Kahit anong pilit sa akin ni Mama Cora na magtungo raw kami sa ospital para mapa-tingnan kung okay lang ba ang kalagayan ko at ng ipinagbubuntis ko ay hindi niya talaga ako napilit. Na hindi naman talaga ako papipilit dahil alam kong wala naman na dapat ipag alala dahil hindi naman talaga ako buntis. "Grabe talaga ang mag-inang yon! Ewan ko ba at kung bakit kahit napapahiya na sila sa karamihan ay hindi pa rin sila mga nadadala. Akala yata nila ay madadaan pa nila ako sa mga paawa at pa santa nilang mga arte. Minsan na nila ako nabulag ng kanilang mga pagkukunwari kaya hinding-hindi na nila ako mauuto kailanman." Hanggang sa pag-uwi namin sa bahay ay dala-dala pa rin ng akong biyenan ang inis kina Katherine at Korina. "Huminahon na po kaya, Ma. Kayo ang inaalala ko at baka tumaas ang b

