Hindi ko alam kung paano ako nakatulog pero pagka gising ko ay nakita kong nasa tabi ko si Yael. Nakaupo lang sa tabi ko na parang binabantayan lamang ako. Dahil nga siguro sa pagod ng katawan at pagod ng isip ay hindi ko namalayan na tuluyan na akong ginapi ng antok. Wala akong dalang relo kaya hindi ko alam kung anong oras na. Hindi mo naman kasi makita ng lubusan ang kalangitan dito sa loob ng kagubatan sapagkat marami ang mga nagtataasang mga puno. "Si Zandro!" bulalas ko sa isip ko at saka napabalikwas sa pagkakahiga. Ngunit bigla akong nahilo sa biglaan kong pagbangon kaya naman napahawak agad ako sa aking ulo. "Mag dahan-dahan ka naman kasi sa pagkilos mo. Matulog ka pa para makapag pahinga ka ng mabuti." May halong pag-aalala sa tinig ni Yael na inayos pa ang mahabang tela na

