Episode 5

1001 Words
Pinunasan ko ang butil-butil na pawis na namuo sa aking noo. Narito ako ngayon sa harap ng bakuran ng aming munting tahanan ni Zandro. Luma na at halatang napag-iwanan na ng panahon ngunit pwede pa naman tirahan. Nagbubunot kami ng matataas na damo sa harap ng bakuran ng aking anak. Balak kong magtanim agad ng mga gulay na namumunga upang kahit paano ay may pantawid gutom kaming mag-ina sa oras ng pangangailangan at pwede rin na pagkakitaan. "Ma, malayo po ba ang school dito?" tanong ng anak ko habang pinagmamasdan ang aming paligid. Malamang na sobrang naninibago si Zandro. Malayong-malayo ang kapaligiran namin sa nakasanayan niya. Galing kami sa magulo, masikip, halo-halong mga hindi kanais-nais na amoy at maraming tao na nagiging dahilan ng kaliwa't-kanan na ingay. May mga nag-aaway, may mga sumisigaw at meron din naman na nag-umpukan sa kung saan para pag-usapan ang buhay ng may buhay. Hindi gaya ng paligid na pinagmamasdan niya ngayon. Tahimik at bukod tanging huni ng mga ibon at kulisap ang siyang naririnig na sinasabayan ang mabining pag-ihip ng hangin. "Hindi naman, anak. Diretsuhin mo lang ulit ang daan na ito ay makikita mo na ang magkatabing eskwelahan ng elementarya at ng high school. Ngunit hindi ako nakakatiyak kung doon pa rin ba sila o baka inilipat na." Gusto talaga ng anak ko ang pumasok agad ng school. Wala naman talagang nagbibigay buhay sa anak ko kung hindi ang mga leksyon niya na pinag-aaralan. "Kaya ko naman sigurong maglakad mag-isa, Ma. At saka siguro naman ay magkakaroon din ako ng mga kaibigan." Positibong komento ng anak ko at nakatingin sa diretsong daan na itinuro ko habang nakangiti. "Baka nga pagkaguluhan ka ng mga schoolmates mo kapag nagkataon. Bukod sa may bago silang kaklase ay super gwapo at matalino pa," saad ko sa anak ko. Pasado ala-sais pa lang ng umaga kaya maaga pa para magpunta kami sa school kung ko siya ipapa-enroll. Ngunit kagabi pa lang ay ready na si Zandro. Nakahanda na ang lahat ng kanyang gamit sa eskwelahan na binili niya pa sa lungsod gamit ang inipon niyang pera na kanyang tinatabi kapag binibigyan ko siya ng baon. Maya-maya nga ay gumayak na kaming mag-ina para magpunta sa eskwelahan. Gaya kahapon ng dumating kami ay pinagtitinginan din kami ng mga tao sa paligid lalo na ng mga kasabayan naming mga naglalakad na estudyante tungo sa paaralan. Kanya-kanya silang bulungan habang nakatingin sa amin ni Zandro na nakayuko lamang ang tipid lamang na ngumingiti kapag lumilingon sa akin. "Huwag kang mahihiya anak. Ipakita mo sa mga magiging bago mong mga kaklase at mga guro kung gaano ka katalino." Pagpapalakas ko sa loob ng anak ko na hindi sanay sa ganitong atensyon na binibigay sa amin ngayon. "Ma, sana ngayon lang nila ako pagtitinginan. Nakakailang na kasi," mahinang bulong ni Zandro at saka yumukong muli. "Paano nga kasi ay ngayon lang sila nakakita ng gwapong estudyante. Kaya masanay ka na, anak." Biro kong bulong sa anak ko. Pagdating sa paaralan ng high school ay namangha na rin ako sa nakitang malaking pagbabago. Dati kasi ay ilan lamang ang mga classroom ngunit ngayon ay marami na at hindi ko na mabilang. May covered court na rin at nakabubong pa. Tamang-tama para hindi na mainitan ang mga bata sa tuwing magkakaroon ng program ang paaralan. Kung dati ay walang bakuran ang paaralan ngunit ngayon ay may guwardiya ng nakatalaga sa gate at tagabantay ng mga papasok at lalabas. Diretso kami ng anak ko sa faculty ng paaralan kung saan kami tinuro nf guard na magpunta para nga mag-enroll. Mabuti na lamang at tumatanggap pa rin sila kahit medyo late kami ng isang linggo ni Zandro. "Good morning po, mga Ma'am at mga Sir." Pagbati ko sa mga taong nabungaran namin sa loob ng faculty room. "Good morning din naman, Ma'am." Pabalik na pagbati rin naman nila sa akin. "Magtatanong lang po ako kung pwede ko ho bang i-enroll itong anak ko?" tanong ko sabay akbay sa aking anak. May babaeng guro ang lumapit sa akin at saka nagtanong ng tungkol kay Zandro. Mabuti na lang at dala ko na ang lahat na kailangan ng anak ko. Ang card at ang form-137 at xerox ng kanyang birth certificate. "Welcome sa bago mong school, Zandro. Paano, anak? Maiwan na muna kita o dapat kitang hintayin hanggang lunch?" biro kong tanong sa naninibago kong anak. Umiling naman si Zandro at saka alanganin na ngumiti. "Kaya ko na po, Ma. Goodluck din po sa paghahanap niyo ng trabaho." Tugon ni Zandro. Hinintay ko na muna siyang makapasok sa bago niyang classroom at ilang saglit ko pa siyang pinagmamasdan habang ipinapakilala siya ng kanyang class adviser sa kanyang mga kaklase bago pa ako nagdesisyon na umalis na at iwan na siya. Alam kong kayang-kaya ng anak ko makibagay sa ibang tao kahit ngayon niya pa lamang mga nakasama. Sa ngayon ay kailangan kong humanap ng pagkakakitaan kaya naman lalakad ako patungo sa palengke at maghahanap ng trabaho. Nakakapanibago nga. Wala ako sa magulong mundo ng lungsod na lahat yata ng tao ay nagmamadali sa kani-kanilang pupuntahan. Mainit na ang sikat ng araw ngunit hindi ko kailangan gumamit ng payong dahil sa naglalakihang mga puno na nagbibigay lilim sa aspaltong daan na dati rati ay maputik kapag tag-ulan. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag narito ka na sa lugar kung saan ka pinanganak. Kung saan ka lumaki at nagkaisip. Hindi ko maintindihan kung ano ang pakiramdam ko ngunit isa lang ang natitiyak ko. Malayo na kami ng anak ko sa taong humahabol sa amin na siyang dahilan kung bakit hindi kami nanatili sa isang lugar. Kailangan kong itagonsi Zandro at protektahan. Kung itong bayan ng Guadalupe ang magbibigay sa amin mag-ina ng tunay na katahimikan ay dito na nga lang kami. Kahit pa sa labag sa kalooban ko ang muling tumapak sa lugar na ito. Kahit pa ang pamilyar na tanawin dito ay nagdudulot sa akin ng pinong sakit sa aking dibdib ay hahayaan ko na lamang para sa anak ko. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD