Chapter 17

1396 Words
“How is she Antonio?” nag-aalalang tanong ni Donya Consuelo sa anak pagdating nito sa kanila. Magtatatlong araw ng nakalabas si Letizia sa ospital ng dumalaw ang kanyang ina kasama si Candice sa kanilang bahay. Tatlong araw na ring walang kibo si Letizia. Palagi lang itong nakakulong sa silid nila at umiiyak. Malaki na ang ipinayat nito at nababahala na siya. Hindi rin naman siya nito kinakausap kahit anong gawin niya. But, he will never give up! Kaya naisipan niyang tawagan ang ina. Ipinaalam niya dito ang nangyari kay Letizia at kinabukasan din ay dinalaw sila nito. Nagbabakasakali si Antonio na baka makikinig ang asawa kung ang mama niya ang kumausap dito. “She’s on our room. Hindi siya lumalabas doon mula ng iuwi ko siya dito,” mahina ang tinig na wika niya. Laglag ang mga balikat na hinayon niya ng mga mata kung nasaan ang asawa. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Consuelo pagkatapos ay hinawakan siya sa kamay. “Don’t worry, Antonio. Maaayos din ang lahat,” anito sa kanya. Nadudurog ang puso nito sa nakikitang anyo ng anak. Antonio looked so haggard. Nangangalumata ito at humpak ang mga pisngi. Nakalimutan na rin nitong mag-ahit at humahaba na ang bigote at balbas nito. Malungkot na tiningnan ni Antonio ang ina. “I hope so, Mama… Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si Letizia sa buhay ko,” pag-amin niya dito. Bahagya namang napangiti si Consuelo. “I’m sure hindi iyon gagawin ni Letizia. Mabait ang asawa mo. Pasasaan ba at mapapatawad ka rin niya. You just need to wait. Hindi mo naman siya pwedeng madaliin, dahil malaki ang nawala sa kanya… sa inyo… Just let her be.” Mahinahong wika nito. “Salamat, Mama.” Aniya at tumingin sa kawalan kasunod ng isang buntong-hininga. “This is all my fault. At kahit araw-araw pa akong humingi ng tawad sa kanya, gagawin ko. Mapatawad niya lang ako sa mga kasalanan ko.” “That’s right, hijo. But for now… leave her to us,” anito sabay ngiti at sinulyapan si Candice na nakaupo sa pang-isahang sofa. Ngumiti din ito sa kanya. “Thanks,” aniya sa hipag. “No worries Antonio. It’s time to pay you back,” makahulugang wika ni Candice sa kanya. Tumango siya dito. Alam niyang ang tinutukoy nito ay ang dalawang beses na pagkakaligtas niya dito. “Sige na, Antonio. Kami na ni Candice ang bahala dito. Alam kong marami kang inaasikaso ngayon sa opisina. Letizia is in good hands, don’t worry.” Pagtataboy nito sa kanya. “And please fixed yourself. You looked like a hermit. Baka hindi ka na makilala ng mga empleyado natins a anyo mong yan,” dagdag na biro pa nito. Mapait siyang ngumiti dito. Pagkatapos ay mabigat ang pakiramdam na tumayo na siya at nagpaalam sa dalawang babae. Nilingon muna niya ang silid nila ni Letizia bago tuluyang pumasok sa trabaho. Chapter 13 “Letizia… hija, can I come in?” narinig ni Letizia na tawag sa kanya ng isang may edad na babae sa labas ng pintuan ng silid nilang mag-asawa. Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa madilim na kawalan. Hindi niya pinag-aaksayahang buksan ang mga bintana o kahit na ilaw man lang sa silid nila. Mas gusto niya ang ganoong paligid. Hindi nakikita ang pag-iyak niya at mas lalong hindi niya nakikita ang asawa. Hindi naman siya nakakarinig ng reklamo mula kay Antonio, dahil alam niyang naiintindihan nito ang pinagdadaanan niya. This is her life now. Palaging nasa kwarto, nakahiga at umiiyak. Dinadalhan siya doon ng pagkain ni Lupe o di kaya ay ni Antonio, pero bahagya lang niya iyong nagagalaw. Her life stops revolving nang mahuli niya ang asawa at si Sabrina. But, it makes even worsts ng mawala ang sanggol na dinadala niya. She blamed herself for it. Hindi niya naisip ang sanggol sa sinapupunan niya, because she was clouded by jealousy. Ngayon, heto siya… nagnanais na maging manhid ang pakiramdam upang tuluyan ng mawala ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. “Letizia, this is Mama Consuelo… Please open the door,” anang nag-aalalang ginang mula sa labas ng pintuan. Doon tila natauhan si Letizia. Dahan-dahan siyang bumangon, ni hindi na siya nag-abala pang ayusin ang sarili. Pinagbuksan niya ng pituan ang byenan. Pagkakitang-pagkakita niya dito ay nag-uunahan na namang pumatak ang kanyang mga luha. “Oh, hija…” ang hirap na hirap na wika nito sabay yakap sa kanya. Alam niyang kahit ito man ay nasasaktan din sa nakikitang anyo niya. Walang tigil ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Patuloy naman sa paghagod sa kanyang likuran ang byenan. Maging ito man ay umiiyak na rin ng mga sandaling iyon. Matagal sila sa ganoong posisyon ng maramdaman niyang may isa pang kamay na humahaplos sa may braso niya. Paglingon niya sa tabi nila ni Consuelo ay naroon si Candice. Bakas sa mga mata nito ang matinding pag-aalala. “Hush… hija… hush…” narinig niyang wika ng byenan habang patuloy sa paghagod sa kanyang likuran. Dahan-dahan niyang inilayo ang sarili dito. “I’m sorry, Mama. I couldn’t protect our child,” humihikbing sabi niya. “This is all my fault. Mabilis akong nagpadala sa emosyon ko at hindi ko naisip ang kapakanan ng baby namin ni Antonio.” “No, hija… It’s not your fault.” Mariing wika ni Consuelo sabay hawak sa kanyang mga kamay at marahan iyong pinisil. “Please… Huwag mong isisi sa sarili mo ang nangyaring ito. Don’t beat yourself too much. Dahil lahat kami dito ay nag-aalala sa kalagayan mo, especially your husband.” Anito sabay sulyap kay Candice pagkatapos ay muli siyang nilingon. Marahan lang siyang tumango. She didn’t know if Antonio told them everything. Because if he did, alam niyang hindi iyon ito-tolerate ng byenan. But, on a second thought, kilala na niya ang asawa. Alam niyang hindi nito iyon sasabihin just to clean his face in front of his family. “You know what? Mama… Letty… I have a great idea,” ani Candice na makahulugang ngumiti sa kanila. Kunot-noong pinagmasdan nila ni Consuelo ang huli. Nagtatanong ang mga matang pinagmasdan nila ito. “Come…” wika ni Candice sabay hila sa kamay niya pabalik sa loob ng kwarto. Tuloy-tuloy sila sa dressing room at ito na mismo ang naghanap ng mga gamit niya ang start packing-up. “Candice, hija… Anong ginagawa mo?” naguguluhan ng tanong ni Consuelo sa manugang na nakatayo sa likuran nila. “Mama… Letizia needs to be in a new environment to heal. Kaya sasama siya sa atin sa Puerto del Cielo,” sagot nito na tuloy-tuloy lang sa pag-eempake. Nagkatinginan si Letizia at Consuelo. “Are you sure about this?” hindi pa rin kumbinsidong tanong ng matandang babae. Noon tumigil si Candice at hinarap silang dalawa. “Yes, Mama. Trust me,” anito sabay ngiti sa kanilang dalawa. Walang nagawa si Letizia kundi ang sundin ang sinasabi ng bilas. Naligo siya at nagbihis. Mas makabubuti nga sigurong sumama muna siya sa mga ito to clear-up her mind at para makaiwas na rin sa asawa. Dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naalala lang niya ang mga nangyari. Maybe, in Puerto del Cielo, unti-unting maghilom ang sugat sa puso niya. Just like what Candice said. ** “Welcome to Casa Monte Bello, hija.” Nakangiting wika ni Consuelo pagbaba nila ng sasakyan. Iginala niya ang paningin sa paligid then breathe. Minsan na siyang nakarating doon, pero hindi pa rin niya mapigilan ang sariling humanga sa buong lugar. What she saw before cannot be compared on what she was seeing right now. Ang walang hanggang maberdeng paligid ay nagbibigay katahimikan sa magulo niyang isip at kalooban. Ang casa na parang humahalik sa langit ay nakaka-engganyong pagmasdan. Naririnig din niya ang mga huni ng mga ibon sa paligid. And the air… it was so fresh! Pumikit siya and feel the lightly breeze on her cheeks. Bahagya pa siyang nakaramdam ng panlalamig dahil nasa mataas na parte ng lupain ng mga Monte Bello ang casa. She slowy filled her lungs with fresh air. Ah… this is heaven… aniya sa sarili kasabay ng pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi. She felt at peace somehow. “Come… let’s get inside,” narinig niyang wika ni Candice na nagpamulat sa kanya. Sumunod siya sa dalawang babae na nagpatiuna ng lumakad papasok sa mala-kastilyong bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD