Chapter 17

2705 Words

ALEXANDRIA Hinintay ko siyang sumagot. Para akong naghihintay sa hatol ng isang husgado. Pero dahil sobra na ang kaba ko ay parang hindi ko na yata kayang hintayin ang sagot niya. "Huwag n'yo ng sagutin Sir Gregg," maagap kong wika ng akma nitong ibubuka ang bibig para magsalita. "Alam kong hindi ako ang tipo ninyo. Anyway, hindi rin ikaw ang tipo ko. Huwag kang assuming Sir Gregg dahil kahit magunaw ang mundo at hindi pa ako nakatikim ng putahe ni adan, hindi ko kayo papatulan. Kapag ikaw ang nakatuluyan ko, tiyak na maaga akong tatanda dahil sa kasungitan at pagiging mainitin ng ulo n'yo. 'Yon lang, bye. Kakain na ako dahil nagugutom na ako." Pagkatapos ko iyon sabihin ay nagmamadali ko itong tinalikuran saka bumaba ng hagdan. Nang nasa ibaba na ako ay para akong naghahabol ng hini

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD