Episode 52

2241 Words

"Mayora, kailangan na po nating ilipat sa mas malaking ospital si Mayor Yael para sa agarang operasyon." Halos hindi ako makahinga sa narinig ko ang isang masamang balita. May tumawag sa akin kaninang madaling araw at ibinalita nga na masamang nangyari kay Yael. Tinamaan daw siya ng bala ng baril malapit sa kanyang puso kaya naman sobrang selan ng kanyang kalagayan ngayon. Ayon sa pulis na nakausap ko ay mismong si Osmualdo ang bumaril kay Yael. Si Osmualdo na napatunayan ng isang kriminal. Isang kriminal na ginawang kublihan ang bayan ng Guadalupe upang itago ang kanyang mga ilegal na mga gawain. Ngayon ay wala na siyang takas sa kamay ng batas. Nakuha na sa bahay niya ang matitibay na ebidensya laban sa kanya at magdidiin sa kanya. Mataas na gramo ng mga ipinagbabawal na gamot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD