GREGG Nakakailang buntong-hininga na ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni Lexa. Nagdadalawang-isip ako kung kakatok ba ako o hindi. Baka kasi tulog pa siya o umalis siya ng maaga tulad ng araw ng off niya. Gusto ko pa rin siya kumbinsihin na sumama sa akin sa pagdalaw kay papa. Baka kasi sakaling magbago ang isip niya at gusto na pala niyang sumama. I do not know what good spirit entered my body to make her a different effect on my being. Since I found out that she was Alfie's sister, I promised myself that I would take care of her and protect her as I promised to her brother. Ibinilin siya sa akin ni Alfie bago ako lumabas ng kulungan. Pero hindi ko na iyon nagawa ng dalawang araw pa lamang akong nakakalaya ay nabunggo naman ang kotse na minamaneho ko. Tatlong buwan akong na-coma

