"Mayor, dapat ay lagi kayong may dalang pasalubong na pagkain para kay Mayora. Mainam ay laging prutas dahil masustansya at talagang hilig ng mga naglilihi." Payo sa akin ni Pido habang pauwi na kami ng bahay. Napansin siguro ng aking kaibigan at nagsisilbi kong personal driver sa halos ilang taon ko na rin na pagsisilbi bilang Mayot ng Guadalupe. "Sa tingin mo ba? Kung ganun ay ano kayang magandang prutas ang dapat na ipasalubong ko kay Marga?" tanong ko at saka nag-isip na rin. Ngunit sa loob-loob ko naman ay alam kong hindi naman naglilihi ang aking asawa. Kaya natawa na lang ako. "Mayor, masyado ka namang halata na inlove na inlove kay Mayora. Tumatawa kang mag-isa kahit wala namang nakakatawa," sabi pa ni Pido na bahagya akong nilingon ngunit agad na nagbalik muli ang tingin sa k

