Namumunga na ang mga halamang gulay na itinanim namin ng anak ko sa loob at sa labas ng bakuran. Kay gandang pagmasdan sa totoo lang. Masaya sa pakiramdam na sa wakas ay nagkaroon na ng bunga ang pinaghirapan namin ni Zandro. Noong dumating kami dito ay halos araw-araw kaming nagtatabas ng malalaking damo para mapagtamnan. At heto nga, nagkaroon na ng resulta ang ginawa namin ng anak ko. "Ma, ang daming bunga ng mga kamatis. Naalala niyo po ba noong bumili tayo ng isang pirasong kamatis sa lungsod na nagkakahalaga ng sampung piso? Muntik na po kayong makipag-away sa tindera kung hindi ko lang po kayo pinigilan. Samantalang po dito ay kahit saan po yata na lugar ay may nakatanim na kamatis," saad ni Zandro na namamangha sa pag-usbong ng mga maliliit na bilog at kulay berdeng bunga ng ka

