"Marga!" Pareho pa kaming bahagyang nagulat nina Zandro at Mama Cora ng marinig ang dumadagundong na boses ni Yael na mukhang nakauwi na pagkatapos mag rescue ng aming mga kababayan. Kanina pa ako naihatid ni Pido ngunit sa dito ako bumaba sa bahay ng mga Buenavista para kamustahin ang kalagayan ng anak ko at ng akong biyenan na babae. "Yael, ano at kararating mo lang ay para ka ng siga na naghahanap ng gulo? Pwede mo namang hanapin ang asawa mo ngunit sumigaw ka pa." Sermon ng Mama ni Yael sa kanya. Agad naman sumalubong si Zandro sa kanyang bagong dating na ama para magmano. "Wala naman ba kayong naging problema dito, Zandro?" usisa niya. "Wala naman po, Pa. Kami nga po ni Lola ang nag-aalala sa inyo ni Mama dahil kayo ang abala sa pagsulong sa labas kahit malakas ang ulan at hangi

