ALEXANDRIA Mabilis na lumipas ang mga araw. Malapit na rin akong mag-isang buwan. Kinasanayan ko na rin ang paiba-ibang mood ni Gregg. May pagkakataon na maayos ang pakikitungo niya at sweet sa akin. Ngunit ipinapakita lamang niya iyon kapag kami lang na dalawa. Para sa akin ay walang malisya iyon. May mga naging pasyente na rin ako na sweet sa akin sa tuwing kasama ako. Ang isang mood na talagang madalas naming hindi mapagkasunduan ay nagagalit siya lalo na kapag nakikita niyang lumalapit ako kay Jestoni. Minsan pa nga ay natawa ako nang sinabi niya na lumapit lamang ako kay Jestoni kapag alam kong hindi niya nakikita. Nagalit siya dahil tinawanan ko lamang siya. Tinanong ko siya kung ano ang rason at ayaw niya akong palapitin kay Jestoni pero iniiba lang niya ang usapan o kaya ay tuma

