Hindi naging kaila sa akin na lalong umugong ang usap-usapan tungkol sa anak kong si Zandro at sa kung anong posibleng relasyon niya sa Mayor ng bayan ng Guadalupe. Hindi na rin ako magtataka kung isang araw ay tumapat sa bahay ko ang mga Buenavista. Wala akong sasabihin o aaminin. Hindi mahalaga kung ano ang totoo dahil wala naman akong ibang gusto kung hindi ang mabuhay ng malaya at walang pinagtataguan. Bahala sila sa kung ano ang kanilang mga iniisip. Basta magkasama kami ni Zandro ay wala na akong hihilingin pa. Akalain ko ba na ang bayan na ayaw ko ng balikan pang muli ay ang lugar pa rin na aking uuwian para makapagpahinga ang pagal kong katawan at isipan. Hindi ganun kalakas ang kinikita ko sa araw-araw ngunit nakapagtataka na hindi kinakapos ni Zandro. Nakakabayad ako ng bi

