Chapter 3

1707 Words
ALEXANDRIA Ang bilis ng araw. Isang linggo na ako dito sa malaking bahay ng arogante kong pasyente. Isang linggo na rin akong nagtitiis sa ugali niya. Bawat pagkikita namin ay pinapalayas niya ako. Sigaw, bulyaw at asik ang inaabot ko sa kan'ya. Mabuti na lamang at hindi pa niya ako minumura at hindi pa naman umabot sa punto na itatapon niya sa akin ang pagkain na dinadala ko. Naikuwento kasi sa akin ni Manang Trining at Ate Rhea na halos lahat ng therapist nito ay hinagisan ng pagkain. Kaya hindi ko masisisi kung wala pang isang linggo ay umaalis na ang therapist nito. Kapag ginawa naman niya iyon ay hindi ko palalampasin na patulan siya. Nauubos din ang pasensya ko kaya huwag niyang hintayin na maputol ang pisi ng pasensya ko at papatulan ko na talaga siya. Hindi pa rin siya nakikisama sa akin kahit pakiusapan ko siya. Kalmado ako pero siya, halos magbuga ng apoy sa harap ko. Mamumuti ang buhok ko sa kan'ya ng maaga. Hindi puwedeng wala akong gawin lalo na at tumatakbo ang araw ko. Ayaw ko naman magtagal dito sa bahay niya. Hindi ko gugustuhin na makasama pa siya ng matagal. Isa pa, nakaka-guilty na malaking sahod ang matatanggap ko kung wala man lang progress ang pasyente ko. Heto nga at nasa harap ako ng pintuan ng kuwarto niya. Dapat ganitong oras ay gising na siya. Kailangan din niyang ma-exercise ang kaniyang binti. Hindi siya gagaling kung mananatili lang siyang nakaupo sa wheelchair niya at nakahiga sa kama. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago kumatok. "Sir Gregg, si Alexandria po ito. Gising na po ba kayo?" tanong ko. Kailangan ko muna magpaalam sa kan'ya ayon na rin kay Manang Trining. Hindi raw gusto ng alaga nito na basta na lang may pumapasok sa kuwarto niya ng walang pahintulot. Ang kaso sa ganitong sitwasyon na kahit ilang beses akong kumatok ay wala namang Gregg ang sumasagot sa akin. Kailangan ko pang tawagin si Manang Trining para magpatulong na katukin ito. Ang problema ko ngayon ay wala naman si manang. Umalis ito kasama si Cecil para mag-grocery. Si Ate Rhea naman ay hindi ko mahagilap kung saang lupalop ng planeta ito pumunta. Marahil ay nasa kapitbahay na naman ito at nakikipag-tsismisan. Dahil walang sumagot ay naglakas loob na akong pumasok. May dahilan naman ako kung magagalit siya sa akin. Hindi ko kasalanan kung hindi niya ako sinasagot. Tumaas ang isang kilay at nakapamaywang ng makita ko siyang nakahilata pa at mukhang tulog na tulog base na rin sa marahan na pagtaas baba ng dibdib niya. Dahil alas syete impunto na ng umaga ay kailangan ko na siyang gisingin. Kailangan niyang maarawan sa labas. Dapat pala tinawag ko si Mang Joseph, ang driver at si Jestoni, ang anak nito para tulungan akong ibaba si sungit. Tinungo ko ang nakatabing na kurtina sa may balkonahe at hinawi iyon. Napuno ng liwanag ang loob ng kuwarto sa ginawa ko. "God damn it!" dinig kong usal ng nagising na arogante. "Oh, gising na po pala kayo, sir," patay malisyang sabi ko at binuksan ang glass sliding door. Napapikit ako kasabay ng pagsamyo ko ng sariwang hangin na sumalubong sa akin. "Paanong hindi ako magigising, eh hinawi mo ang kurtina. Who told you na pumasok ka rito? Where's manang?" nakasinghal na naman na bungad nito sa akin. Nakangiti akong pumihit paharap sa kan'ya. "Good morning too, sir," anas ko na hindi pinansin ang kasungitan niya. "What the hell? How many times did I tell you to leave this house? Why are you still here?" hindi makapaniwalang sabi nito. "Nandito ako para alagaan kayo," mahinahon kong sagot. Hindi dapat ako magpa-apekto sa mga sasabihin niya. Gagawin ko ang trabaho ko kahit sigawan niya ako. "Leave my room now, miss. Inaantok pa ako," anito at nagtalukbong ng kumot. Muling tumaas ang isang kilay ko. Hindi ko siya makuha sa pakiusapan kaya gagawin ko na lang ang nasa isip ko. Kung may masakit na salita siyang bibitawan ay labas na lang sa kabilang tainga, simple as that. Tumayo ako sa dulo ng kama, sa paanan niya. Hinawakan ko ang dulo ng kumot at hinila ito para matanggal sa katawan niya. "What the f**k?!" bulalas niya ng matanggal ang kumot sa katawan niya. Matagaumpay akong ngumiti ng makita ko na hindi na maipinta ang mukha niya sa ginawa ko ngunit agad din napalis ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang umbok sa ibabang bahagi niya. Animo'y nais nitong kumawala sa suot nitong boxer. Agad akong tumalikod at naghanap ng gagawin. Uminit yata ang mukha ko dahil sa nakita ko. "K-kailangan mong mag-exercise. W-walang magiging progress sa'yo kung mananatili ka lang dito sa kuwarto mo," nauutal kong wika. "Oh, really? Paano kung hindi ako sumunod sa'yo? Ano'ng gagawin mo?" panghahamon nito sa akin. "Kung gusto mo agad na mapaalis ako dito sa bahay mo, sumunod ka," sabi ko na hindi ito sinusulyapan. Bakit ba kasi nakasuot ito ng boxer? Hindi sumagi sa utak ko na ganito ang makikita ko. Ngayon ko lang kasi ginawa na tanggalin ang kumot sa katawan niya. Hindi ko inaasahan ang makikita ko. "Bakit nakatalikod ka? Wala ka namang ginagawa riyan," anito na kahit hindi ko sulyapan ay alam kong nakangisi siya. "T-tatawagin ko lang si Mang Joseph at Jestoni para dalhin ka sa ibaba. Lalabas tayo para maarawan ka man lang. Dapat hindi dito sa taas ang kuwarto mo dahil mahihirapan ang magbubuhat sa'yo," bagkus ay sabi ko. Lumabas ako ng kuwarto nito at bumaba. Tinawag ko ang mag-ama at muling pumanhik sa kuwarto. Nag-aalangan pa nga pumasok ang dalawa dahil baka raw masigawan ni Gregg. Pagpasok namin ay nakaupo na ito sa kama at nakapaskil ang isang pilyong ngiti. Tila may naglalaro sa utak nito. "Ano po ang gagawin, ma'am?" tanong ni Mang Joseph sa akin. "Pakitulungan po akong ibaba si Sir Gregg. Lalabas kami ng bahay para maarawan naman po. Mukhang namumutla na," paliwanag ko rito. Tila natigilan si Mang Joseph sa sinabi ko ngunit ipinagwalang bahala ko na lamang iyon at sinulyapan si Jestoni. Alanganin lamang itong ngumiti sa akin. "Ah, ma'am, hindi po ba nabanggit sa inyo ni Trining na may elevator po si Sir Gregg?" Muntik ng umawang ang bibig ko sa sinabi ni Mang Joseph. Wala naman binanggit si Manang Trining. Sa pagkakaalam ko rin ay hindi talaga lumalabas ang lalaking ito ng bahay. "W-wala po sinabi si manang…" sabi ko at sinulyapan ang arogante kong pasyente. Ngayon ay alam ko na kung para saan ang ngisi nito. "Pasensya na Mang Joseph, Jestoni. Naistorbo ko pa kayo," hingi ko ng paumanhin sa dalawa ng balingan ko ang mga ito. Nagpaalam na ang dalawa at naiwan kaming muli ng magaling kong pasyente. Kinuha ko ang wheelchair at dinala sa gilid ng kama, sa tabi niya. "Maupo ka na. Lalabas tayo," utos ko rito. Magpapasensya muna ako ngayon hanggat kaya ko pang magpasensya. "Lalabas tayo na ganito ang suot ko? Ayaw mo naman sigurong pagpiyestahan ako ng mga babae sa labas," anito na may ngisi pa rin sa labi. Umikot ang mata ko sa sinabi niya. Isa pa sa ugali na natuklasan ko, mayabang at masyadong bilib sa sarili. Hindi niya kailangang ipangalandakan sa akin na guwapo siya. Tinungo ko ang closet niya at kumuha ako ng garterize walking short. Binigay ko ito sa kaniya at saka tinalikuran siya. Hinanap ko kung nasaan ang elevator na tinutukoy ni Mang Joseph ngunit hindi ko naman makita. Sa laki ng kuwarto niya ay dapat may espasyo para sa elevator. "Miss!" tawag nito sa akin. Nanggigigil na bumalik ako sa kan'ya. "Alexandria po, Sir Gregg. Mahirap ba sabihin ang pangalan ko?" naiirita na sabi ko rito. Simula ng dumating ako rito ay hindi pa niya binabanggit ang pangalan ko. Gaano ba kahirap para sa kaniya na sabihin ang pangalan ko? "I can't wear my short. Can you help me?" Nakasimangot na lumapit ako sa kan'ya at padabog na kinuha ang short na hawak niya. Sumampa ako sa kama at tinukod ang isang tuhod ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin ng muli kong makita ang naka-umbok sa gitna niya. "Lord, parusa ba ito dahil naging judgemental ako? Sorry na po oh," tahimik kong dasal. "Paano mo maisusuot sa akin ng maayos kung hindi mo titingnan? Are you afraid of me, or to my buddy down there?" malisyosong tanong nito. Hindi pa nga ako nakakabawi kanina sa nakita ko, ngayon ay nagsimula na naman mag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. Paanong hindi, sa edad kong bente singko ay inosente pa ang mata ko sa tinutukoy niya. Nakapag-alaga na ako ng lalaki pero iba ang epekto sa akin ng lalaking ito. Hindi ako makahinga sa malakas na presensya niya. Para lang hindi na kami magtagal sa ganoong posisyon ay pikit mata ko na lamang na isinuot sa kan'ya ang short niya. Hindi na ako nagsalita dahil baka kung saan pa humantong kapag sinagot ko pa siya. Pagkatapos kong maisuot sa kan'ya ang short niya ay umalis na ako sa kama at tinalikuran na siya. "Halika na," sabi ko ng hindi siya sinusulyapan. "I can't." Napahinto ako sa paghakbang. Mariin akong pumikit at kinuyom ang aking dalawang kamao. Huminga ako ng malalim at muling pumihit paharap sa kan'ya. Pilit akong ngumiti sa harap niya para itago ang pagtitimpi at gigil sa kaniya. "Bakit po, Sir Gregg?" pilit ang ngiti na halos dikit na ang mga ngipin na sabi ko sa kan'ya. Umaga pa lang pero grabe na ang pagpipigil ko ng pasensya na patulan siya. "Tulungan mo akong maupo sa wheelchair," utos nito. Hindi na ako nagsalita kaya lumapit ako sa kan'ya. Hinawakan ko ang isang braso niya habang ang isang kamay ko ay nasa baywang niya para alalayan siyang maupo sa wheelchair. Pero dahil sa bigat at laki niyang tao ay na-out balance ako at sabay kaming napahiga sa sahig. Pumailalim ako at siya naman sa ibabaw ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa pagkakadagan niya sa akin. Isa pa, ang lapit ng mukha niya sa akin. Muling sumilay ang ngisi sa labi niya na ikinakunot naman ng noo ko. "Are you free tonight?" makahulugang tanong niya na hindi nawawala ang ngisi sa labi. Kasabay naman ng tanong nito ang panlalaki ng mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD