Malakas pagbuhos ng ulan nitong mga nakaraang araw dala ng malakas na bagyo na tumama sa bansa. Halos walang makalabas ng kani-kanilang tahanan at walang makapgtrabaho para sa pang-araw-araw na pangangailangan gay ng pagkain. Bilang Mayor ng bayad ay kailangan maghatid ng tulong si Yael sa kanyang mga nasasakupan at sa kanyang pagbibigay tulong ay dapat lang na kasama ako bilang kanyang may bahay. ."Totoo po pala ang balita na nag-asawa na nga si Mayor, ano?" dinig kong bulungan ng mga kababaihang nakapila para abutan ng konting tulong. Sampung kilong bigas na may kasamang mga delata, noodles, instant coffee ang tulong-tulong na ipinamamahagi ng grupo ng LGU kasama na ako. Hindi na ako magtataka na alam na ng lahat ang tungkol sa biglaan na pagpapakasal ng kanilang mahal na mahal na m

