Chapter 11

2151 Words
ALEXANDRIA Tulala lamang akong nakatingin sa ginagawa ni Ate Rhea. Binabalot nito ng wrapper ang siling haba. "Kumakain ka ba nito, ganda?" pukaw na tanong nito sa akin. "Hindi po," wala kong ganang sagot. Hindi ako kumakain pero alam ko ang tawag sa ganitong pagkain. Tumawa ito dahilan para sulyapan ko siya. Salubong ang kilay na tiningnan ko lamang ang pagtawa niya. "Sorry, natatawa lang ako sa ikinilos ni Sir Gregg kanina. Kakaiba talaga ang amo nating iyon, ang bilis magbago ng mood. Pagkatapos n'yo ba naman magtitigan, sinigawan ka," anito at muling tumawa. Alanganin na lamang akong ngumiti rito. Simula ng matapos ang session namin kanina at pumunta na siya ng silid niya ay hindi ko na siya nilapitan. Tutal, tapos na rin ang session namin sa umaga. Mamayang hapon na lang ulit ako magpapakita sa kanya kapag sisimulan na ulit namin ang ehersisyo sa binti niya. iyon ay kung gusto pa niya. Kung ayaw naman niya ay hindi ko siya pipilitin dahil baka magtalo lang kami. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nagpapakita sa kanya. Baka kasi masigawan na naman ako at hindi na ako makapagtimpi na sagutin siya. "Masarap po ba iyan?" pag-iiba ko sa usapan. "Oo naman, masarap ito. Tikman mo at tiyak na hahanap-hanapin mo." "Pwede ko na tikman?" Tumawa si Ate Rhea pagkatapos ko iyon sabihin. "Andria, lutang ka ba? Hindi pa ito luto. Kailangan pa itong i-prito para maluto ang sili at wrapper," natatawang paliwanag nito. Hindi ko napigilan ang magpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Kapag kumain ba ako niyan ay iinit din ang ulo ko?" wala sa loob na tanong ko. "Iniisip mo ba ang pag-iiba ng ugali ni Sir Gregg?" Ngumuso ako at nakapangalumbabang tinitigan ang mga binalot na ng wrapper sa plato. "Ang pangit ka-bonding ng amo n'yo, Ate Rhea. Ilang linggo na rin ako rito pero hindi ko pa rin makuha ang ugali niya. Ayaw ko ma-stress pero kapag ang katulad niya ang kaharap ko, maaga akong masisiraan ng ulo," reklamo ko at saka nanggigigil na kinuyom ang aking kamao. Muli namang tumawa ang kaharap ko na abala pa rin sa ginagawa. Hindi ito sumagot bagkus ay nagpatuloy na lamang sa pagbabalot ng siling haba. "Kapag pinakain ko ba iyang dynamite na iyan kay Sir Gregg, sasabog kaya ang ulo niya?" muling kumawala sa bibig ko. Muli kong narinig na tumawa si Ate Rhea. "Subukan mo mamaya. Kapag uminit ang ulo, ibig sabihin, effective ang pangalan ng pagkain na 'to," sang-ayon nito. "Hoy, Rhea, huwag mo ngang sulsolan iyang si Andria," sita ni manang rito ng pumasok sa kusina. "Hindi kumakain si Gregg ng dynamite, hija." Baling naman sa akin ni manang. Tumango-tango na lamang ako sa sinabi ni manang. Wala rin naman akong balak na ipakain sa kaniya iyan. Baka mas lalo lang dumagdag ang init ng ulo ng lalaking iyon dahil sa sili. Ilang minuto pa akong nanatili sa kusina. Dahil wala naman akong ginagawa ay minabuti ko na lamang ang pumanhik sa silid ko. Ngunit hindi pa man ako nakakapasok ay narinig ko ang malutong na pagmumura ni Gregg sa loob na kuwarto nito. Lumapit ako at nakita ko na nakaawang ang pintuan nito. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid ko kung may tao ngunit wala naman akong nakita. Abala ang mga kasama ko sa bahay kaya hindi nila ako mapapansin na nakikinig sa usapan kung sino man ang kausap nito. "What the hell, Tope? How many times do I have to tell you to stop that f*****g operation pero tinuloy mo pa rin. Itigil mo na 'yan or else, kalilimutan kong naging kaibigan kita!" asik nito sa kusap. Operation? Ano'ng operation ang tinutukoy niya? Hindi kaya sindikato din siya dati at nagpupuslit ng droga sa bansa? Dahil sa kuryusidad ko ay mas nilakihan ko pa ang awang ng pintuan. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at nagtatagisan ang bagang. Madilim ang mukha habang nakikinig sa kausap niya sa cellphone base na rin sa ilang segundong pananahimik niya. "Spy? Who's spy?" tila hindi makapaniwalang tanong nito sa kausap. Ngayon naman ay spy ang pinag-uusapan nila. Ano pa kaya ang mga lihim na mayroon si Gregg na hindi ko pa alam? "If there's spy, you better watch your back. Hindi lang ako ang nakulong, Tope. Kaya kung ako sa 'yo, itigil n'yo na iyang ginagawa n'yo dahil tiyak na kulungan na naman ang bagsak n'yo. Ayaw mo naman sigurong bumalik sa kulungan, hindi ba?" Nanlaki ang mata ko at natutop ang bibig ng pagkatapos niya iyon sabihin ay awtomatikong gumawi ang tingin niya sa pintuan kung saan ako nakasilip. Nagmamadali naman akong umalis at pumasok sa aking kuwarto. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito sa sobrang kaba. Para akong magnanakaw na muntik ng mahuli ng may-ari ng bahay. Nanginginig ang katawan na naupo ako sa kama. Hindi pa man nag-iinit ang pang-upo ko ay may kumatok na sa pintuan ng kuwarto. Hindi na ako nag-isip at agad ko ng pinagbuksan ang nasa labas ng pintuan. Hindi naman agad ako nakagalaw ng makita ko ang seryoso niyang mukha sa harap ko. "B-bakit?" patay malisya kong tanong. Kakahupa lang ng kaba ko sa dibdib pero heto na naman at nagsisimula na namang mag-unahan sa kaba. Nilakihan niya ang awang ng pintuan at pumasok siya sa kuwarto na hindi inaalis ang tingin sa akin. "Are you spying on me?" mahina lamang ang pagkakasabi niya ngunit may diin. Hindi agad ako nakapagsalita sa tanong niya dahil may katotohanan ang sinabi niya. Pero hindi ko naman sinasadya na marinig ang pag-uusap nila. Nagmura kasi siya kaya na-curious ako makinig. "Spying on you? Paano mo nasabing spy ako? Bakit, may ginagawa ka bang hindi maganda?" tanong ko rito habang paatras ako ng paatras dahil palapit naman siya ng palapit sa akin. "Don't try me, Alexandria. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag may ginawa kang hindi maganda," pagbabanta niya sa akin. "Bakit? Sasaktan mo rin ako tulad ng babaeng muntik mo ng mapatay?" hindi napigilang lumabas sa bibig ko. Huli na para bawiin. Nagtagisan ang panga niya at nagdilim ang mukha. Kapag-kuwa'y sumilay ang isang ngisi. "I can do that, Lexa. Pero bago kita saktan, ipapalasap ko muna sa 'yo ang hindi mo pa natitikman," nakangising sabi nito. Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya. Nagawa na niyang manakit ng babae dati. Posible rin na ulitin pa niya iyon muli. Baka nga hindi pa niya kayang magbago. Baka nagkamali ako na kaya niyang magbago. Ang masaklap, hindi lang pagpapahirap ang gagawin niya sa akin kung tama ang pagkakaintindi ko sa huli niyang sinabi. "K-kaya mo ba talaga akong saktan?" lakas loob kong tanong kahit napuno ako ng kaba sa huli niyang sinabi. Unti-unti na ring nag-iinit ang mata ko. Hindi ko lubos maisip na maririnig ko mula sa kanya na kaya niya akong saktan. Ano naman ang magagawa ng isang tulad ko. Babae lang ako at nasa pamamahay pa niya ako. Kahit ano'ng oras ay maaari niyang gawin ang nais niya sa 'kin. Dapat na ba akong umalis mamayang gabi para takasan siya? Mas mainam na advance ako mag-isip dahil baka hindi na ako sikatan ng araw. Hindi bale ng hindi ko tapusin ang trabaho ko at hindi ko na makuha ang sahod ko. Ang mahalaga pa rin ay ang kaligtasan ko. Mahal ko ang buhay ko at hindi ko hahayaan na mamamatay lang ako ng walang saysay. Hindi ko pa naranasan ang mag-boyfriend. Gusto ko rin naman maranasan iyon kahit busy ako sa trabaho ko. "Why not? Therapist lang kita. Kaya kong bayaran ang lahat, Lexa. Pwede kong ipalabas na nagnakaw ka o kaya pinagtangkaan mo ang buhay ko dahil galit ka sa ex-convict na katulad ko," sagot nito sa tanong ko na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. Pero napag-isip-isip ko na dapat hindi ako matakot sa kanya. Baka sinusubukan lang niya ako kung hanggang saan ang kaya ko. Nakaya ko nga siyang sagutin kahit pasyente ko siya, ngayon pa kaya na dahil lang sa narinig ko ay matatakot na ako sa pagbabanta niya. Hindi ako natatakot sa kanya. Tumuwid ako ng tayo at tinaasan ko siya ng isang kilay. "Teka nga, bakit mo ba iniisip na spy ako? Ano ba ang pumasok sa kukote mo para isipin iyan?" sa wakas ay tanong ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tila natigilan ito sa binitiwan kong salita. Nagsalubong ang kilay niya pagkatapos ko iyon sabihin. Pinakatitigan niya ako na tila sinusuri ang pagkatao ko. "Because you're planning to put a dynamite in my house, god damn it! Now tell me, paano ko hindi iisipin na hindi ka spy kung maririnig ko mismo sa bibig mo na magtatanin ka ng dinamita sa bahay ko at sa bibig ko pa?" Ako naman ang natigilan sa sinabi nito. Magagawa ko ba ang bagay na iyon sa kanya? Hindi ko naman hahayaan na mamatay ang mga inosenteng tao. Hindi ako gano'n kasama para gawin iyon. "D-dynamite? Ano'ng dynamite pinagsasabi mo?" nagugulumihanang tanong ko. Tila ilaw na nagliwanag sa isip ko kung ano ang tinutukoy niya at kung bakit pinagbibintangan niya akong spy. Marahil ay bumaba siya at narinig ang pinag-uusapan namin sa kusina. Good for him dahil hindi na mahirap para sa kanya ang bumaba na wala ang tulong ko. "Don't play innocent, Alexandria. You cannot fool me!" sigaw niya na halos magpabingi sa akin. "So, dynamite was the issue here," sabi ko saka tinalikuran siya. "Where do you think you're going?" pigil niya sa akin at hinawakan ako sa kamay. Iwinaksi ko ang kamay ko at pumihit paharap sa kanya. "Ipaliliwanag lang naman ni manang sa 'yo kung ano iyang ipinagpuputok ng butsi mo!" "Huwag mo akong talikuran!" muling sigaw niya dahilan para marahas akong pumihit paharap sa kanya. "Huwag mo akong sigawan! Binabayaran mo ako para alagaan ka, hindi para sigawan! Kung gusto mo malaman kung ano ang ibig sabihin ng tinutukoy mo, dadalhin ko si manang sa harap mo dahil kapag ako ang nagpaliwang, sigurado ako na hindi mo ako paniniwalaan!" sigaw ko rin dito. "Alexandria!" tawag nito sa akin ngunit hindi ko siya nilingon. Pagdating ko sa kusina ay agad kong hinila si manang paakyat sa itaas. Hindi na nga nito nagawang magsalita ng basta ko na lamang ito hinila paakyat. "Manang, explain mo nga sa boss mo na mainitin ang ulo at tamang hinala kung ano ang dynamite na pinag-uusapan natin," sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Gusto ko iparating na seryoso ako. "Tingnan natin kung sino ang mapapahiya sa ating dalawa," anang bahagi ng utak ko. "Gregg, g-ganito kasi 'yon…" Nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni manang. Tila hindi nito alam kung paano sisimulan ipaliwanag sa amo niya kung ano ang dynamite. "Saan ka na naman pupunta?" baling nito sa akin ng muli ko itong talikuran. "Ipapakita ko sa 'yo 'yong dynamite. Pasasabugin ko sa mainitin mong ulo!" nauubusan ng pasensya na sabi ko. "What the?" "Manang, hintayin mo ako saka ka magpaliwanag sa amo mong maiksi ang pasensya, bugnutin at mainitin ang ulo!" "Alexandria, sumusobra ka na!" "Bakit? Hindi ba at totoo naman? Mas maganda ng prangka ako sa harap mo kaysa hindi magsabi ng totoo!" asik ko sa harap nito dahilan para hindi agad ito nakapagsalita at tila magbubuga na ng apoy na tinitigan ako. Nakipagpaligsahan ako ng titig sa kanya. Kung ito na ang huling araw ng trabaho ko ay wala na akong pakialam. Gusto ko itatak sa utak niya ang ugaling pinapakita niya sa mga kasama niya sa bahay. "Gregg, Andria, tama na iyan. Walang mangyayari kung parehong mainit ang ulo ninyo. Mga batang ito, hindi kumpleto ang araw na hindi nagtatalo," sermon ni manang sa amin. Para kaming mga bata na pinapagalitan ng magulang. Para naman akong nahimasmasan sa sinabi niya. Tama naman kasi ito, simula ng dumating ako sa bahay ni Gregg, hindi kumpleto ang araw kung hindi kami nagtatalo na dalawa. Isang beses pa lamang nagkaroon ng pagkakataon na nag-usap kaming dalawa ng seryoso. "Sa aming dalawa, hindi ako ang mainitin ang ulo, manang. Itong alaga n'yo ang pabago-bago ang mood. Daig pa ang babae na nire-regla," sabi ko at inirapan siya. "Really, huh? Tinatanong lang kita, pero tinaasan mo na ako ng boses," katwiran naman nito. "Paanong hindi kita tataasan eh, ikaw ang nauna," nakairap na sagot ko. "You brat." "Gregg, 'yong Dynamite Lumpia ang pinag-uusapan namin kanina. Sa tingin mo ba ay kayang gawin ni Andria na magtanim ng dinamita dito sa bahay mo?" mahinahong paliwanag ni manang. Hinintay ko siyang magsalita ngunit nanatiling tikom ang bibig niya. Ngayon niya sabihin na spy ako. "I-I thought…" "Magtanong ka muna kasi bago mo ako i-judge!" puno ng sama ng loob na sabi ko at lumabas ng kuwarto. "Bwesit. Hindi lahat ng tao na nakapaligid sa kanya ay kailangan niyang paghinalaan," paghihimutok ko at bumaba ng hagdan. Mabuti na lang talaga at kaya ko pang magtiis. Kung iba siguro ay sumuko na sa ugali niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD