Walang pasok si Zandro sa araw na ito kaya naman isinama ko siya sa palengke para na rin hindi naman masyadong nakasubsob ang bata sa pag-aaral. Gusto niya sanang maiwan mag-isa ngunit iginiit ko na nais ko siyang isama para naman maiba ang ginagawa niya. "Ay! Kay gandang lalaki naman pala nitong anak mo, Marga!" bulalas ni Aling Juana na sa unang pagkakataon ay nakita ang anak kong namumula na ang mukha dahil sa lakas ng boses ng aking matandang amo. "Nagtataka ka pa kung kanino magmamana ang bata gayong kay ganda at gwapo ng mga magulang," ani naman ng isang customer na kumakain na ng almusal. Ako naman ay naghahanda ng mga ulam at kanin na ilalako ko sa loob ng munisipyo. Sa totoo lang, sa halos ilang linggo ko na pagtitinda sa gusaling iyon ay kahit kailan ay hindi pa kami nagkita

