"Osmualdo! Mabuti pa ay sumuko ka na!" malakas kong sigaw ng makita na ang taong mabilis na tumatakbo habang tumatakas sa kamay ng batas. Sumalisi siya habang ang lahat ay nagkakagulo sa loob at sa labas ng kanyang bakuran. Nakita ko siyang maingat na lumabas sa isang pinto sa gilid ng kanyang bakuran. Ang buong akala niya ay walang makakapansin sa kanya dahil nga nagkakagulo. Ang hindi niya alam ay narito lang ako at ang dalawang kasama kong pulis dahil hindi talaga ako pinayagan ng kapitan na sumama sa loob at sumama sa panghuhuli ng mga kriminal. Ngunit heto ang pinuno. Tumatakas mag-isa at walang kahit na sinong kasama. Pinaputukan na siya ng isa sa mga kasama ko ngunit hindi siya napuruhan. At mas mabilis na tumakbo sa kakahuyan. Ngunit kung inaakala niya na makakatakas siya

