Gising ako buong magdamag at talagang pinag-isipan ang mga dapat na maging kondisyon sa pagiging mag-asawa namin ni Mayor Yael Buenavista. Hinimay ko ng mabuti ang mga sapagkat kung tutuusin ay hindi naman kami magpapakasal ng dahil sa mahal namin ang isa't-isa kung hindi dahil may kailangan siya sa akin at sa anak ko. Hindi ako papayag na magpasakop sa kanya at ako ang dapat niyang sundin kung nais niyang mabuhay ng matagal ang kanyang mahal na mahal na ina. Dalawa lang din ang anak ni Señora Cora. Si Yael ang panganay na anak nila ni Señor Martin. At ang bunso ay isa ring lalaki na noong panahon na iyon ay nag-aaral sa ibang bansa at madalang lang umuwi ng Guadalupe. Gaya ng kung anong pagmamahal meron ako sa pamilya ko ay ganun din ang pagmamahal ni Yael sa kanyang mga magulang. H

