Ngunit sa halip na sundin ang sinabi ko ay bumaling lang si Yael sa anak kong si Zandro. "Mukhang ayaw ng Mama na makilala mo ako, Zandro. Bakit kaya? Bakit ayaw niya yatang makilala mo ang tatay mo?" Pigil ang emosyon ko na huwag magalit at manakit. Hindi ko alam kung ano ang intensyon ni Yael kung bakit sinasabi ngayon sa harap mismo ng anak ko ang kanyang mga binitawan na mga salita. "Kung ganun po ay kayo ba ang aking Papa? Hindi ko po alam kung ano ang dahilan ni Mama kung bakit mukhang ayaw niya nga po na ipakilala kaya sa akin o kilalanin po kita bilang ama ko. Ngunit naniniwala po ko na may magandang paliwanag si Mama kung bakit." Ang mahinahon na paliwanag ni Zandro. Ngumiti si Yael sa sinabi ng aking anak at saka niya tinapik-tapik ang kanang balikat ng anak ko. "Kung anak

