Episode 40

2153 Words

"Bakit kaya wala pa po si Papa, Ma?" tanong ni Zandro sabay tingin sa malaking wall clock sa itaas ng pader. Kanina pa dapat nakauwi si Yael pero wala pa siya dito sa bahay magpahanggang ngayon. Hindi ko rin ma contact ang mga cellphone number nilang dalawa ng kanyang personal driver na si Pido. Kanina pa rin kasi hindi mapakali si Mama Cora. Tanong ng tanong kong nakauwi na ba ang asawa ko. Ako naman ay walang masagot sa kanya dahil nga hindi naman tumatawag si Yael para magsabi n male-late siya o may pupuntahan pang iba kaya hindi makakauwi ng tamang oras. Madalas din siyang ginagabi pag-uwi ngunit ngayon lang siya ginabi sa trabaho na hindi nagsabi sa kahit na sinuman na may pupuntahan pa siya. Pinauna ko na ngang kumain ng hapunan sina Zandro at Mama Cora at ako na lang ang sasab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD