"Mabuti na lang at natapos na natin ang project para bukas. Kung hindi ay kailangan na naman nating pumasok ng mas maaga bukas para tapusin," wika ng kaklase kong si Rona na nag-inat-inat pa ng kanyang katawan. Tatlo na lamang kaming magkakaklase na narito sa room namin dahil kanina pa natapos ang ibang grupo sa kanilang project para bukas. Ako, si Rona at si PJ na magkakasama sa isang group project. Silang dalawa ang pinaka close ko sa lahat dahil na rin siguro pare-pareho kaming tahimik at nag-aaral lamang sa aming mga sari-sariling silya. Dito na rin kasi kami gumagawa ng mga dapat ay ginagawa namin sa bahay dahil baka mabasa pa ng ulan dahil panay ang ulan dito sa Guadalupe. "Dapat talaga ay lagi tayong nagtutulungan para sa matapos tayo agad," pagsang-ayon ko sa sinabi ni Rona. S

