Chapter 2

1847 Words
ALEXANDRIA Dahil sa nakita ko ay hindi ko napigilan na pasadahan siya ng tingin. Ano ba naman 'yong kilatisin ko muna siya ng ilang segundo. When I started scanning his face I already knew that he was attractive. Yes, Gregg Benedicto was handsome. Kahit sinong babae ang madadaanan niya ay tiyak na mapapalingon sa kan'ya. Malakas ang dating ng personalidad niya at hindi ko maitatanggi iyon. Marami na akong nakitang guwapo lalo na sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. May mga batang doctor na guwapo pero kakaiba ang nasa harap ko. Tila siya ang tipo ng lalaki na hindi mo dapat tanggihan dahil hindi mo gugustuhin ang parusang ipapataw niya sa'yo. Nakaka-intimidate ang mga titig niya. Mga titig na tila tumatagos sa kalamnan ng sino mang gusto makipag-tagisan ng titig sa kan'ya. Bilugan ang kaniyang mata at kulay abo, kahit sinong babae ang makaharap siya ay mapapatitig sa ganda ng mata niya. Bumagay ang malalago niyang itim na itim na kilay na animo'y sinadyang kortehan. Ang mga pilikmata niya na mas mahaba pa yata sa aking pilikmata. Bumaba pa ang tingin ko sa matangos niyang ilong. Tila kay sarap nitong pisilin lalo na kung nakasimangot siya tulad ngayon. He has a perfect jaw either. And then my eyes stopped on his lips. May nunal siya sa bandang itaas ng kan'yang bibig ngunit makikita lamang kapag tiningnan ng malapitan. Katamtaman ang kapal ng labi niya at mapupula. Hindi ko makita ang bahid ng ngiti sa labi niya. Tila pinagkait na niya sa iba na makita ang ngiti niyang iyon. Bahagyang kumibot ang labi niya. Sa bawat galaw ng labi niya ay tila nag-uudyok itong halikan siya. "Talaga ba, Alexandria?" protesta ng bahagi ng utak ko dahilan para bumalik ako sa katinuan. Kung ano-ano na ang naiisip ko. Ang layo na ng narating ng utak ko sa pagkilatis sa kan'ya. Nang makita ko ang pagsalubong ng kilay niya at kalauna'y ang pagtaas ng isang kilay ay hindi ko napigilan ang ngumiti sa harap niya. Actually, natatawa ako sa sarili ko. It was my first time na kumilatis ng isang pasyente. Halos lahat na yata na may edad na pasyente ang inalagaan ko. Matanda, bata, dalaga at binata pero hindi ko lubos akalain na ang tulad niya ang tatambad sa harap ko. He was a perfect demi-God creation sent from above, I guess? Pakiwari ko ay may lahi siya. Kaya nakapagtatakang nakulong ang isang tulad niya. "Get out of my sight, miss. I don't want you here. Kung ayaw mong maging miserable ang buhay mo, umalis ka na," pagbabanta nito sa akin. Well, kung nagsabog ng kagwapuhan ay sinalo niyang lahat, bakit pati ang masamang ugali ay sumama at sinalo rin niya? "My name is Alexandria Gomez, Sir Gregg. Bahala na po kayo kung ano ang gusto n'yong itawag sa 'kin. Anyway, tulad ng sinabi ko po kanina, I'm here because your father hired me. Sa madaling salita, siya po ang amo ko at hindi kayo," walang takot na sabi ko dito kahit nakita kong nagtagisan ang mga bagang niya habang sinasabi ko iyon. "I don't f*****g care if he was the one who hired you! All I want is to get you out of my sight!" sigaw nito na halos dumagundong sa apat na sulok ng kuwarto nito. Ngayon alam ko na kung bakit walang nagtatagal sa kan'ya. Tama nga si Ma'am Cynthia, may pagka-gaspang ang ugali niya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Kasabay nito ang pag-ihip ng hangin na pumasok mula sa balkonahe dahilan para magliparan ang ilang hibla ng aking buhok at tumabing sa aking mukha. Gamit ang sariling daliri ay inipit ko ang aking buhok sa gilid ng aking tainga. Narinig ko naman ang mariing pagmumura nito sabay talikod sa amin. "Kahit anong sabihin n'yo, sir, hindi po ako aalis hanggat hindi ang ama n'yo ang nagtanggal sa akin. Sana maintindihan n'yo po iyon, Sir Gregg," kalmadong turan ko. Hanggat maaari ay kailangan kong maging kalmado sa harap niya. Hindi makakatulong rito kung sasabayan ko ang init ng ulo niya. "Whatever, miss. Just get lost. Hindi kita kailangan," pagtataboy nito sa akin. "It's Alxandria, Sir Gregg," pagtatama ko rito. Hindi naman mahaba ang pangalan ko para hindi niya matandaan at mabanggit. Hindi ko na narinig pang nagsalita ito kaya nagpaalam na si Manang Trining sa kan'ya. "Pasensya ka na Andria, ha. Gano'n talaga ang ugali ni Gregg. Ikaw na lang ang bahalang magpasensya sa kan'ya," hingi ng paumanhin sa akin ni Manang Trining. "Okay lang po, manang. Sanay na po ako sa mga iba't-ibang taong nakasalamuha ko. Pasasaan ba at magiging maamo rin po si Sir Gregg," nakangiting turan ko. "Sana nga, jiha ng makapag-asawa na ang batang iyan. Paiba-iba na lang ang babaeng pumupunta rito para paligayahin siya," anito saka bumaba na ng hagdan. Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi ni manang. Hindi ko kasi naintindihan. Tinuro muna sa akin ni Manang Trining ang magiging kuwarto ko bago namin tinungo ang kusina. Abala si Ate Rhea ng madatnan namin. Si Cecil naman ay hawak ang cellphone na nakasandal sa edge ng lababo. Tinapunan lang ako nito ng tingin at muling tinuon ang atensyon sa hawak na cellphone. "Rhea, 'yong pagkain ni Gregg ayusin mo ha. Ayaw mo naman siguro na hagisan ulit ng mainit na pagkain," pagpapaalala ni Manang Trining kay Ate Rhea. Tila sanay na ang mga ito sa ginagawa ng amo nila kapag umatake ang init ng ulo. "Madali lang naman ang umilag, manang," natatawang sabi ni Ate Rhea. "Ako na lang po ang magdadala sa kan'ya," presinta ko. Nang sinabi ko iyon ay sabay-sabay silang tatlong tumingin sa akin. Napuno naman ng pag-aalala ang nabanaag ko kay manang at kay Ate Rhea. Samantalang si Cecil ay ngumisi pa na tila alam na ang kahahantungan kapag ako ang nagdala ng pagkain sa amo nito. "Mabilis po akong kumilos. Hindi ko hahayaan na mahagisan ng pagkain," mabilis kong sagot dahilan para tumawa ang mga ito maliban kay Cecil. "Basta, jiha, kapag nararamdaman mo ng wala sa mood si Gregg, dumistansya ka muna. Hayaan mo munang lumamig ang ulo niya. Sumusunod naman iyon kapag mahinahon mo siyang pinapakiusapan. Magkakasundo rin kayong dalawa," bilin ni Manang Trining sa akin. "Isa pa, huwag ka masyadong lalapit kay Sir Gregg. Baka ma-inlove ka sa kan'ya, Andria. Kapag nagkataon, aba, kaganda ng lahi ninyong dalawa," sabat naman ni Ate Rhea. "Rhea, bibig mo!" sita ni manang sabay kurot sa tagiliran nito. Tumawa lamang si Ate Rhea at muling tinuon na ang atensyon sa niluluto. "Hindi siya ang tipo ni Sir Gregg," singit ni Cecil saka pairap na iniwan kami sa kusina. "Pasensya ka na kay Cecil, malaki kasi ang paghanga niya kay Gregg pero hindi siya makalapit dahil hindi siya pinahintulutan ng alaga ko. Hindi ko alam kung bakit. Tanging ako at si Rhea lang ang pinahintulutan ni Gregg na lumapit sa kan'ya," paliwanag ni Manang Trining. Tumango-tango lamang ako sa sinabi nito. Nang maluto ang pagkain at nakahiwalay na ang para kay Gregg ay nagpatulong ako kay Manang Trining na ipanhik ang mga ito sa kuwarto. Pagpasok namin sa loob ay nakahiga ito sa kama at mukhang walang balak na kumain base na rin sa printeng pagkakahiga nito sa kama. Nagtatanong ang mata na sinulyapan ko si Manang Trining na ipinatong ang tray na may lamang pagkain sa glass table na nasa gitna ng kuwarto. "Kaya n'ya na po ang sumampa sa kama?" "Ah, oo. Hindi lang niya magawang tumayo dahil namimilipit agad siya sa sakit," sagot ni manang. "Maaari ko ho ba makuha ang number ng dati niyang therapist? Kailangan ko po kasi malaman ang record niya kung hanggang saan na ang progress ng binti niya." "Walang problema, jiha. Ibibigay ko sa'yo mamaya. Nariyan na rin 'yong mga gamot niya," anito saka humakbang patungong pintuan. "Good luck." Sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Napabuga ako ng hangin ng maiwan ako sa kuwarto. Alam ko na kung para saan ang sinabing iyon ni manang. Hindi ko rin alam kung ano'ng approach ang ibubungad ko sa kan'ya lalo na at nakakumot pa siya. "Sir Gregg, kumain na po kayo," tawag ko rito. Ilang segundo na ang nakalipas ay nanatili itong tahimik. Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o talagang tulog ito. Lumapit ako rito at kinalabit ito sa balikat. Nakatayo ako sa gilid ng kama nito. Siguro naman ay magigising na ito kung sakali man na natutulog nga ito. "Sir, kumain na po kayo habang mainit pa po ang sabaw," muling pukaw ko rito. Napangiti naman ako ng magmulat ito ng mata. Kumurap-kurap pa ito na tila inaaninag ang nasa harap nito. Kasabay ng pagsinghap ko ang panlalaki ng mata ko ng kumilos siya at mabilis na nahaklit ang kamay ko dahilan para mawalan ako ng balanse at napunta ako sa ibabaw niya. "Didn't manang tell you that no one can disturb me especially when I'm sleeping?" matigas na tanong nito. "H-hindi, kung alam ko, eh hindi sana kita inistorbo," sarkastiko kong sagot kahit nagsimula ng rumagasa ang kabog ng dibdib ko. Sinubukan ko ang umalis sa ibabaw niya ngunit pinigilan niya ako. Lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko habang ang isang kamay niya ay nasa likod ng aking baywang. "Magkano ba ang binayad sa'yo ni papa? How much do you want? I'll double the amount and leave my house," mapang-insultong sabi nito. Dahil sa sinabi nito ay nag-init ang ulo ko. Nagpantig ang tainga ko sa pang-iinsulto nito sa pagkatao ko. Wala na akong pakialam sa mga binilin sa akin ni Manang Trining kanina lang. Gusto ko turuan ng leksyon ang aroganteng lalaking ito. Hindi lahat ng bagay ay tutumbasan nito ng pera. Hindi ako! "Siraulo ka pala eh," sambit ko. Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Nagsimulang magtagisan ang bagang nito habang matiim ang tinging pinupukol sa akin. "No one has ever dared to call me that way, miss. Do you know what the consequences are of what you did?" tiim bagang na tanong nito habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Kahit nasasaktan na ay hindi ko pinahalata. Dahil malaya ang isa kong kamay ay tinukod ko ito sa dibdib niya. Ngunit muli lang niya akong hinila palapit sa katawan niya. Pero dahil nasa gitna niya ang tuhod ko ay hindi ko sinasadyang matamaan ang maselang parte ng bahagi ng katawan niya sa ibaba. Nabitawan niya ako kaya ginawa kong pagkakataon iyon para umalis sa ibabaw niya. "What the hell did you do?!" asik nito habang hawak ang gitna. Pinigilan ko ang matawa sa harap nito dahil namumula na ang mukha nito sa sakit. "Lilinawin ko lang, sir. Hindi lahat ng bagay ay kayang tumbasan ng pera. Sapat na sa akin ang perang sasahurin ko. Hindi ako ang tipo ng tao na kaya n'yong bilhin. Nandito ako para tulungan ka, hindi para insultuhin mo," kalmado kong wika saka iniwan ito kahit namimilipit pa ito sa sakit. Unang araw ko pa lang ay nakatanggap na agad ako ng pang-iinsulto sa katulad niya. Sana iniwan na lang niya sa bilangguan ang pagiging arogante niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD