GREGG "I couldn't believe what I found out but I am happy that she was L. Should I remind her that we've known each other since we were kids, 'pa?" puno ng excitement na sabi ko. At habang sinasabi ko iyon ay wala akong kurap na nakatitig sa kanya. Lumawak ang pagkakangiti ko ng binuka niya ang kaniyang bibig at nagsalita na tanging siya lamang ang makakarinig. She said, why? Gusto ko matawa sa tanong niyang iyon. Wala siyang kaalam-alam na siya ang pinag-uusapan naming dalawa. "Are you in love with her, son?" Agad kong binalingan si papa ng sinabi niya iyon. "Are you f*****g serious, 'pa? Of course not!" mariing tanggi ko saka nag-iwas ng tingin. Pagkatapos ko iyon sabihin ay malutong siyang tumawa. "Hindi mo naman kailangan maging defensive, anak. Don't worry, if you like

