"Anak, huminahon na nga muna kayo? Ano ba ang sinasabi niyong dalawa? Paano tayo magkakaintindihan kong hindi kayo pareho na kakalma? At bakit hindi niyo kasama si Zandro? Nasaang kaklase niyo?" mga tanong ko sa dalawang kaklase ni Zandro na humahangos sa sobrang hingal sa paghinga at pinagkakalampag pa ang gate ng mansyon na para bang may kung anong nangyari sa kanila. Kilala ko na sila sa kanilang mga pangalan dahil nga sila ang madalas kasama ng anak ko. Si Rona ang babae na ayon sa anak ko ay mas magaling sa kanya pagdating sa math solving. Habang ang lalaki naman ay si Paul John na PJ ang palayaw. Sa kanilang mga itsura ng una ko silang makita kanina ay kumalat na agad ang buong kilabot sa katawan ko lalo pa at paulit-ulit nilang sinasambit ang pangalan ni Zandro. Pinaupo na muna

