ALEXANDRIA Nagising ako na may nag-uusap malapit sa kinaroroonan ko. Pagmulat ko ng mata ay puting kisame ang nakita ko. Bahagya akong kumilos. Nang gawin ko iyon ay agad na bumungad sa akin ang nag-aalala na si Manang Trining. "Manang, ano po ang ginagawa n'yo rito? Nasaan po ba ako?" tanong ko saka marahang bumangon ngunit pinigilan ako nito. "Huwag ka munang bumangon." "Ano po ba ang nangyari?" Inikot ko ang paningin sa kinaroroonan ko. Nagsalubong ang kilay ko ng mapagtanto ko kung nasaan ako. "Nasa ospital po ako? Bakit?" nagugulumihanang tanong ko. "Nawalan ka ng malay ng muntik ka nang masagasaan. Diyos ko na bata ka, ano ba ang pumasok sa isip mo at hindi mo na nagawang umalis doon sa gitna? Paano kung wala si Gomer? Baka hindi ka namin dito pinuntahan kung 'di sa morgue

