Chapter 38 WARNING-SPG

3407 Words

CECIL Sumilay ang ngiti sa labi ko ng nabuksan ko ang pintuan sa mini gym ni Gregg. Nakalimutan siguro itong i-lock nina Mang Joseph at Jestoni ng dalhin nila sa kuwarto si Gregg. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid. Pinakiramdaman ko kung gising pa ang mga kasama ko sa bahay. Nang sigurado ako na wala akong naririnig na kahit ano'ng kaluskos ay pumasok na ako at dumiretso sa elevator. Habang nasa loob ng lift ay hindi nawawala ang ngiti ko sa labi. Matagal ko ng hinihintay ito. Matagal na akong nasasabik na lumapit kay Gregg. Ito na ang pagkakataon ko para muli ko siyang mayakap. Malakas ang loob ko dahil lasing si Gregg. Hindi niya magagawang ipagtabuyan ako dahil tiyak na wala siyang lakas dahil sa kalasingan. Pagdating sa kuwarto niya ay nanuot agad sa ilong ko ang amoy ng al

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD