ALEXANDRIA
Kahit nauwi na naman kami sa sagutan na dalawa ay wala akong choice kung 'di ang puntahan siya. Isasantabi ko muna ang inis ko sa kanya dahil kailangan na talaga simulan ang session niya.
Nadatnan ko siya sa balkonahe. Tila malalim ang iniisip niya kaya nag-aalangan pa ako na lapitan siya. Kalauna'y naglakas loob na akong lumapit sa kanya.
"Kailangan na natin magsimula," wala kong ganang turan.
"Kung napipilitan ka lang, sa ibang araw na lang natin gawin," sagot naman nito.
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking isang kilay sa sinabi nito. Nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hininga at naupo sa bakanteng upuan saka tumanaw sa malayo. Wala akong ganang makipagtalo kaya mas pinili ko na lamang ang tumahimik. Hihintayin ko na lang na siya ang unang magsabi kung pwede na kaming magsimula.
"Do you think na kaya kong gawin ang bagay na iyon?" basag niya sa katahimikan.
I heard his deep sigh and automatically looked at him.
"Ang alin? Ang pumatay ng tao? Iyon pa rin ba ang iniisip mo?" balik tanong ko rito.
"Yeah. Hindi mo maaalis sa akin na isipin iyon. Galing ako ng bilangguan kaya posible na paghinalaan nila ako," matamlay na turan nito na hindi ako sinusulyapan ko.
Ako naman ang nagpakawala ng buntong-hininga. Kapag-kuwa'y tinukod ko ang siko at nakapangalumbabang muling tumanaw sa malayo.
"Kaya ka nakalabas ng bilangguan dahil nagawa mong magbago. Kung ano man ang naging kasalanan mo, I'm sure, pinagsisihan at pinagbayaran mo na 'yon. Isa pa, hindi mo naman kayang manakit ng babae, hindi ba?" sabi ko na hindi siya sinusulyapan.
"You are wrong, Lexa. Kaya kong manakit ng babae. I kidnapped a woman, Lexa."
Sa sinabi niya ay agad ko siyang binalingan. Gusto ko sana makita sa mukha niya na nagbibiro lamang siya ngunit wala akong mabanaag na kahit anong pagbibiro sa mukha niya.
Nakaramdam ako ng kaba na hindi ko mawari. Nagkamali ba ako ng pagkakakilala sa kanya?
Hindi ko pa siya lubos na kilala at wala akong alam kung bakit siya nakulong. Handa ba akong malaman ang nakaraan niya? Pero bakit natatakot ako?
Hinintay ko siyang magpatuloy.
"I did it so that the one I hated would come to me. Ginamit ko ang kahinaan niya para wala akong kahirap-hirap na palapitin siya. Nagtagumpay naman ako sa plano ko. Pumunta siya ng mag-isa para iligtas ang mahal niya. And do you know why I hated most? Kahit pareho na silang nasa bingit ng kamatayan, they still showed me how much they loved each other," may halong pait ang boses na sabi niya.
Nakaramdam ako ng awa para rito. Wala ako sa lugar para husgahan ang pagkatao niya. Siguro ay may dahilan siya kaya niya ginawa ang bagay na iyon. Gusto ko sana magtanong pero hahayaan ko muna siyang mag-kuwento. Ngayon lang ito nangyari, ang mag-kuwento siya ng nangyari sa buhay niya.
"I was no longer in the right frame of mind that day, Lexa. I am full of anger, envy and became selfish. Hindi ko na iniisip na posible akong makulong sa gagawin ko. Ang mahalaga lang sa akin ay makaganti ako sa kanya. I hurt his woman, Lexa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit handa niyang itaya ang buhay niya para lang sa babae. Kaya kong iniisip mo na hindi ko kaya ang manakit ng babae, nagkakamali ka. Dumating sa punto na muntik ko na silang mapatay na dalawa. Pero ng nasa loob na ako ng kulungan at naisip ko ang mga ginawa ko, I feel so helpless and useless. Daig ko pa ang batang inagawan ng laruan," puno ng lungkot na sabi nito. Ramdam ko ang naging paghihirap niya sa loob ng kulungan dahil sa ginawa niya. Sakit at lungkot ang naranasan niya habang nasa loob.
"Akala ko'y habang buhay kong dadalhin sa konsensya ko kung sakaling napatay ko sila. Nagpasalamat ako dahil nabuhay sila," patuloy nito.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Pilit pa pinoproseso ng utak ko ang mga nalaman ko.
"Ang mahalaga naman ngayon ay nagbago ka na, hindi ba? Kaya ka lumabas ng bilangguan ay dahil pinagbayaran mo na ang kasalanan na ginawa mo," sa wakas ay lumabas sa bibig ko.
Muli kong narinig ang buntong-hininga niya. Kasabay nito ang pagsilay ng mapait na ngiti.
"You are wrong again, Lexa. Hindi ako nakalabas ng bilangguan dahil pinagbayaran ko na ang kasalanan ko. Habang buhay dapat ang sistensya ko dahil sa ginawa ko. Pero ginamit ni papa ang pera niya. Kahit nasa loob din siya ng kulungan ay inuna niya ang kapakanan ko. My father paid a large sum just to set me free."
Hindi agad ako nakapagsalita sa huling sinabi nito. Nagagawa nga naman talaga ng pera.
"Well, I guess, kung hindi mo napagbayaran ang kasalanan mo sa loob ng kulungan, hindi pa naman huli ang lahat. Habang nabubuhay ka, gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo. Kahit man lang doon ay makabawi ka sa mga kasalanan mo," nakangiti kong turan saka mataman siyang tinitigan.
"Do you believe na kaya kong magbago?"
"Of course! Lahat ng tao ay nagbabago, Gregg," natigilan naman ako sa pangalan na binanggit ko. "I-I mean, Sir Gregg. Simulan mo munang maging kalmado at mahinahon. Huwag puro init ang ulo ang pairalin mo," dugtong ko saka nilinis ang lalamunan. Tila may nagbara kasi doon.
Tumayo ako at tinalikuran na siya. Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mag-unahan na naman ang kaba sa dibdib ko.
Nang pumihit ako paharap sa kanya ay nakatingin siya sa kamay ko na hawak niya.
"S-sir…"
"Call me Gregg if you want too, Lexa. It's fine with me. Sa'yo pa lang ako nagkwento ng nangyari sa buhay ko. I don't know but I feel I am not alone because of your presence and thank you for that, Lexa. Tama nga si Tita Ruth, sa'yo dapat ako magpasalamat."
Hindi agad ako nakahuma sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Tila libo-libo kasing boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko sa paraan ng paghawak ng kamay niya sa akin. Marahan at puno ng pag-iingat. Hindi ko pa rin maisip na magagawa niyang manakit ng babae. Iba ang Gregg na nakikita ko ngayon kumpara sa Gregg na ikinukwento niya. Wala akong makita na naging masama siya dati.
Mula sa aking kamay ay inangat niya ang tingin sa braso ko. Nagtagal ang mata niya doon hanggang sa magtagpo na ang aming mga mata.
Alam ko na ang pasa sa braso ko ang tiningnan niya.
"If there is something bothering you, I am here to listen, Lexa. Not your patient, as a friend."
Parang gusto ko naman madismaya sa huling sinabi niya.
"Ano ba in-expect mo, Alexandria?" protesta ng bahagi ng utak ko.
Alanganin akong ngumiti sa kanya at marahang binawi ang kamay ko.
"Ano ka ba? Okay lang ako," sabi ko at pilit na tumawa sa harap niya. "Magsimula na tayo."
Pagkatapos ng seryosong usapan na iyon ay sinimulan na namin ang session niya na parang walang nangyari. Trabaho pa rin kasi ang priority ko. Dapat na ilagay ko sa tama ang pagiging personal therapist ko sa kaniya. Binabayaran ako para gawin ang trabaho ko. Hindi maaaring lumagpas pa sa linya ang lahat. Itinatak ko sa isip ko na therapist niya ako at pasyente ko siya.
Pinili ko na sa hardin namin gawin ang session dahil mas malawak doon at malaya niyang magagawang maglakad ng maayos. Hindi naman siya tumanggi sa naging suhestyon ko.
Ang foldable walker ang una kong pinagamit sa kanya. Inalalayan ko siya na humawak sa walker para hindi siya mawala sa balanse.
No'ng una ay hirap talaga siyang tumayo pero hindi ko hinayaan na sumuko kaagad siya. Kahit namilipit siya sa sakit ng tumayo siya para humawak sa walker ay nagpatuloy kami. Minsan nga ay natataasan ko pa siya ng boses dahil hindi na niya tinutuloy kahit kaunting hakbang pa lamang ang nagagawa niya. Pero dahil pursigido akong tuluyan na siyang makalakad ay pinilit ko siya. Kalauna'y kahit paunti-unti ay nagagawa na niyang maglakad.
Isang oras na yata namin ginagawa iyon. Ako na rin ang kusang pumigil sa kanya dahil baka mapwersa naman ang binti niya kapag nagtagal pa ang paglalakad niya. Napapansin ko pa rin kasi na iniinda pa rin niya ang sakit sa tuwing tatangkain niya ang maglakad. Ngunit tila pursigido na talaga siyang makalakad kaya hindi niya pinakinggan ang sinabi ko.
"Tell them not to watch me. I can't concentrate," mahinang sabi niya sa akin ng alalayan ko siyang gamitin ang Underarm crutches.
Siya na rin ang nag-suhestiyon na gagamitin na niya ito. Kaya naman ay hinayaan ko na lamang siya sa nais niya.
Natatawa ko namang sinulyapan ang mga kasama namin sa bahay na tila tuwang-tuwa sa kanilang nakikita.
Halos lahat sila ay pinapanuod si Gregg sa paglalakad. Nakita ko naman ang malawak na ngiti ni Cecil. Sa unang pagkakataon ay nasilayan ko itong ngumiti. Nakikinita ko na kapag tuluyan ng nakalakad si Gregg, isa ito sa pinakamasaya.
Nang magkasalubong ang aming mga mata ay ang buong akala ko ay tataasan na naman niya ako ng kilay tulad ng nakagawian niya ngunit hindi nito ginawa. Bagkus, lumawak pa ang pagkakangiti niya sa akin. Hindi ko naman alam ang gagawin. Baka kasi kapag ngumiti ako ay mapahiya ako. Ngunit kalauna'y pinili ko pa rin ang nakagawian ko sa tuwing nakikita ko siya.
"Hayaan mo na sila. Natutuwa lang sila na makita kang nakakapaglakad," bagkus ay sabi ko.
Hindi na ito sumagot. Pinagpatuloy na lamang nito ang ginagawa. Bahagya akong lumayo para hindi na ito umasa sa akin. Ngunit ilang segundo pa lamang akong hindi nakaalalay sa kanya ay nawala na siya sa balanse.
Kasabay ng maagap kong paglapit sa kanya ay ang sabay-sabay na tili at sigaw ang narinig ko dahil sa pagkagulat ng mga kasama namin sa bahay.
Nahawakan ko siya sa braso kaya hindi niya nagawang matumba ngunit nabitawan naman niya ang isang crutch kaya ang natira ay isa na lamang. Buong pwersa ng katawan niya ay nasa kabilang bahagi ng katawan niya kaya natakot ako na baka mapwersa ang isang binti niya. Saka ko lang din napagtanto na nakahawak pala ang isang kamay niya na bakante sa aking baywang. Ang siste, halos magdikit na ang aming katawan dahilan para muling may maghabulan na kung ano sa dibdib ko.
Halos tumigil naman ako sa paghinga dahil maliit lang ang espasyo sa pagitan ng aming mukha.
"Lexa, may nakapagsabi na ba sayong maga-"
Natigil siya sa pagsasalita ng pareho naming naramdaman ang vibrate ng cellphone ko dahilan para sulyapan niya ang bulsa ng pantalon ko. Naipit kasi iyon sa pagitan ng katawan naming dalawa.
"M-may tumatawag," sabi ko na kulang na lang ay kapusan ako ng hininga. Hindi ko magawang magpakawala ng hangin dahil baka maamoy niya ang hininga ko kahit nakapag-toothbrush naman ako.
"Answer it," maawtoridad na utos nito ngunit nanatiling nakahawak sa baywang ko.
"B-baka pwede mo na akong bitawan. H-hindi lang tayo ang tao dito," paalala ko.
Sinulyapan naman nito ang mga kasama namin. Ngunit kakaiba ang ngiti niya ng muli akong balingan. Tila may kung anong naglaro sa utak niya.
"Okay, ituloy na lang natin mamaya," sabi nito at pilyong ngumiti saka niya ako binitawan.
Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. Kasabay nito ang pang-iinit ng magkabila kong pisngi. Hindi ko kasi alam kung para saan ang sinabi niyang iyon. Kung para ba sa session o sa paghapit niya sa baywang ko?
Tinawag niya si Manang Trining at pinadampot ang nabitawang crutch saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Lumayo naman ako ng bahagya para sagutin ang tawag.
Napangiti ako ng makita kong si Dustine ang tumatawag. Nakalimutan ko na naman siyang i-text. Siguro ay ipapaalala na naman niya ang napag-usapan namin.
"Dustine!"
"f**k!"
Napalakas ang pagkakasabi ko sa dulo ng pangalan ni Dustine dahil nagulat ako sa pagmumura ni Gregg. Nang balingan ko ito ay nagkukumahog na pinulot ni Manang Trining ang hinagis nitong crutch hindi kalayuan sa kinatatayuan nito. Si Ate Rhea naman ay hindi malaman ang gagawin kung lalapit ba ito o hindi. Habang nasa likuran niya si Jestoni at Mang Joseph na handang alalayan siya kapag nawala siya sa balanse. Si Cecil naman ay hindi makalapit.
"Who's that?" pukaw ni Dustine sa pananahimik ko.
"H-ha? 'Yung pasyente ko, naging halimaw na naman," natatawa kong turan. "Tatawag na lang ako mamayang tanghali, Dustine. Kapag ganito kasing oras, may session ako. Pasensya ka na ha."
"It's okay, Alex. I'll wait for your call."
"Thank you, Dustine."
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pinindot ko na ang end button at nagmamadali akong lumapit sa mga ito na hindi na malaman ang gagawin sa among biglang nagbago ang mood.
"Ano'ng nangyari?" tanong ko kay Manang Trining saka kinuha ang crutch na hindi hinahawakan ni Gregg.
"Ewan ko ba sa batang iyan, biglang nag-iba ang mood," sagot nito.
Binalingan ko siya na naglalakad na papasok sa loob ng bahay. Baka pagod na siya at kailangan na rin niya magpahinga.
"Manang, pasuyo na lang po ng walker niya," mahinang utos ko kay Manang Trining at kinuha na ang wheelchair.
Nagmamadali akong lumapit sa kanya habang tulak ang wheelchair niya.
"Sir Gregg, maupo na kayo sa wheelchair," sabi ko ngunit hindi ako nito pinansin at nagpatuloy itong maglakad kahit isa lang ang gamit na crutch. Natutuwa naman ako dahil tila wala na itong iniindang sakit. Pero hindi dapat nito abusuhin ang binti lalo na at ngayon pa lamang siya nagsisimula maglakad.
"Sir."
"Stop right there, Lexa. Don't talk to me!"
Natigilan naman ako sa inasal nito. Ano'ng nangyari at bigla na lang nagbago ang mood niya?
"A-anong problema? Okay ka naman kanina, 'di ba?" hindi ko napigilan itanong.
Hindi ako nito sinagot. Bagkus ay marahas ako nitong hinarap at kinuha mula sa akin ang wheelchair at saka naupo. Hinagis naman nito ang natitirang crutch na gamit nito.
"Kaya ko na. Huwag ka ng sumunod!" asik nito sa akin.
Wala na akong nagawa kung 'di sundan ito ng tingin habang tinutungo ang pinto kung saan nasa loob ang elevator.
"Uy! LQ ulit," tudyo ni Ate Rhea saka tumawa.
Napapailing na lamang ako. Hindi dahil sa tudyo ni Ate Rhea, kung 'di sa pag-iiba ng mood ni Gregg.