Chapter 4

2202 Words
ALEXANDRIA Dahil sa huling tagpo na nangyari sa amin ni Gregg ay hindi na ako pumapanhik sa kuwarto niya na hindi kasama si Manang Trining o kaya si Ate Rhea. Kapag naman umaalis si manang ay hindi ako tumitigil na hagilapin si Ate Rhea para lamang may makasama ako sa kuwarto niya. Nagkaroon na yata ako ng phobia sa nangyari dahil hindi na rin ako masyadong nagtatagal sa kuwarto niya. Kapag tapos na ang session namin ay umaalis na ako. Hindi ko pa rin naman pinapabayaan ang tungkulin ko sa kanya. Nililimitahan ko na lamang ang paglapit ko dahil baka umabot na naman sa tagpo na tanungin niya ako ng ganoong bagay. Nang sinabi kasi niya iyon ay nasampal ko siya. Nabastusan ako lalo na at nakangisi pa siya. Tinulak ko siya dahilan para sumakit ang binti niya. Tumama kasi sa bedside table kaya namilipit siya sa sakit. Simula ng araw na iyon ay dumoble pa ang kasamaan ng ugali niya. Hindi niya iniinom ang gamot. Kinukuha niya sa akin pero tinatapon naman niya. May pagkakataon naman na nakikisama siya. Sinusunod niya ang sinabi kong gagawin niya na routine tuwing umaga at hapon. Ngunit hindi pa rin maiiwasan na pagtaasan niya ako ng boses bago niya sundin ang utos ko. Tulad na lamang ngayon, naririnig namin ni Manang Trining mula sa loob ng kuwarto niya na may kausap siya at tila galit ito base na rin sa pag-sigaw niya sa kausap. Hapon na at kailangan ko ng gawin ang tungkulin ko sa kanya na sanayin siyang maglakad. Sa susunod na araw kasi ay pupuntahan namin ang doctor niya para malaman namin kung may progress na ba ang ilang araw na pagtitiis ko sa ugali niya. "Who the hell told you to replace me as a president and CEO? Bakit hindi ko ito alam?!" asik nito sa kausap. Nagkatinginan kami ni manang sa sinabing iyon ni Gregg. Kung sa akin nangyari iyon ay tiyak na magagalit din ako dahil wala akong kaalam-alam na papalitan na pala ako sa posisyon ko. "Don't you understand that I am in the middle of my treatment? Are you telling me that the board members decided to remove me from my position? Who the f*****g are you, anyway?!" halos pasigaw na nitong sagot sa kausap. Sandali itong natahimik sa loob. Marahil ay may sinasabi ang nasa kabilang linya. "No! And who do you think will replace me, huh?!" Muling tumahimik sa loob. "Him? You can't do this to me. I will not give my position to him even if he is my cousin. That's my father's company, you idiot!" Hanggang sa narinig ko na lamang na may hinagis na kung anong bagay sa loob. Muli kaming nagkatinginan ni manang. Alanganin ang ngiting ipinukol nito sa akin. Kilala na nito ang alaga, kapag ganitong mainit ang ulo ni Gregg ay tiyak na hindi ito pwedeng lapitan. Pero dahil kailangan kong gawin ang trabaho ko ay magtitiis na naman ako sa sigaw niya. "Ako na lang ang papasok, manang," nakangiti kong sambit. "Sigurado ka?" nag-aalalang tanong nito. Tumango lamang ako bilang tugon. Pagkaalis ni Manang Trining ay saka ako huminga ng malalim. Pinihit ko ang door handle saka dahan-dahang pumasok sa loob ng kuwarto niya. Awtomatiko naman siyang napatingin sa gawi ko. "Kailangan na nating simulan ang session mo," kalmado kong wika habang papalapit sa kanya. Nakita ko ang basag na cellphone sa sahig. Marahil ito ang narinig ko kanina sa labas ng kuwarto niya. Pinihit niya patalikod sa akin ang wheelchair. "Not now," mahinang usal nito. "Hindi po pwede, sir. Daily po ang session para mas mabilis po ang progress ng binti ninyo." Nang makalapit na ako sa kanya ay pinaharap ko ang wheelchair niya at nilapit sa gilid ng kama. Ililipat ko siya sa kama. Kailangan ko kasing hilutin ang binti niya para kahit paano ay unti-unting ma-ehersisyo ang buto niya sa binti. Hinawakan ko siya sa isang kamay. Yumukod ako para sana ilagay ang isang kamay ko sa kabilang gilid ng tagiliran niya ngunit napaupo siyang muli at naitulak ako dahilan para mapaupo ako sa sahig. "f**k! I told you, not now!" anito na hawak ang binti at bakas sa mukha ang pag-inda ng sakit. Napwersa yata ang binti niya kaya sumakit. Binalewala ko ang pagtulak niya sa akin at ang sigaw. Iindahin ko lahat kahit parang gusto ko na siyang sukuan. Pero dahil nandito ako para sa tungkulin ko, kahit ilang beses pa niya akong itulak ay gagawin ko pa rin ang trabaho ko. Lumapit akong muli sa kanya. Muli kong hinawakan ang kamay niya ngunit agad niyang iwinaksi ang kamay na hawak ko. "Ano ba? Bakit ba ang kulit mo? Hindi ka ba marunong umintindi o talagang tanga-tangahan ka lang?!" sabi nito dahilan para magpantig ang tainga ko. For the first time na may nagsabi sa akin na tanga ako. Buong buhay ko ay maayos ang pakikitungo ko sa kapwa ko para lang hindi ako masabihan ng masasakit na salita. Simula ng nagtrabaho ako ay inayos ko ang serbisyo ko sa mga naging pasyente ko para hindi ko sila mabigo at hindi sila ma-disappoint sa akin. Pero ang sabihan ako ng tanga na wala naman akong ginagawang mali ay hindi ko mapapalampas. Alam ko na makakatanggap ako ng masasakit na salita mula sa kanya pero iba pa rin pala kapag binitawan na niya. Dahil sa inis ko ay hindi na ako nakapagtimpi. Sinipa ko ang wheelchair niya kung saan siya nakaupo. Umatras ito ng bahagya na agad naman niyang napigilan. "What the?!" anas nito. Nagsimulang na ring magtagisan ang bagang niya. "Gusto mo bang sisantehin na kita?!" asik niya sa akin. "Go, do it!" bulyaw ko rito na ikinagulat nito. Marahil hindi nito inaasahan na tataasan ko ito ng boses. Wala na akong pakialam sa trabaho ko ngayon. Kung hindi ako sasahuran ay ayos lang. Hindi ko na talaga mapapalampas ang kagaspangan ng ugali niya. "I'm serious, miss. Hindi lang ikaw ang therapist!" "Hindi lang din ikaw ang pwede kong alagaan. Kung gusto mo, kausapin ko pa ang papa mo. Hindi ko na kayang pakisamahan ang tulad mo. Nagtitiis lang ako sa ugali mo pero ang sabihin mong tanga ako, hindi ko matatanggap! Sumusobra ka na!" Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Kapag hindi ko kasi ito nailabas ay baka sumabog ako. Ngayon nga at nanginginig na ako sa inis ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung papalitan ka sa posisyon mo. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa ugali mo pa lang na iyan ay walang tatagal na empleyado sa iyo. Masyado kang makasarili. Hindi mo iniisip ang mararamdaman ng mga taong nakapaligid sa 'yo!" humihingal na sabi ko. Tumalim ang tingin na ipinukol niya sa akin ngunit hindi ako natinag sa titig niya. Marahil ay hindi rin nito inakala na maririnig ko ang sinabi nito sa kausap sa kabilang linya. "You're eavesdropping, huh? I'm telling you, miss, kapag hindi ka umalis sa harap ko, mark my word, you will regret that you are stood in front of me," may pagbabanta na sabi nito. "What? Sasaktan mo ako, ha? Hindi ka nga makaalis riyan sa wheelchair mo," sabi ko saka mapang-insultong tumawa. "You!" duro nito sa akin na halos maglabas na ng apoy ang mata. "Sino ka para sabihin sa 'kin 'yan? Get out of my sight. You are fired!" sigaw nito. "Fine! Hindi ko na rin naman kayang tagalan ang ugali mo. Bakit ko nga ba tinanggap ang trabahong ito? No'ng una pa lang naman ay ayaw ko ng tanggapin dahil masama raw ang ugali mo which true. Isa pa sa dahilan ko kung bakit nagdalawang-isip ako ay dahil ex-convict ang magiging pasyente ko!" Pagkatapos ko iyon sabihin ay may nakita akong kakaiba sa mata niya ngunit napalitan din agad iyon. Alam kong hindi nito nagustuhan ang huling sinabi ko. Alam ko rin ang consequences sa ginawa ko. Pero kung iyon lang ang tanging paraan para matauhan siya ay magbibitaw pa ako ng salita para maisip niya na ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay may pakialam sa kanya. "Kung ayaw mong tulungan ang sarili mo, paano mo hahawakan ang kompanyang iniwan ng papa mo sa 'yo kung nakatali ka sa wheelchair? Gusto mo ba na habang buhay kang nakaupo, nakahiga at nakakulong dito sa bahay mo? Kung wala kang pakialam sa sarili mo, isipin mo ang sakripisyon ng mga taong nakapaligid sa 'yo!" Huminga ako ng malalim. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Kung ang kapalit ng mga sinabi ko sa kanya ay ang pagka-sisante ko, ayos lang. Gusto ko lang ipaintindi sa kanya na hindi lang siya ang nahihirapan kung 'di ang mga taong nakapaligid sa kanya. "Hindi mo ba nakikita ang sakripisyo ni manang sa 'yo? Matanda na siya pero dahil matagal na siya sa pamilya ninyo ay nanatili pa rin siya dahil mahalaga ka sa kanya." Naikuwento na rin kasi sa akin ni Manang Trining na simula pa ng pagkabata niya ay naninilbihan na ito sa pamilya ng mga Benedicto. Hindi na nga nito nagawang mag-asawa dahil ang itinuring na nitong pamilya ay ang pamilya niya. Magkagayon man ay hindi nagsisisi si manang na hindi nito nagawang bumuo ng sariling pamilya. Masaya pa nga ito dahil napunta ito sa pamilya ng mga Benedicto. "Si Ate Rhea, ilang beses mo na ba siyang hinagisan ng pagkain? Pero tinatawanan lang niya at patuloy pa rin siya sa paghatid ng pagkain sa 'yo. Si Cecil, ayaw mo siyang lumalapit sa 'yo pero hanggang ngayon ay naririto pa rin siya sa bahay mo. Si Mang Joseph at Jestoni, nandito pa rin sila kahit masama ang ugali mo. Kung nahihirapan ka sa sitwasyon mo, ano pa ang mga taong nakikita kang nahihirapan? Isipin mo rin ang papa mo. Kung hindi ka mahalaga sa kanya, hindi siya magtatyaga na paulit-ulit kang hanapan ng therapist mo. Sana nakikita mo rin ang pagpapahalaga ng ibang tao sa 'yo," mahaba kong litanya saka siya tinalikuran. "M-miss," tanging na sambit nito na hindi ko na naman nagustuhan kaya muli akong pumihit paharap sa kanya. "It's Alexandria, Sir Gregg. Bwesit! Mukha ka namang matalino pero hirap na hirap kang banggitin ang pangalan ko!" asik ko pa rito saka tuluyan itong iniwan. Nagulat pa ako ng paglabas ko ay nakita ko si manang at Ate Rhea sa labas ng kuwarto. Malawak ang pagkakangiti ng mga ito sa akin. Hindi na rin ako magtataka kung narinig nila ang mga sinabi ko kay Gregg. "Ano'ng ginagawa ninyo dito, manang, Ate Rhea?" gulat na tanong ko sa dalawa at nagsimula ng humakbang palayo sa pintuan. "Good job ka ngayon, Andria," sabi ni Ate Rhea na umangkla pa sa braso ko. "Ikaw lang ang nangahas na magsalita ng gano'n kay Sir Gregg, hindi ba manang?" baling nito kay manang na tahimik ngunit nakangiti habang pababa na kami ng hagdan. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Good job pa ba ako no'n kung ang kapalit ay ang pagka-sisante ko?" matamlay kong wika. Sa mga binitawan kong salita sa kanya ay posible nga na mawalan ako ng trabaho. Isa pa, i-re-report niya sa head ko ang mga ginawa ko. Baka mawalan pa ako ng lisensya kapag nagkataon. Nanghihinayang din ako sa malaking sahod. Pero kailangan ko na siguro talagang umalis. Hindi ko na hihintayin na si Sir Gibson pa ang magsabi sa akin. Pagbaba ko ay dumiretso na ako sa kuwarto ko. Mabuti na lamang at hindi ko pa inaalis sa bag ang mga damit ko. Inaasahan ko na kasi na mangyayari ito. "Aalis ka na kaagad?" malungkot na sabi ni manang sa bungad ng pinto ng sulyapan ko. "Opo, manang. Hindi ko na hihintayin na si Sir Gibson ang magsabi," sagot ko. "Bukas na lang, Andria. Ipapahatid kita kay Joseph. Malapit na rin gumabi. Bukas na lang, ha?" nakikiusap na sabi nito. "Pasensya na manang, hindi ko na ho mahihintay ang bukas. Magco-commute na lang po ako," nakangiti kong sabi. Malungkot itong ngumiti saka tumango. "Alam mo ba na ikaw lang ang nakatagal kay Gregg? Masasabi kong ikaw lang ang kayang tumapat sa ugali niya. Wala sa amin na kasama niya sa bahay ang kayang sabihin ang mga sinabi mo kanina. Natutuwa nga kami ni Rhea dahil ang tapang mong babae para sabihin iyon sa kanya. Maliban sa mama niya, ikaw pa lang ang babaeng nangahas na pagsalitaan siya ng gano'n," paliwanag nito. Nang nabanggit ni manang ang ina nito ay na-curious ako. "Nasaan po pala ang mama ni Sir Gregg?" Malungkot ako nitong tinitigan. "Namatay sa isang aksidente ang mama ni Gregg no'ng bata pa lamang siya. Kasama siya ng mama niya sa aksidente. Muntik na rin si Gregg noon kung hindi lang siya nailigtas ni Ma'am Jean." Nakaramdam ako ng awa kay Gregg. Nawalan siya ng ina bata pa lamang siya. Ngayon naman ay nakakulong ang ama niya. Ang tanging natitira na lamang na nasa tabi niya ay ang mga kasama niya sa bahay. Isa sa dahilan kung bakit tila galit siya sa mundo ay dahil ang dapat na tanging sandalan niya sa mga oras na ito ay wala sa tabi niya. Kaya gano'n na lamang ang pagsasawalang bahala niya sa mga taong nakapaligid sa kan'ya dahil ayaw din niyang kaawaan siya. Ayaw niyang nakikita siya na nahihirapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD