ALEXANDRIA Nakatulala akong nakamasid sa mga taong paroo't parito sa harap ko habang nakatayo sa may nurse station. Parang gusto ko ng umuwi dahil lutang ang diwa ko. Pakiramdam ko ay hindi ko magagawa ng maayos ang tungkulin ko. "Ano nangyari sa 'yo, Andria?" pukaw sa akin ni Matet na bahagya pa akong siniko sa tagiliran. "Ha? Wala," pagkakaila ko. "Lutang ka, girl. Huwag ka kasi iwas ng iwas. Ikaw lang ang nahihirapan, eh. Tingnan mo, tulala ka. Kanina pa kita tinitingnan, baka hindi mo alam," sabi nito saka makahulugang ngumiti. "Ewan ko sa 'yo." Inirapan ko siya saka tinalikuran. "Alexa!" tawag sa akin na nagpatigil sa aking paglalakad. Nang lumingon ako ay ang nakangiting si Rois ang nakita kong palapit sa akin. "Ano'ng ginagawa mo rito, Rois? Gabi na, ah," tanong ko ng n

