"Ate!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Napangiti ako ng makita kung sino ang tumawag sa akin ng ate. Pakiramdam ko nga ay kay tagal kong hindi narinig ang kanyang pagtawag kaya tila sabik kong sinalubong ang bunso kong kapatid na si Ynez. Niyakap ko siya na para bang ngayon na lamang kami ulit nagkita gayong araw-araw naman kaming magkasama sa bahay. Basta ganun ang naramdaman ko sa mga sandaling ito. "Ate, kamusta ka na?" tanong ng nakababata kong kapatid na labis ko naman ipinagtaka. Bakit nangangamusta siya samantalang hindi naman kami nagkakalayo? Kunot ang noo akong napatingin sa maganda niyang mukha. "Okay naman ako. Bakit mo naman ako kinakamusta samantalang araw-araw naman tayong magkasama?" untag ko. Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ng kapatid ko. Napalitan

