UNKNOWN "So, what is your update? May progress na ba sa pinapagawa ko sa 'yo?" malamig kung tanong sa kausap ko sa kabilang linya. "S-sir, pasensya na po. M-medyo mailap po si Sir Gregg. Hindi ko po siya malapitan," utal na paliwanag nito. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niyang iyon. "What the hell? Ang tagal ko ng pinapatrabaho iyan sa 'yo pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin ibang rason na binibigay sa 'kin kung 'di ang mailap siya. So, what are you trying to do now, huh? Baka naman gusto mo na may mabawasan na sa pamilya mo?!" pagbabanta ko rito. "Sir, ginagawa ko naman po ang makakaya ko. P-please, maawa kayo sa pamilya ko," pagmamakaawa nito sa akin. Marahas akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at kinuyom ang kamao ko. Isa sa pinakaayaw ko ay ang hindi sinusunod

