Natigilan man ako sa kanyang biglaan na pagpapakita ay agad ko rin namang nahamig ang sarili ko. Tulad ng sabi ko, inaasahan ko na isang araw ay makikita ko siya sa harap ng bahay o kaya naman ay kakatok siya sa pinto. Kagalang-galang ang kanyang itsura sa kanyang suot na puting polo at itim na slacks at makinis na black shoes. Mayor na mayor ang dating. Mataman lamang siyang nakatingin sa akin ngunit hindi ko mabasa kung ano ang emosyon o reaksyon ang makikita sa kanyang mga mata. Lumakad na ako palabas ng bakuran at patungo na rin sa isang panauhing pandangal. Habang papalapit ako ng papalapit ay lalong nagiging malinaw sa akin ang itsura ni Yael. Gwapo pa rin. At mas bagay ang matured na awra niya ngayon dahil mas lalo siyang naging gwapo kung tutuusin. Malamlam ang mga mata na

