahilo sa kanya.
Pumikit siya sandali upang samyuin iyon. Then, she opened her eyes and starred at him for a long time. Gustong-gusto niyang haplusin ang medyo may kaguluhan nitong buhok ngunit, pinigilan niya ang sarili.
“There…” narinig niyang wika ni Antonio maya-maya at binitawan ang kamay niya ng wala ng dugong lumalabas doon. “Next time be careful,” anito at ito na mismo ang dumampot sa nabasag na baso.
Namumula ang mukhang mabilis siyang tumayo at lumapit sa kalan at pinatay iyon. Ini-off din niya ang speaker na hindi na niya maintindihan kung ano ang tinutugtog. She then continuously gasped some air dahil pakiramdam niya, kanina pa siyang hindi huminga.
Nakita niyang tumayo si Antonio bitbit ang basag-basag na baso and throw it on the trash bin at hinarap siya. Nasa mga mata nito ang amusement habang tinititigan siya.
“K-kanina ka pa ba?” nauutal na tanong niya dito. Nagwawala na naman ang puso niya sa mga titig nitong iyon.
She was shy, but at the same time, embarrassed.
“Not really,” kibit-balikat na tugon nito. Hindi pa rin nawawala ang kakaibang kislap sa mga mata nito.
Huminga siya ng malalim. “Have you eaten?” aniya at lumapit sa may kalan upang doon mabaling ang atensyon. “Sorry… I already dropped by to the grocery store. Wala kasing stock ng pagkain dito. Hindi naman kita matawagan para makapagpaalam sana dahil hindi ko nakuha ang number mo.” Paliwanag niya at kumuha ng serving plate, pero inagaw nito iyon sa kanya.
Nagtatakang tiningnan niya ito.
“Baka magdugo ang sugat mo. Maigi pa gamutin muna natin iyan bago pa ma-infection,” anito at hinila siya paupo sa isang upuan doon.
Hindi niya alam kung anong nangyari dito kanina ng umalis ito, pero ibang Antonio na naman ang nakikita niya ngayon. This time, it was the caring Antonio.
Tahimik lang siyang sinundan ito ng tingin habang kinukuha ang medicine kit sa isang cabinet doon. Bumalik ito sa tabi niya at ito na mismo ang naglinis at naglagay ng gamot sa kanyang sugat.
“Better…” anito at muling tumayo upang ibalik ang medicine kit sa pinagkunan nito.
“Thanks…” mahinang anas niya at akmang tatayong muli ng pigilan siya nito.
“No. Stay there,” wika nito. “Ako na lang ang maghahayin,” dagdag pa nito at mabilis ang mga kilos na kumuha ito ng mga pinggan at kubyertos.
Nakamasid lang siya dito habang abala ito sa pagpre-prepare ng pagkain. Nang matapos ay mabilis itong naupo sa tapat niya at nagsimula ng kumain.
Napapangiting napapailing na lang siya sa sarili habang pinagmamasdan ito. Parang kagaya niya ay gutom na gutom na din ito. Sunod-sunod lang ang ginagawa nitong pagsubo na parang ilang araw na itong hindi kumakain.
Sinalinan niya ng tubig ang baso nito. Nagpasalamat naman ito sa kanya.
Tahimik lang din siyang kumain habang manaka-nakang tinitingnan ito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa nakikitang anyo nito. Wala na doon ang malamig na pakikitungo nito sa kanya na hindi pa rin niya maintindihan kung bakit.
Marami pa ring tanong ang gumugulo sa isip niya at sigurado siyang alam ng kanyang ama ang mga sagot doon.
Nang matapos siyang kumain ay tumayo na siya at dinala ang pinagkainan sa lababo. Hindi pa rin tapos si Antonio at tingin niya, wala yata itong balak umayaw.
“Leave it there,” sabi nito ng hindi siya nililingon. “I’ll do the dishes. Just rest upstairs.” Utos nito sa kanya.
Tatanggi sana siya pero naisip niyang baka magbago itong muli. Kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito.
“Alright…” aniya at iniwan na ito doon.
Deretso siyang umakyat sa itaas. Hindi na niya napuna ang kakaibang tinging ibinibigay sa kanya ni Antonio. Nagpakawala pa ito ng isang malalim na buntong-hininga bago tinapos ang pagkain at niligpit ang mga pinagkainan nila.